R18. READ AT YOUR OWN RISK(SLIGHT SPG)
ZHEILY'S POV
Umabot ng isang linggo at nagtuloy tuloy na ang saya sa pagitan namin ni Kenzo, pinagsisihan ko narin ang nagawa ko at paulit ulit akong humingi ng tawad sa kaniya ngunit sinabi lang niyang naiintindihan niya ako.
Ngiting pinagmamasdan namin ang malawak na karagatan habang nasa likod ko siya.Kapwa kami nakaupo sa mapinong buhangin habang nakasandal ako sa kaniya.Nakapulupot ang kaniyang dalawang braso sa bewang ko at ang baba niya ay nakapatong sa balikat ko.
" Maligo tayo, inaakit na naman ako ng dagat para lumangoy " Hindi makapaniwalang napatingin siya sa'kin. " Really? Alam mo bang malamig? " Napaiwas ako ng tingin sa kaniya.
" Joke lang hahaha " Pagbibiro ko.Pinisil pisil niya ang pisngi ko bago huminga ng malalim. Sinubukan kong lingunin ang gwapo niyang mukha at saglit pa siyang hinalikan sa labi. " Salamat Kenzo " Ngumiti ako habang nakakunot naman ang noo niya.
" For what? "
" Ang tibay mo kasi, peru bakit sobrang dami ng luha ang kumawala sa mga mata mo? " Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa leeg ko at marahang hinalikan ang balat ko.
" Tinatanong pa ba yan? Hindi ba obvious na mahal kita? Ikaw lang ang kauna-unahang babaeng iniyakan ko " Dahil sa sinabi niya tila naantig ang puso ko.Ngumiti ako habang ang tingin ay nakatutok parin sa malawak na karagatan.
" At gusto kong malaman mo na ikaw din ang kuana-unahang lalaking iniyakan at kinabaliwhan ko Kenzo, talaga bang mga magulang nina Jake ang may inggit sa pamilya mo? " Natigilan siya saglit sa naitanong ko.
" Yeah, malakas ang kutob namin ni Dad na sila ang may pakana ng lahat ng ito " Napatango nalang ako.Alas syete narin ng gabi at kakatapos lang namin kumain, napag-isipan kong magpahangin dito dahil sobrang nakalarelax ang paligid.
" It's getting cold here, let's go inside " Tumango ako bago pa man siya bumangon.Napatili ako nang buhatin niya ako ng pang bridal style.Napakapit ako sa leeg niya at ang gwapo niyang mukha ay saglit pang tumitig sa'kin bago ngumiti.
" Ang gwapo talaga! "
" Hindi ka ba nagsasawang purihin ako? It's that your habit? " Mahina akong tumawa.Noong unang kita ko palang sa kaniya palagi ko nalang siyang napupuri, maging sa panaginip ko noon nakikita ko siya.
" Noong una pa lang patay na patay na ako sayo, habit ko na talagang purihin ka " Humagikhik ako bago sumubsob sa dibdib niya.Narinig ko ang mahina niyang tawa bago siya tuluyang naglakad.
" Hindi ka ba nabibigatan? "
" It's my habit " Napangiwi ako sa sagot niya.Napatitig saglit ang mapupungay niyang mata bago ngumiti.
" Habit mong dalhin ako? Parang walang silbi ang dalawa kong paa niyan! " Natawa siya sa sinabi ko at napailing-iling nalang.Ang saya niyang kausap, at minsan may mga biro akong sinasakyan niya kaya hindi talaga boring ang lalaking ito.
Nagtungo kami sa taas nang makarating na kami sa loob ng bahay.Maingat na inilapag niya ako sa malaking kama na tila isa akong babasaging bagay na marahang inilapag sa kama.
Kinuha niya ang kimot at binalot iyon sa katawan ko. " Humiga ka narin dito " Ngiting sambit ko at ganon nga ang ginawa niya.Mahigpit akong napayakap sa katawan niya at sinubsob ang mukha sa matipuno niyang katawan.
" Sleep well baby, good night and I love you " Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.Yumuko ang ulo niya para halikan ako.Napapikit ako at dinamdam ang malambot niyang labi sa labi ko.
YOU ARE READING
THAT NERD IS MINE(COMPLETED)
RomanceSiya ang babaeng kinakawawa ng lahat.Babaeng pinagtatawanan at hinuhusgahan, babaeng tinuturing na basura at para sa kanilang lahat ay hindi nababagay ang isang basura sa lunggang pinag-aaralan nila.Kilalanin ang dalagang si Zheily Ceivas na palagin...