ZHOREN'S POV" May bibilhin ako sa labas, ahm Zhoren pweding samahan mo ako sandali. " Ngumingiting naisatinig ni Persia. Bahagya pa siyang sumulyap kina Zheily at kay Kenzo na tahimik lang na kumakain.
" Zhoren, sige na please " Kumurap kurap pa siya. It's kinda cute that's why I really fell inlove at her.Peru alam ko ang plano niya, gusto niyang maiwan sina Zheily at Kenzo dito para magkasama silang dalawa.
Sumasabay nalang ako sa plano niya.Tumingin samin si Miss Zheily at pinaningkitan ng mata ang kaibigan, she's also cute at sa palagay ko unti-unti ng napupunta ang interes ni Kenzo sa babae.Especeally to her.
Honestly, hindi mahilig si Kenzo sa babae, sinasabi ng lahat na marami na siyang babaeng nabasted dahil mga babae pa ng kusang gumagawa ng paraan at para siya narin ang maligawan ng mga babae. It's weird.
Peru ngayon nang dahil kay Zheily unti-unting nabubuhay ang puso niya sa salitang 'pagmamahal'. Masaya ako sa kaniya at gusto ko narin maging masaya siya, at sana si Zheily na ang babaeng magbibigay ng kulay sa buhay niya.
He's sad boy, problemadong lalaki kahit nasa kaniya na ang pagiging anak mayaman.Sa lahat ng kaibigan ni Kenzo ako ang mas nakakakilala sa kaniya.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tumayo narin si Persia. " S-saan kayo pupunta? " Nababahiran ng kaba ang boses ni Zheily.
Tumingin siya sa kaibigan niya at ngumiti lang si Persia. " May bibilhin lang kami sa labas " Malamig na tumingin sakin si Kenzo ngunit nginisian ko lang siya.
" Let's go? " Tanong ni Persia ngumiti ako at tumango.Habang naglalakad kami nakarinig ko na nagbubulong bulungan, ang mga studyante sa paligid, issue na naman ito tungkol sa amin ni Persia.
" Hayaan mo silang dalawa " Lumingon si Persia at nakita namin na nakatingin pa si Zheily na para bang gusto niyang sumama.
Nang mapatingin ako kay Persia nakangiti siya bago niya hinawakan ang kamay ko at tuluyang hinatak papalabas sa loob ng cafeteria.Tila nasasayahan pa siya sa ginagawa niya.
Pumunta kami sa study area at naupo roon.
" Ang grupo pala nina Jake dapat palagi kayong nakamanman sa kanila, p-parang palagi nilang tinititigan ang kaibigan ko " Napabuntong hininga ako." Natatakot tuloy si Zheh sa kanila at maging ako, noong araw na iyon gustong gusto ko silang suntukin sa mukha peru malakas sila" Gusto ko ang agiging madaldal niya at kita ko kung papaano niya ipinakita ang pagiging palaban niyang tao.
" At ang Jake na iyon naku! Manyakis iyon, kahit nasasaktan na si Zheily wala parin siyang pakealam " Napailing ilng siya.
" Don't worry, binabantayan ni Kenzo si Zheily" I uttered and she was surprised." What? Ginagawa niya iyon? " Tumango ako.Bakit siya nagulat? Oo palaging nakabantay si Kenzo kina Jake dahil alam naming lahat na target nila ngayon si Zheily.
" Sus! Concern pala ang lalaking iyon sa kaibigan ko " Ngumiti ako.Paano hindi magiging concern, e si Zheily ang kababata ni Kenzo noon na matagal ng hinahanap ng kaibigan ko.
Ako lang ang nakakaalam nito dahil nakita ko ang litrato ni Zheily and he tried to explain it.Walang alam sina Zayden at Jace dito.
" Totoo bang may laro daw kayo mamayang hapon? " Natigilan ako sa tanong niya.Paano niya nalaman iyon? Tumango ako at tiningnan siya. " Aabangan ko yan.Manonood kami ni Zheh " She said.
" Grupo nina Jake iyong kalaban diba? "
" Yes, wala pang final to' "
" Paniguradong matatalo na naman sila.Ang galing galing niyo kase, nakakaproud " Kita ko kung papaano siya nasasayahan, yang ngiti niyang iyan, kay sarap pagmasdan.
YOU ARE READING
THAT NERD IS MINE(COMPLETED)
RomanceSiya ang babaeng kinakawawa ng lahat.Babaeng pinagtatawanan at hinuhusgahan, babaeng tinuturing na basura at para sa kanilang lahat ay hindi nababagay ang isang basura sa lunggang pinag-aaralan nila.Kilalanin ang dalagang si Zheily Ceivas na palagin...