CHAPTER 10: The Contract

111 21 3
                                    

CHAPTER 10: The Contract

Gaya ng sinabi ni Bryle sa'kin ay sinundan ko lang ang kotse niya kung saan man ito pupunta. Nakarating kami sa isang hotel na agad ikinataka ko, naalala ko nang galing na kami dito nung nakaraan, yung time na may nakausap kaming matandang babae at mukhang pinagbilhan niya ng singsing.

Nang makapag park na kami ng sasakyan ay napansin kong mabilis rin s'yang lumabas ng kanyang kotse. Pinanood ko s'yang mag lakad papunta sa direksyon ko at mayamaya lang ay nakarating nga siya sa pinto ng driver seat ko saka ito kumatok sa salamin na bintana, binuksan ko naman ang bintana ng kotse ko kaya mabilis syang dumungaw,

"Let's go, we still have 30 minutes before midnight." Aniya saka umayos ng pag kakatayo, napabuntong hininga na lang ako saka sumunod sa gusto niya.

Hay naman!

Ano na naman bang gagawin namin?

Bibili ba ulit kami ng singsing?

Bakit hindi na lang kaya kami mag tayo ng jewelry store!?

Kalma Felicity, baka nagugutom lang siya..

Nagugutom? Dinner meeting nga ang pinuntahan namin kanina!

Aish! Ano na naman kayang trip ng gwapong nilalang na 'to!?

Sinundan ko lang siya sa paglalakad, hindi ko na nagawang mag protesta dahil wala rin naman akong choice, nandito na ako. Kung gusto ko namang umalis sana hindi ako nakinig sa kanya at hindi ko siya sinundan, tama? Right!

Ibig sabihin ginusto ko rin 'to,

Wait, what!?

Nakarating kami sa tapat ng elevator kaya huminto kami at hinintay na mag bukas 'yon, saglit pa ang lumipas bago bumukas ang elevator door at may bumungad na isang babae na nag a'assist sa pag pindot ng button ng elevator sa gilid nito.

"Buonasera, a che piano vorresti andare?" (Good evening, which floor would you like to go?) Tanong nito sa'min.

"11th floor." Sagot naman ni Bryle, tumango ang babae pagkatapos ay pinindot na ang floor na pupuntahan namin.

Tahimik lang ako na nakatitig sa reflection namin ni Bryle sa pinto ng elevator, medyo nakakaramdam na rin ako ng antok pero hindi ko na lang sinasabi.

Hindi rin nagtagal narating namin ang 11th floor saka kami lumabas. Gaya kanina ay sinundan ko lang si Bryle kung saan man siya pupunta. Hindi ko siya tinatanong, hindi kami nag uusap.

Nakarating kami sa isang malaking pinto na kulay itim. saglit s'yang kumatok doon at binuksan naman agad ang pinto. Bumungad ang parang library style dahil sa dami ng libro sa paligid. May mesa sa kaliwang gilid at may nakaupo na lalaki doon, tingin ko mga mid-40s pa lang 'yon.

"Buonasera, ho appuntamento con l'avvocato." (Good evening, I have an appointment with the lawyer.) Pag bibigay niya ng impormasyon, mukha namang inaasahan na siya ng lalaking ito.

"Sì, signor Caje, vero? Ti sta già aspettando nella stanza 2." (Yes, Mr. Caje, right? He's already waiting for you in room 2.) sagot naman ng lalaki sakanya na may bahagya pang pag turo sa direksyon ng silid na tinutukoy niya.

Hindi na sumagot si Bryle, muli itong naglakad kaya sumunod na lang ulit ako. Nag punta kami sa silid na may nakasulat na room 2 at kumatok si Bryle doon bago buksan ang pinto.

Bumungad sa'min ang medyo plain lang naman na opisina. May mesa, swivel chair, laptop sa ibabaw ng mesa, dalawang couch sa mag kabilang parte ng mesa nito, at isang lalaki na may mga hawak na papel, medyo bata itong tinignan parang mga mid-30s lang.

DESTINED VOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon