CHAPTER 38 : 𝗖𝗢𝗕𝗥𝗔

1.2K 47 0
                                    

ZHEILY'S POV

Boung akala ko mananatili na ang galit sa puso ko, ang akala ko mahihirapan akong patawarin ang Papa ko peru nagkamali ako.Matapos marinig ang dahilan niya hindi ko mapigilang mapaiyak.

Ganon pala iyon? Kung tutuusin talagang nakakaawa siya at ang hirap ng pinagdaanan niya.Parang pinaglaruan siya ng sarili niyang mga magulang.

Hindi pala naging madali sa kaniya ang lahat. Nagsisisi ako kung bakit nagalit ako sa kaniya nang hindi ko man lang nalalaman ang naging dahilan. " Babawi ako sayo, sa Mama mo " Bulong niya.

Hinigpitan ko ang yakap sa kaniya habang ang luha ay patuloy na kumakawala sa aking mata. Iba iyong kaginhawaan na nararamdaman ko habang kayakap ko siya, Ang sarap sa pakiramdam.

" Sorry po kung nagalit ako. Hinusgahan po kita nang hindi ko nalalaman ang dahilan mo.Pinapatawad na po kita " Nakita ko ang pagngiti niya ngunit hindi nakatakas sakin ang pagtulo ng luha niya.

" Ilang taon kong hinintay ito na magkaroon ng anak. Ngunit hindi ako umasa na magkakaanak ako sa ibang babae, sa Mama mo lang ako naghangad na magkaroon ng anak.At h-hindi ako makapaniwala na ikaw ang batang hinahangad ko noon pa lamang " Magkahalo ang ngiti at iyak sa reaksyon niya.

" Pwede bang tama na ang drama, hoy pinapaiyak niyo naman ako, tumulo luha ko pati sipon tumulo na, ang drama niyo " Naiyak na napatawa ako. Si Sheh kasi ang OA grabe ang daming luha na tumulo sa mata niya.

" Pati ako naiiyak tama na ang drama " Napapunas ako sa luha ko.Niyakap ko ulit si Papa.Pati si Sheh sumabay narin sa pakikipagyakapan namin.

Matapos kong kausapin si Papa bumalik na ulit ako sa loob ng ospital, si Mama nalang ang kakausapin niya at sana makinig si Mama.Hawak ko si Papa sa kamay nang biglang mapatingin si Mama.Nagtataka.

Napabangon si Mama sa pagkakahiga sa hospital bed bago ako tingnan. " M-mama pasencya na po kung nandito siya, hayaan mo po siyang magpaliwanag " Nakayukong sambit ko.

" Naniwala ka kaagad? " Nakagat ko ang labi ko dahil sa tanong ni Mama.May bahid na galit iyon.

" Susan, maniwala ka sa'kin.Sinabi ko na ito kagabi peru bakit hindi mo ako kayang paniwalaan? Una pa lang hindi ako nagsinungaling sayo at alam mo yan " Hinawakan ko si Papa sa braso niya.

" T-Tita maniwala ka naman po kay Tito Averon, w-wala po siyang kasalanan. K-kahit si Daddy saksi sa pinagdaanan ni Tito " Lintaya ni Sheh. Natahimik si Mama at napaiwas ng tingin kay Papa.

Umalis kami sandali sa kwartong iyon habang kasama ko si Sheh at Kenzo.
" I'm happy for you Zheily,  ang dali mong magpatawad, you understand your him immediately " Ngumiti ako kay Kenzo at hinawakan ang kamay.

" Iyon naman dapat eh, matutong magpatawad at matutong umunawa " Ngumiti ako sa kaniya.

Bigla niyang nilapit ang mukha niya at hinalikan ako sa labi.Nagulat ako at maraming nakakitang nurse sa ginawa niya.

" I realize na sana maging okay narin kami ni Dad, thank you so much Zheily. I'm so proud of you baka matutunan ko rin intindihin si Dad dahil may girlfriend akong mabait at maunawain " Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi niya.

Hindi nagtagal umuwi narin si Sheh dahil magdadate daw sila ni Zhoren.  Mga ilang oras kaming nag-uusap ni Kenzo sa labas bago ko naisipang sumilap kina Mama at Papa.

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil nag-uusap na sila ngunit halata parin sa mukha ni Mama na nagagalit siya. Pinabayaan ko nalang at lumabas ulit sa kwarto.

" Hayaan muna nating mag-usap ang dalawa"  Hinawakan ni Kenzo ang kamay ko at lumabas kami sa ospital. Nakita ko pa si Mr.Lee na papunta seguro kay Papa ngunit napigilan ko siya.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now