CHAPTER 51: Hidden Motive (Part 1)

32 3 2
                                    

CHAPTER 51: Hidden Motive (Part 1)

Ngayon ang launching sa bagong branch ng restaurant ni Bryle. Ang lahat ng mga kaibigan niya ay dumalo sa nasabing event, maging ang kanyang pamilya ay pumunta rin upang suportahan siya.

Inaasahan na ni Bryle na mainit ang pag tanggap ng mga tao sa kanyang bagong bukas na restaurant. Maraming nagpunta at kumain, kasabay non ay ang sunod sunod na papuri ng mga tao sa mga lasa ng pagkain na bagong recipe rin ni Bryle.

"Congrats, Calix!" Halos sabay sabay na bati ng mga kaibigan ni Bryle. Mabilis s'yang kinuyog ng mga ito at pinaliguan ng mainit na yakap.

"Have a seat." Sambit ni Bryle sa mga ito, sandali pa silang nang asar kay Bryle bago tuluyang maupo sa table set na mas malapit sa kanila. Nag order sila ng makakain at nag paalam naman si Bryle na kakausapin niya ang ibang mga bisita na sinadya pa siya mismo dito sa restaurant niya.

"Hey Cali," napabuntong hininga si Bryle  nang batiin siya ni Fleur na nakarating lang rin sa venue. "Sorry I'm late."

"It's fine. I'm used to it, anyways how's business going? Hmm?" Tanong ni Bryle sa dalaga na bahagya pa n'yang hinawakan sa baywang, kita ng mga kaibigan niya ang eksena na ito. Halos sabay sabay na lamang silang napailing sa nakikita nila. Batid nilang gustong gusto naman ng dalaga ang pagkakaroon ng amnesia ni Bryle. 

"It's fine Cali, I've just been so busy these past few weeks that I haven't been able to spend time with you." Pumulupot ito sa binata at mapang akit na ngumisi, "Would you like to go out after this?"

"Ehem. Hi Fleur!" Hindi na nakatiis ang mga kaibigan ni Bryle at nakisali na sa usapan. "Maybe you'd like to check up on us here?" Untag pa ni Kaizer na awkward na ngumisi sa dalaga. Tumaas naman ang kilay ni Fleur batid n'yang pinipigilan lang siya ng mga ito sa kanyang balak.

"Uh, I didn't come here for you boys." masungit na usal ni Fleur sa mga ito. "So, can you please stop pretending that we're friends because I know you don't see me that way." Umismid ito sa mga binata at binalik ang atensyon kay Bryle na hindi manlang nag bago ang reaksyon ng mukha kahit pa narinig niya ang sinabi ni Fleur sa mga kaibigan niya. "So, what's your answer Cali?"

"Sorry but I'm not interested in going out, maybe some other time, Fleur." Napanguso na lang si Fleur nang marinig niya ang sagot ni Bryle. Pinanlisikan niya ng tingin ang mga HGS nang maglakad na paalis si Bryle sa gawi nila.

"Ha. You guys are always ruining the moment." Inis na asik ni Fleur sa mga binata na napangisi lang sa sinabi niya.

Napabuntong hininga si Bryle matapos n'yang lumayo sa gawi ni Fleur at sa mga kaibigan niya. Dumiretso siya sa labas ng venue at doon nakapag pasya na tumambay muna upang mag pahangin. Nakatitig lang ito sa kawalan at tila lumilipad ang kanyang isip nang mapatingin siya sa isang dalagang naglalakad. May dala itong payong na kulay light green at prente itong naglalakad habang nakatingin ng diretso sa daan. Pinapanood lamang ito ni Bryle hanggang sa mapansin niya ang bisikleta na padaan sa gawi ng dalaga, hindi niya maintindihan ang kanyang naging reaksyon. Kusa na lamang s'yang tumakbo papunta sa gawi ng dalaga at mabilis niya itong hinigit palapit sa kanya upang hindi ito masagasaan ng bisikleta. Nagkatinginan sila at sa pangalawang pagkakataon, muli na naman silang nagulat sa isa't isa at nakaramdam ng kakaiba.

'Deja vu..'

'Siya na naman?'

'Pakiramdam ko nakita ko na siya.'

'Bakit pamilyar ang hitsura niya?'

'Hindi ba nagkataon lang ito? Bakit parang may kakaiba sa nararamdaman ko?'

Parehas silang gulong gulo, hindi mawari kung bakit tila may kung ano sa kanilang nararamdaman. Marahang binitiwan ni Bryle ang dalaga at napatikhim.

"Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo." Seryosong sambit ni Bryle, naglakad na ito palayo sa dalaga at hindi na ito muling lumingon pa.

DESTINED VOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon