CHAPTER 27: Officially Missing You
Nadatnan kong kumakain si KC sa dining habang may kung ano itong binabasa sa kanyang laptop. Napangiti ako at lumapit sa kanya. Agad naman niya akong napansin.
"Zǎoshang hǎo!" (Good morning!) Bati ko na agad naman n'yang nginitian.
"Zǎoshang hǎo," she replied, "Breakfast na." Dagdag pa niya.
"Hindi na, sa eroplano na lang ako kakain." Pag tanggi ko tiningnan ko ang pagkaing nasa mesa, yung kinakain niya ngayon ay wonton soup.
"Aalis na pala kayo?" Manghang tanong ni KC, napakamot ako sa chin ko bago tumango sa tanong niya.
"Oo, kailangan na namin bumalik sa Italy, may kailangan rin daw kasi ipakita sa'kin si Zhuxi." Natawa si KC sa'kin dahil pansin n'yang nakanguso ako.
"Parang ayaw mo sa mangyayari, Eli." Ayoko talaga!
Nasesense ko na kasi kung bakit kailangan n'yang ipakita yung resort na 'yon, pero syempre hindi muna ako mag a'assume baka mamaya mali pala talaga ako eh, tama? Right!
"Ah, eh, hindi naman." Parang tangang sagot ko.
"Anyway, kahit ano pang desisyon ni Zhuxi just accept it, para rin naman yan sa future mo." Kibit balikat na saad niya. Napatango naman ako. Alam ko na kasi yan, alam ko namang kailangan kong sumunod sa gusto niya, pero sana hindi ko naman pag sisihan ang mga pag sunod ko di ba?
Ikabubuti mo nga ang pag sunod sa Zhuxi, Felicity Rose Lee!
Bakit mo naman pag sisisihan ang ikabubuti naman ng buhay mo!?
Hindi ka dapat nag dadalawang isip!
Teka nga!
Wala ka bang tiwala sa sarili mo kaya gusto mo sumunod palagi sa Zhuxi?!
Wala! Sa dami ba naman ng maling desisyon ko sa buhay dapat pa ba ako mag tiwala sa sarili kong desisyon!?
Mahiya ka nga!
Ha? Bakit ako mahihiya!?
Si Lord ba kayo!?
Napailing na lang ako sa mga pinag iisip ko at awkward na napangiti kay KC nakalimutan kong nag uusap pala kami nito.
"T-tama.." awkward akong napangiti dahil nakatitig sa'kin si KC na parang nag tatanong kung bakit ang weird ko sa paningin niya.
"Ah oo nga pala, Eli.." aniya na parang may biglang naalala. "Nabalitaan ko na si Haze daw ang ka'fixed marriage mo." Doon ay tipid akong napangiti.
Ang bilis makarating ng balita sa kanya.
Malamang nasa iisang bubong lang kayo nakatira ngayon!
Napangiwi ako sa sarili kong naisip.
"Sinabi ba sa'yo ng Zhuxi?" Tanong ko, mabilis namang umiling si KC at uminom ng tubig.
"Bago kasi ako mag almusal kanina, narinig ko na nag uusap ang mga katulong. Narinig daw nila ang balita mismo sa Zhuxi noong nag uusap sila Sū āyí."
"Ah.. Tama nga ang narinig mo, ka fixed marriage ko nga si Haze."
"Woah.. Congrats," ngiting sambit ni KC, mukhang hindi nito malaman kung matutuwa siya o malulungkot dahil may ka fixed marriage ako. Para kasi kila KC at CJ ang fixed marriage ay isang ka'bullshit'an. Kaya ako siguro ang napag interesan ng Zhuxi.
BINABASA MO ANG
DESTINED VOWS
RomanceKUWEI SERIES 2 | HOT GENTLEMEN SERIES 1 ••READ AT YOUR OWN RISK•• Felicity Rose is the pampered daughter of one of the Lee family members. She is the youngest and has been selected to inherit a resort due to her exceptional business acumen within th...