CHAPTER 57: The Family Gathering (Lee's Mansion)

23 5 0
                                    

CHAPTER 57: The Family Gathering (Lee's Mansion)

"Quanto costerebbe avere quel braccialetto?" ("How much would it cost to have that bracelet?") Tanong ni Felicity sa babae nang makakita siya ng napaka gandang design na bracelet.

Bahagyang sinilip ng babae ang tinuturo ni Felicity. Agad itong napangiti dahil na rin sa ang naituro ng dalaga ay isa sa pinaka mahal nilang alahas.

"7,8 milioni. Puoi anche personalizzarlo, puoi dargli un nome per renderlo più unico, signora." ("7.8 million. You can also have it customized, you can put a name on it to make it look more unique, Ma'am.") Agad na namangha si Felicity sa presyo nito ngunit nasa kayang isipan parin ang kagustuhang makuha ang bagay na iyon.

"Davvero? Puoi farlo?" ("Really? Can you do that?") Gulat na tanong ng dalaga, mabilis namang tumango ang babae.

"Sì, signora." ("Yes, Ma'am.") Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Felicity at agad na napakagat labi dahil sa kanyang narinig. Hindi na ito nag dalawang isip at agad na nag desisyon.

"Okay! Quello lo compro io," ("Okay! I'll buy that one,") sumilay ang malawak na ngiti sa labi ng babae dahil sa sinabi ni Felicity. Hindi niya inaasahan na bibili nga ito. Ang buong akala niya ay nag tatanong lamang ito.

"Che nome vorrebbe metterci, signora?" ("What name would you like to put on it, Ma'am?") Tanong ng babae kay Felicity, saglit namang napaisip si Felicity dahil na rin sa pagka excite ay hindi agad siya nakalapag ng pangalan. Ganon pa man ay matyaga naman s'yang hinintay ng babae. Ilang minuto pa ay nakaisip na ng pangalan si Felicity.

"Brycity... Sì, metti Brycity. E puoi far sembrare il braccialetto virile? Grazie!" ("Brycity... Yes, put Brycity. And can you make the bracelet look manly? Thanks!") Hindi mapaglagyan ang malapad na ngiti ni Felicity habang sinasabi ang mga linyang iyon, bigla ay nakaramdam siya ng pagka excite dahil na rin sa kanyang desisyon na ipalagay ang pangalan na una n'yang naisip...

----------"I love you, wife." Boses ng isang lalaki mula sa kanyang likuran ang kanyang narinig. Hindi siya lumingon. Ngumiti lamang siya sa kawalan kasabay ng pag yuko upang tingnan ang bracelet na kanyang hawak hawak.

Ngunit imbis na bracelet ang kanyang nasa kamay ay purong dugo lamang ang kanyang nakita, mabilis s'yang tumingin sa kanyang damit. Nabahiran ng mga dugo ang kanyang suot at maging ang sahig ay nadungisan na rin ng pulang marka.

Tumulo ang kanyang luha dahil sa naramdamang takot, lungkot at hinanakit sa hindi niya malamang dahilan. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang kanyang nararamdaman...

"Wife.." mabilis s'yang napalingon sa direksyon ng taong bigla na lang nagsalita, ngunit kasabay ng kanyang pag lingon ay ang pag dilat rin ng kanyang mga mata----------

Sunod sunod na katok ang kanyang narinig mula sa pinto ng kanyang silid. Napatingin si Felicity sa direksyon ng orasan at doon lamang napagtanto na isang panaginip lamang ang kanyang naranasan. Napahawak siya sa kanyang ulo. Bigat na bigat sa kanyang nararamdaman, Tila may kung anong pahiwatig ang kanyang panaginip na hindi niya maintindihan.

"What?" Madiing tanong ni Felicity matapos n'yang buksan ang pinto. Bumungad naman ang kanyang kaibigan na si Alexander. Ang pinsan ni KC. "Xander!?" Gulat n'yang sambit matapos n'yang mapagtanto kung sino ang taong nasa harapan niya.

"Good morning, Eli! Kumusta?" Tila doon lamang niya napagtanto kung sino ang binatang nasa harapan niya. Napangiti siya at nawala ang bigat na emosyon na kanyang ipinakita kanina.

"Akala ko si KC lang ang nandito?" Gulat na tanong ni Felicity. Kasabay non ay ang bahagya nilang pag beso at pag yakap sa isa't isa. "I'm doing good. How about you?"

"Likewise," nakangising sagot ni Xander. "Lahat daw ng Lim ay kasama sa meeting, nagulat nga ako inimbitahan rin ako ng lolo mo. Hahaha" napakamot sa ulo si Xander nang pabiro n'yang sabihin ang linyang iyon. "Sinundo ako nila KC at CJ kanina sa airport. Galing ako sa Taiwan."

DESTINED VOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon