CHAPTER 46: Private Plane

20 6 0
                                    

CHAPTER 46: Private Plane

Matapos kong ipakilala si Bryle ay nag excuse rin ako at hinila ko na siya pabalik sa pwesto kung nasaan kami kanina. Mas okay na ilayo ko muna siya sa pamilya ko, mukhang masama ang kutob ko sa mga titig ni Zhuxi kay Bryle.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, pero sana naman mali ako..

Naramdaman ko ang pag tapik ni Bryle sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya, sabay kaming naupo sa silya at mabilis n'yang hinawakan ang kamay ko bago magsalita ng mahina malapit sa may tainga ko.

"Are you okay?" Tanong niya, napangiti ako ng tipid sa tanong niya. Mukhang napansin niya ang pagiging balisa ko ngayon.

"Ah, yeah.." sagot ko nang mag tama ang tingin naming dalawa. Saglit pa niya akong tinitigan bago muling nagsalita.

"Hmm. Don't worry, wife, whatever you're thinking probably won't happen, just think positive." Hinalikan niya ang kamay ko at nginitian ako, "For now, let's just enjoy the night, we can think about everything after this."

Tama si Bryle, hindi ko na muna dapat isipin ang mangyayari mamaya. Kailangang ipakita ko sa lahat ng mga tao dito na masaya ako at ayos lang ang lahat.

Doon nilibot ko ng tingin ang paligid, may ilang mga tao ang nakatingin sa'min, mukhang napansin nila ang paglapit namin ni Bryle sa mga Lee at mukhang napansin rin nila ang reaksyon ko. Hindi nila pwedeng magawan ng kwento ang lahat, kailangan kong umakto na maayos lang ang lahat. Napabuntong hininga ako at nginitian si Bryle, right. I'll just play along and hide my nervousness and worries about the discussions my family will have later after this party.

Mayamaya lang ay may lumapit sa mesa namin na dalawang businessman at mabilis na binati si Bryle. Mukhang isa sila sa mga naging ka'business partner ni Bryle.

"Mr. Caje, how are you? It's been a while. I'm glad you were able to come to this event. I thought you weren't fond of attending Gala Events." Pakiramdam ko hindi ako komportable sa mga titig niya kay Bryle, para kasi s'yang kontrabida sa isang palabas.

"Mr. Satori, good to see you again, and you too, Mr. Broughe. This is actually my first time attending this Gala Event, all because of my wife. I just accompanied her." Casual na sabi ni Bryle, pero hindi naman mukhang masaya siya nang makita niya itong dalawa. Hmm. Sino kaya ang dalawang ito, parang hindi naman pamilyar sa'kin ang hitsura nila. Nakaligtaan ko ba ang ibang news tungkol sa business world?

"Really? I didn't know you were already married. Who's the lucky woman who became your wife?" Tanong nung Mr. Satori, nilibot niya ang tingin sa'ming lahat na nandito sa table set at huminto ang tingin niya sa direksyon ni floor wax, "Oh! I didn't expect that you're still here. Hi to you, Ms. Fleur Collins, I'm glad to see you again." Mabilis na Napatikhim si Bryle nang batiin ni Mr. Satori si floor wax.

"Good to see you again, Mr. Satori." Sagot naman ni Floor wax sa kanya. Lihim akong napaismid nang magsalita siya.

"She's not my wife." Inagaw muli ni Bryle ang atensyon ni Mr. Satori at mabilis niya akong inakbayan, "This is Felicity Rose Lee, one of the famous painters in Italy, and she's my wife." Pagpapakilala ni Bryle sa'kin doon kay Mr. Satori na mabilis na tumaas ang dalawang kilay dahil malamang hindi niya inaasahan ang sinabi ni Bryle.

"Hi, gentlemen." Tipid na bati ko sa dalawang lalaki.

"Ohh.. I thought Ms. Collins was the one you ended up with, my bad." Komento ni Mr. Satori nang makabawi ito mula sa pagkagitla, nilingon niya ako at nginitian ng tipid. "Hello there Ms. Lee nice to meet you."

"You really are playful, Mr. Satori." Mabilis na komento ni Fleur dahilan para mapatingin muli si Mr. Satori sa direksyon niya, napataas lang ang kilay ko sa sinabi ni floor wax. Hindi talaga siya pumaayag na wala s'yang exposure!

DESTINED VOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon