IKA-ANIMNAPU'T DALAWANG KABANATA

98 12 5
                                    

IKA-ANIMNAPU'T DALAWANG KABANATA




Why do we sometimes end up with people who aren't good for us?


Naalala ko, may nabasa akong katanungan dati: Why do we stay around people who hurt us?


Sabi roon, there's a comfort in familiarity. Sometimes, it's because we're afraid to lose what we have, so we cling tighter to the good memories than we do to the bad.


May sumagot din na maybe we fear the idea of being alone, we have low self-esteem, or maybe we just want to believe that they did not intend to hurt us.


Pero 'di ko alam kung saan ako lulugar sa mga kasagutan. Kasi pakiramdam ko, 'di ko naman maiuugnay 'yong nararamdaman ko ngayon sa mga iyon... pero bakit ako nandito


Napabuntong-hininga si Cassandra at tumulala sa kisame.


Ang kumplikado ng buhay ko. Kung sino 'yong taong gusto ko sanang layuan hangga't maaari, siya naman itong dinidependehan ko ngayon.


Bumangon siya. Umupo sa kama at inilibot ang mga mata sa loob ng silid.


This room—it's painfully familiar to Cassandra. Naglakbay ang paningin niya sa pamilyar na painting sa pader at nagsimulang manumbalik ang mga memoryang mayro'n siya sa silid na iyon. Wala man lang nagbago roon. Ito pa rin ang pamilyar na espasyong nagpapaalala sa kaniya ng mga napagsamahan nila ni Lorenzo.


Bumagsak ang mga mata niya nang makaramdam siya ng kung anong mabigat sa dibdib. Kaagad siyang napailing.


"Gumising ka, Cassandra." Bulong niya sa sarili.


Pero 'di niya pa rin sukat akalain na matapos ng ilang buwan ay magagawa niyang bumalik sa bahay nito, sa mismong k'warto nito. Pakiramdam tuloy niya'y panaginip lang ang lahat.


Tumayo si Cassandra nang nakakaramdam ng bigat sa pantog. Mabilis siyang nagbanyo. Pagkalabas ay inilibot niya ang mata. Napaka tahimik doon. Wala siyang ideya kung nasa saan ang alkalde sa mga oras na 'yon.


Nagdesisyon siyang bumaba. Doon lang siya nakarinig ng mahihinang ingay. Tahimik niyang binagtas ang kusina, nagbabaka-sakaling makita si Lorenzo, ngunit sa kaniyang pagkalito, isang matandang babae ang bumungad sa kaniya roon.


Halata ang saglit na pagkagulat nito nang makita siya ngunit kaagad din itong nakabawi at ngumiti sa kaniya. "Magandang umaga po, Ma'am Cassandra."


Hindi 'agad nakasagot ang dalaga. Saglit niyang inilibot ang mata, tila may hinahanap.


"Si Ser Lorenzo po ba ang hinahanap ninyo?" Tanong nito.


Cassandra nodded.


"Kanina pa pong alas siete pumasok si Ser Lorenzo,"


Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon