CHAPTER 24: Date

86 18 0
                                    

CHAPTER 24: Date

Napangiti ako nang matapos akong mag pinta, ipininta ko lang naman ang nangyari noong nasa Venice kami ni Bryle. May tulay, may tubig, madilim ang paligid at tanging liwanag lang ng b'wan ang nag liliwanag. Makikita sa tubig ang repleksyon ng b'wan at ng dalawang mag kasintahang mag kaharap at mag kahawak kamay, pati ang dalawang bulto ay may repleksyon rin sa tubig na tila nasa loob sila ng b'wan.

Tipid akong napangiti, ganitong ganito ang nakita ko nung gabing 'yon, napaka perfect ng gabi at masasabi ko rin na yun ang pinaka unang beses kong naranasan ang ganong klaseng pakiramdam. Hindi man kami ganoon katagal na mag kakilala ni Bryle, ipinaramdam naman niya sa'kin sa maikling panahon ang pagpapahalaga niya sa'kin, pakiramdam ko ako na ang pinaka maswerteng babae sa lahat.

Unti unting nawala ang mga ngiti ko nang bigla kong maalala ang unang beses naming pag uusap kaya kami naging mag asawa. Maswerte nga ba ako? Bakit pakiramdam ko hindi ko dapat seryosohin ang mga pinapakita niya? Paano kung acting lang pala ang lahat? Paano ako? Ayokong mahulog sa taong hindi ko alam kung totoong gusto nga ako. Ayokong maiwan, ayokong mag mukhang tanga. Deal lang lahat ng 'to, pati rin ba lahat ng kilos niya kasama sa deal naming dalawa?

Napatayo ako sa kinauupuan ko at dumiretso sa kama. Ibinagsak ko ang aking mukha at katawan sa kama at ibinato sa kung saan ang brush na hawak ko.

I hate this feeling..

Pakiramdam ko nagiging delusional na akong tao..

Sino namang tanga ang maiinlove ng ganon kabilis?

Siguradong palabas lang ni Bryle 'yon..

Sa t'wing iniisip kong palabas lang ang confession niya, bakit parang nasasaktan ako?

Ano ba talagang gusto kong mangyari?

Napatagilid ako ng higa at niyakap ang sarili ko. Mariing ipinikit ang mga mata at pinilit na kumalma dahil sa mga naiisip ko ngayon.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko..

Ano na bang problema ko?

Napabuntong hininga ako at tinitigan ang painting na naipinta ko..

Venice..

Napatayo ako nang marinig ko na may kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Naglakad ako at binuksan 'yon, isa sa katulong rito sa Mansion.

"Ms. Felicity," hinintay ko ang sunod n'yang sasabihin, "Yǒurén zhèngzài zhǎo nǐ." (Someone is looking for you.) Sabi niya kaya agad akong nag taka. Sino namang mag hahanap sa'kin? Wala naman akong kaibigan sa Chengdu maliban kila KC at CJ.

"Is it CJ or KC?" I asked, kumunot noo ito na parang hindi ako naintindihan, napangiwi ako, "Shì CJ háishì KC?" Pag uulit ko sa lengwahe na siguradong maiintindihan niya.

"Nàgè nánrén zhèngzài zhǎo nǐ," (A man is looking for you,) napakurap ako dahil ron, sino naman mag hahanap sa'kin?

Sa halip na mag tanong pa ako ay lumabas na lang ako sa kwarto at sumunod sa kanya, dinala ako nito sa labas ng bahay kung nasaan ang garden. Napanganga ako nang makita ko kung sino ang tinutukoy ng katulong.

"Tā jiùshì zhèngzài xúnzhǎo nǐ dì nàgè rén." (He's the one looking for you.) Wala sa sariling napatakbo ako palapit sa kanya at mabilis s'yang niyakap ng mahigpit. Oh my gosh! Sinundan talaga niya ako rito!?

"Babe!" Tuwang tuwa na sambit ko hindi ko naiwasang mag pabuhat pa sakanya sa sobrang tuwa. "Bakit ka pumunta dito!?" Dugtong ko pa.

"Hahaha, Chairman Lee ask me to come kaya pumunta ako agad. Nalaman ko kasi na nandito ka," sagot niya kahit hindi ko siya nakikita alam kong nakangiti rin siya. Hinigpitan niya ang pag kakayakap sa'kin kaya para naman akong natauhan, eh!? Bakit naka angkla ang mga braso at hita ko Kay Haze!?

DESTINED VOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon