CHAPTER 49: Blu Arte's Big Event

18 5 0
                                    

CHAPTER 49: Blu Arte's Big Event

Matapos ang maghapon na trabaho ay umuwi na din ako sa bahay namin ni Bryle. Pagdating ko ay nandoon na siya at nagluluto ng makakain naming dalawa. Pinaalis na naman niya ang mga katulong sa bahay kaya kaming dalawa lang ang tao ngayon sa bahay na 'to. Natatawa ako kapag naaalala ko kung paano niya pinag bakasyon muli ang mga katulong niya. Pabor naman sa mga ito ang kondisyon ni Bryle dahil hindi sila 24 hours na mag tatrabaho, pero buo parin ang kanilang sahod.

Napag usapan rin namin ni Bryle ang maghapon naming ginawa sa aming mga opisina. Mga ilang oras rin kaming nag kukwentuhan habang kumakain bago namin maisipang pumunta na sa kwarto upang mag pahinga.

Na asikaso ko na rin ang lahat ng papeles na kailangan sa Blu Arte's, magaganap ang pag bukas ng bagong museum sa darating na sabado. Nasasabik na akong makita ang pinaghirapan ko. Kompleto na rin ang mga collections ko na painting at isa isa na rin itong pinwesto sa parte ng museum.

Lumipas ang tatlong araw na patuloy kami sa paghabol ng mga pendings na naiwan namin sa'ming mga opisina. Hindi na kami nag kakasabay ni Bryle sa pagpasok dahil may sarili kaming schedule na dapat unahin. Sa gabi lang kami nag kikita kapag natapos ang maghapong trabaho, sabay na kumakain ng hapunan habang pinag uusapan ang mga nangyari sa aming mga opisina.

Lumipas pa ang mga araw na ganon ang nangyayari sa'min, namalayan ko na lang na bukas na ang event kung saan magaganap ang exhibit sa mga collections ng Blu Arte's. Ito ang hinihintay ko, ang pagbubukas ng isa sa museum ko. Hindi na ako makapag hintay na mag bukas ito, siguradong marami ang dadalo, lalo na ang mga fans ko na mahal na mahal ang mga nilikha ko.

"Love! Okay na ba ang lahat? Wala na ba tayong nakalimutan?" Sigaw ko kay Bryle habang busy ako sa pag lalagay ng lipstick sa'king labi.

"Mukha namang wala ka nang nakalimutan, matagal ka pa ba d'yan?" Tanong ni Bryle sa'kin narinig ko ang mga yabag niya papunta sa gawi ko. Mayamaya lang ay sumulpot na siya mula sa likuran ko at tiningnan ang ginagawa ko. "Kanina ka pa dyan, hindi ka parin tapos mag make up." Komento niya na bahagyang nakangiwi dahil sa panonood sa ginagawa ko. Natawa ako ng mahina at napailing,

"Love, kailangan maganda ako doon! Sayang naman ang mukha ko kung hindi kasing kulay ng mga paintings ko di ba."

"May make up o wala, maganda ka na. Hindi mo na kailangan pang mag paganda. Okay na yang hitsura mo."

"Alam ko! Pero kailangan ko parin mag ayos, para naman presentable ako sa ibang taong makakaharap ko."

"Ikaw ang bahala, mauuna na akong pumunta sa kotse, doon na lang kita hihintayin."

"Sure, matatapos na rin naman ako dito." Nakangiting sabi ko at tinuon na muli ang atensyon sa salamin. Nang mawala na si Bryle sa reflection ng salamin at narinig ko na ang pag sara ng pinto ay napangiti ako. Inilabas ko ang maliit na kahon sa'king bulsa at binuksan ito.

Isang bracelet na may nakaukit na brycity. May infinity symbol sa gilid nito at may date rin kung kailan kami kinasal sa papel.

Ibibigay ko ito kay Bryle pagkatapos ng program sa museum. Siguradong magugustuhan niya ito, sa ngayon itatago ko muna ito at hindi ko dapat ipakita sa kanya hangga't hindi pa natatapos ang event.

Hindi na ako makapag hintay sa magiging reaksyon niya dito. Hihihi!

Nagpunta na kami sa museum kung saan bagong bukas ng Blu Arte's, nakarating kami sa venue na marami nang tao. Napangiti ako, napaka daming taong sumusuporta sa mga likha ko. Nakakataba talaga ng puso ang kanilang effort na pumunta pa talaga dito para masaksihan lang ang unang araw ng aking pinaka malaking museum rito sa Italy.

DESTINED VOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon