CHAPTER 25: 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗥𝗘𝗛𝗘𝗡𝗗

1.2K 43 0
                                    

PERSIA'S POV

Masaya ako habang nakikipagkwentuhan kay Zhoren tungkol sa karanasan ko  noong bata pa ako, iwan ko ba peru mahilig akong magkwento tungkol sa buhay ko kaya itong si Zheh ay updated na sa lahat.

Minsan naiinis sakin si Zheh kasi daw ang daldal ko, eh iyon ang totoong Persia madaldal. Basta't komportable ako, lahat ikwekwento ko tungkol sa naging karanasan ko.

" Alam mo dati,noong bata pa ako marami akong nakakaaway sa isla na ito, mga turista, hahaha iyong mga dayo sa ibang lugar inaaway ko ang anak nila " Kwento ko dahilan kaya napatawa si Zhoren.

" Really ginagawa mo iyon? " Hindi makapaniwalang tanong ni Zhoren.Tumango ako at tumawa ng malakas.Tandang tanda ko pa noon katulad nina Kierra madalas akong mabully.

" Scarry! "

" Hoy Zhoren nagbago na ako ngayon.Good girl na ako, may mga batang inaagawan ko ng laruan noon, inaagawan ng pagkain, candy, basta kapag may mga bagay na gusto ko inaagaw ko sa kanila "

" Kawawa naman ang mga batang inaagawan mo "

" Sinabi mo pa, sinisigawan ko pa ang mga turista kung bakit sila pumunta sa lugar namin sabi ko ' HOY HINDI KAYO WELLCOME DITO, ISLA NAMIN TO'! ' napapailing nalang sina Mommy at Daddy sa ginagawa ko " Kwento ko pa na ikinatawa ni Zhoren.

Grabe talaga ako noong bata pa ako, mapanakit at walang respito, hanggang ngayon marami parin talagang dumadayo dito.Ang islang tinatapakan namin ngayon ay siyang lugar na napuno ng mga alala ko noon.Mas lalong gumaganda dito.

Dito ko dinala sina Zheh dahil dito makakarelax kami, may klase na bukas kaya mag eenjoy muna kami ngayon.Habang nagkwekwentuhan kami ni Zhoren pansin ko na walang kibo si Zheh.

Tiningnan ko si Kenzo na tahimik lang din peru madalas napapasulyap ng tingin sa gawi ng kaibigan ko.Kanina pa tahimik si Zheily kaya nagtataka na ako kung ano ba ang nangyari sa babaeng ito.

Wala sa sariling kinalabit ko ang braso niya, habang tulala siya sa mapinong buhangin.Kumunot ang noo ko at pilit na sinusuri ang mukha niya. " Kanina ka pa tahimik are you okay? " Nag-aalalang tanong ko.

Napatingin siya kay Kenzo bago sakin ngunit ngumiti din kalaunan. " Oo naman okay lang ako " Umiwas kaagad siya ng tingin.Hindi ako naniwala sa sinabi niya peru tumango tango nalang ako.

" Para kasing malalim ang iniisip mo, baka may problema ka sabihin mo lang, pangako natin sa isa't isa na walang magtatago ng lihim " Mahina siyang tumawa bago kumagat ng pizza.

" Okay nga lang ako.Ang ganda pala ng isla ninyo "

" Oo naman kasing ganda ko " Pagbibiro ko.Tumayo ako kukuha sana ng maiinom sa restaurant at para narin pumunta kay Mommy. " Aalis lang ako sandali, I'll be back"

" Sheh sasama ako " Biglang sambit ni Zheh bago tumayo, hindi man ito tumingin kay Kenzo kaya maging kami ni Zhoren ay nakakahalata na.Simula nang makabalik kami sa bahay nila wala na silang kibuan, ano ba ang nangyari sa dalawang ito?

Pumayag nalang ako.Sabay kaming naglakad sa mapinong buhangin hanggang sa nakarating kami sa restaurant, maraming turista ang kumakain hanggang sa makita ko ang staff ni Mommy.

" Good evening po Ma'am " Bati nito at bahagyang yumuko.

" Si Mommy? " Tumingin siya labas at tinuro doon ang cottage.Nakita ko kaagad si Mommy na nakaupo, wala dito si Daddy nandon sa kompanya may meeting kasama si Tito Averon.

" Mommy? " Napalingon si Mommy at agad na napangiti nang makita niya si Zheh sa likuran ko. " Baby girl, nandito kana pala by the way nasaan ang ibang friends mo, nakakain naba? " Ngumiti ako at tumango.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now