CHAPTER 14: Cubicle
Maaga akong nagising, hindi ko alam kung bakit. Tiningnan ko si Bryle, tulog pa ito kaya naman sinamantala ko na ang pag kakataon, mabilis akong umalis sa kama at ginawa ang morning routine ko bago ako pumunta sa kusina para gumawa ng breakfast namin.
Ako naman ngayon ang mag luluto.
Habang ginagawa kong fried rice ang kanin na natira ka'gabi ay naisipan ko munang tingnan ang mga article patungkol sa mga balita. Napansin kong nag labas na naman ng bagong cover ang Infinite Magazine, kitang kita ko ang walang emosyong mukha ng pinsan kong naka bikini pa habang naka sexy pose.
Hay naman CJ, bakit ba kahit sa litrato hindi mo man lang makuhang ngumiti? Hahaha nakakatawa ka talaga..
Napailing ako at muling tinuon ang atensyon sa pagluluto. Ilang minuto rin ang nakalipas nang matapos akong mag luto ng fried rice, sunny side up eggs, hotdogs. Gumawa rin ako ng simpleng pizza gamit ang mga tinapay na pinag sama-sama ko lang. Napanood ko lang ito sa isang website at ginawa ko noon sa bahay ko, ngayon naman ay ginawa ko rin dito baka sakaling magustuhan ni Bryle.
Napatingin ako sa may hagdan nang marinig ko ang mga yabag ni Bryle, nagtataka itong tiningnan ako.
"Why didn't you wake me up?" Tanong niya. Napakibit balikat naman ako at umupo sa silya,
"Bakit? Ayaw mo bang ako naman ang mag luto para sayo?" Taas kilay kong tanong, kita kong napakurap siya ng paulit ulit. Halatang hindi inaasahan ang tanong ko.
"Thanks." Parang naiilang na sagot niya saka ito naglakad palapit sa dining at naupo na rin.
Nagsimula na kaming kumain, parang napansin kong naiilang si Bryle kaya napakunot noo ako. Ano bang problema nito? Hindi ko mapigilang mapatanong sa isip ko, hindi ko inalis ang mga titig ko sakanya kaya hindi na rin nakaka pagtaka nang mapansin niya 'yon at mapatingin sa'kin.
"What?" Takang tanong niya.
"Wala naman, nagtataka lang ako sa'yo. Parang kakaiba ka ata ngayon." Actually kahapon pa, parang may problema ka..
"Anong kakaiba sa'kin?" Tanong niya, hindi ko naman masabi yung naiisip ko. Napailing lang ako at nginitian siya.
"Wala lang yun, nevermind." Ngising usal ko at inalis na lang ang tingin sakanya.
Tama yan Felicity, h'wag mo na lang s'yang isipin. Mag focus ka na lang sa mga bagay na dapat mas iniisip mo ngayon, tama? Right!
----------
Nag hiwalay kami ng kotse ngayon ni Bryle. Hindi na rin siya nangulit na ihatid ako, matiwasay akong nakarating sa Lee's Corp at mabilis naman akong sinalubong ni Aeun.
Gaya ng palagi n'yang ginagawa, binibigyan na naman niya ako ng mga folder na dapat kong trabahuin ngayong araw. Bukod doon ay nag lapag siya ng mga panibagong schedule kaya nararamdaman kong mas magiging busy ako ngayong araw.
Nag simula ang meeting patungkol sa mga reports sa sales at stocks. Maayos naman ang nangyayari sa kompanya ng Lee's Corp kaya nakakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko na ito gaanong p'problemahin, nag paalam ako kay Aeun na pupunta naman ako sa Blu Arte's at doon naman ako mag c'check ng gagawin.
Nang makarating naman ako doon ay sinalubong naman ako ni Mngr Fort at gaya ni Aeun ay may mga binigay rin itong mga folder na kailangan kong basahin para maging updated ako sa company, bukod doon nag lapag rin ito ng mga schedule ngayong araw. May isang meeting ako patungkol sa collections ng mga paintings.
Malapit na mag luch nang tumunog ang phone ko. Tiningnan ko agad ang screen at mabilis na sumilay ang ngiti sa labi ko nang mabasa ko kung sino ang tumatawag, si Haze!
BINABASA MO ANG
DESTINED VOWS
RomanceKUWEI SERIES 2 | HOT GENTLEMEN SERIES 1 ••READ AT YOUR OWN RISK•• Felicity Rose is the pampered daughter of one of the Lee family members. She is the youngest and has been selected to inherit a resort due to her exceptional business acumen within th...