CHAPTER 21: Aroused
Hindi na ata maalis ang aking mga mata sa binigay na bouquet of green roses ni Bryle. Ang ganda sobra! Saka ito rin ang unang beses na binigyan niya ako ng bulaklak. Hindi ko alam kung para saan ito, pero hindi ko na tinanong. Sobrang natutuwa ang puso ko sa ginawa ni Bryle. Hay naman! Nababaliw na ata ako! Hindi na maalis ang mga ngiti ko!
"Wife, do you like this?" Tanong ni Bryle kaya napatingin ako sa kanya, nakatingin ito sa mga clips sa buhok. Napangiwi ako, hindi naman kasi ako nag lalagay ng ganyan sa buhok ko, pero mukhang gusto akong bilhan ni Bryle ng ganon.
"Ito maganda," turo ko sa isang clip na may kulay green na diamond style. "Simple lang, pero mukhang elegant tingnan." Paliwanag ko pa kung bakit ko itinuro 'yon, napatitig si Bryle sa tinuro ko at kinuha ito para ilagay sa buhok ko. Pansin kong natutuwa ang tindera habang pinapanood kami ni Bryle, ako naman hindi malaman kung ngingiti sa matanda o yuyuko na lang dahil sa kahihiyan.
"It doesn't look simple anymore when you wear it." he said, tinitigan ako sa mukha at nag kagat labi pa na parang pinipigilan nitong ngumiti. "Lo comprerò." (I'll buy this.) sabi ni Bryle sa tindera saka nag bayad. Awkward akong napangiti, hay naman!
Mukha naman akong bata dahil sa ipit na binili ni Bryle! Kainis!
Ikaw naman ang pumili n'yan kaya anong inaangal mo d'yan!?
Argh! Kainis!
Muli kaming naglakad, hawak hawak ni Bryle ang isang kamay ko (intertwined). Nasa kotse na ni Bryle ang bouquet of flowers na binigay niya sa'kin kanina. Matapos naming tumambay sa coffee shop ay inaya na naman niya akong mag lakad lakad, grabe! Puro gala ang alam nitong si Bryle, pero naisip kong minsan lang naman ito. Kahit naman ako ay hindi ginagawa 'to kahit pa noon. Sa sobrang workaholic kong tao ay kahit ilang years na ako sa Italy, never ko pang nasubukang gumala at mamasyal sa bansang 'to. Wala kasi akong time sa ganito, ngayon ko nga lang nagawa ito dahil pa kay Bryle.
Minsan tingin ko hulog ng langit si Bryle sa buhay ko..
"Wife," napalingon ako sa kanya nang bigla niya akong tawagin, isinampay nito ang ilang buhok ko sa'king tainga at may inilagay na bulaklak na mukhang pinitas niya sa kung saan, natawa ako sa ginawa niya. "Wow.. My wife is damn beautiful." Pang aasar pa niya at napa smirk. Napailing naman ako dahil sa sinabi niya at mabilis na kinuha ang phone ko para buksan ang camera.
"Picture tayo," sabi ko saka inunat ang braso. Yumuko ng bahagya si Bryle, pinantayan ang aking mukha saka ito dumikit sa pisngi ko. "Smile~" usal ko at nang ngumiti si Bryle kasabay ng pag ngiti ko ay mabilis ko rin pinindot ang cam button. Napangiti ako nang makita ko kung gaano kaganda ang litrato naming dalawa.
"One more," sambit ni Bryle at inagaw ang aking phone para siya mismo ang humawak. Humanap siya ng magandang view saka ito tumingin sa'kin, "Come here wife," lumapit naman ako sa kanya, nag bilang siya ng tatlo hanggang isa at bago pa niya ma click ang button ng camera ay humarap ako sa kanya upang halikan siya sa pisngi, napakurap siya nang makuhaan niya ng picture ang pag halik ko sa kanya. Natawa ako sa reaksyon niya dahil para s'yang namumula.
"Cute na'tin d'yan, hahaha" natatawang komento ko, hindi maalis ang tingin sa mukha ni Bryle na nakatitig sa'kin.
"Ulitin na'tin," he said, ngumisi naman ako at muling tumingin sa camera dahil inunat niya muli ang kanyang braso para mag picture kami. Akmang ic'click na niya ang button nang hawakan ni Bryle ang chin ko at iniharap sa kanya, doon ko lang napagtanto ang gusto n'yang pose namin sa litrato.
BINABASA MO ANG
DESTINED VOWS
RomanceKUWEI SERIES 2 | HOT GENTLEMEN SERIES 1 ••READ AT YOUR OWN RISK•• Felicity Rose is the pampered daughter of one of the Lee family members. She is the youngest and has been selected to inherit a resort due to her exceptional business acumen within th...