CHAPTER 4: Dream
Napangiti ako nang marinig ko ang balita.
Finally! Naayos ko rin ang problema ko, bumalik sa dati ang lahat na parang walang nangyari. Ibinalita sa'kin ni Aeun ang tungkol sa fund na nawala at ngayon ay napalitan at dahil 'yon sa tulong ni Bryle. Gusto ko s'yang pasalamatan, pero hindi ko naman magawa dahil hindi ko alam kung anong number niya.
Tapos nung sinabi ko kay Aeun na mag set ng meeting sa gwapong nilalang na 'yon ay ibinalita niya rin sa'kin na wala ito sa Italy.
Eh!?
Nasaan na 'yon?
Akala ko ba mag papakasal kami?
Hindi pa nga kami kasal iniwan na agad ako sa ere!?
Oh my gosh! Paano pa kaya kapag nabuntis na niya ako!?
Itatakas niya sa'kin ang baby namin at hindi na sila mag papakita!?
Ang sama niya!
Hindi ako papayag na lumaki ang aking anak na hindi manlang nakikilala ang napaka ganda n'yang ina!
Hindi 'to pwede! Kailangan makaisip ako ng paraan para mapigilan ang gwapong nilalang na 'yon, mukhang 'yon talaga ang balak niya!
Akala ba niya sa'kin, uto-uto? Hindi naman ako ganon!
Tama? Right!
"Eli," natauhan ako nang bigla akong tawagin ni Aeun. May dala dala s'yang mga folders at inilapag lahat 'yon sa'king harapan. "Paki pirmahan." Walang ganang sabi niya.
Napangiwi naman ako at sinunod ang inuutos niya.
"Pagkatapos ba nito wala akong ibang schedule?" Tanong ko kay Aeun.
"Wala." Napangisi ako sa sinabi niya, kung ganon makakapunta ako sa Blu Arte's ngayon..
"Ano na namang balak mong gawin?" Takang tanong ni Aeun, "Katatapos mo lang gumawa ng katangahan mukhang balak mo na naman gumawa ng bago."
Napanganga ako sa sinabi niya.
Ginagawa pala yung katangahan!?
Akala ko nangyayari lang 'yon ng basta..
Medyo tanga rin 'tong si Aeun eh, sakanya siguro ako nag mana. Tama? Right!
"Pupunta ako sa Blu Arte's ngayon, gusto mo bang sumama?" Pag aaya ko habang nakangiti ng sobrang tamis sa kanya. Tiningnan naman niya ang oras sa kanyang wristwatch bago sumagot sa tanong ko.
"Okay," napa-crossarms ito at kumunot ang noong tinitigan ako. "Eli, wala ka ba talagang balak sabihin sa'kin kung anong balak mo ngayong nag kasundo kayo ni Mr. Caje sa fixed marriage na 'yan?"
Napatitig lang ako sa kanya. Hindi ko naman kasi talaga sinabi sa kanya na 'yon ang kondisyong ibinigay ng gwapong nilalang na 'yon.
"T-teka? Paano mo naman nalaman na yun ang usapan namin?" I asked, confused.
"Malamang nag tanong ako sa kanya." Umismid ito sa'kin at tinalikuran ako, "Hindi ko siya kinausap bilang sekretarya mo, ginawa ko 'yon bilang best friend mo Felicity Rose Lee." Madiing saad niya saka ito muling lumingon sa'kin. "Ayusin mo ang mga ginagawa mo, baka mamaya magsisi ka sa mga desisyon mo!"
"Don't worry about me, Ae. I know what I'm doing." Ngiting sagot ko. Dalawang taon lang naman ang usapan namin ng gwapong nilalang na 'yon, kaya madali lang umalis kapag natapos ang usapan naming dalawa.
BINABASA MO ANG
DESTINED VOWS
RomanceKUWEI SERIES 2 | HOT GENTLEMEN SERIES 1 ••READ AT YOUR OWN RISK•• Felicity Rose is the pampered daughter of one of the Lee family members. She is the youngest and has been selected to inherit a resort due to her exceptional business acumen within th...