CHAPTER 16: Office

94 21 0
                                    

CHAPTER 16: Office

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 16: Office

Pagkarating ko sa Lee Corp ay ginawa ko na muna ang trabahong nasa aking mesa. Dumating si Aeun sa opisina ko na may masamang tingin sa'kin kaya agad akong nagtaka,

"Bakit ka biglang umalis ka'gabi? Hindi ka manlang nag paalam sa'min na uuwi ka na?" Inis na tanong nito sa'kin. Napahilot naman ako sa sentido ko dahil sa sinabi niya,

"Sorry. Sinundo kasi ako ni Bryle non, kaya hindi ko na nagawang mag paalam sa inyo. Pasensya na." Napabuntong hininga naman si Aeun at umiling iling.

"Sabagay, bakit pa ba ako mag tataka. May asawa ka na nga pala at hindi ka na malayang gawin lahat ng gusto mo ng walang approval ng asawa mo." Parang sinabi niya 'yon sa kawalan. "Oh, well may susunod pa tayong meet up pero hindi sa clubhouse,"

"Huh?" Taas kilay na tanong ko. Hindi naman ako sinagot ni Aeun, nilapag lang nito ang mga folder na hawak niya sa'king mesa pagkatapos ay tinalikuran na ako.

"Balik ako mamaya, may gagawin pa ako sa baba." Paalam nito na bahagya pang kumaway bago tuluyang lumabas ng opisina ko. Napangiwi na lang ako,

Nang mag lunch break ay agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita kong kasama ni Aeun si Haze. Napatayo ako sa swivel chair ko at tumakbo palapit kay Haze, niyakap ko ito ng mahigpit.

"Hey Babe, chill." Natatawang usal niya na yumakap naman sa'kin pabalik, "Kumain ka na ba? Tara sa labas? Kain tayong tatlo, treat ko." Nakangiti nitong dagdag mabilis naman akong ngumiti.

"Sure, Babe! Wala naman akong gagawin," nilingon ko si Aeun na nakangisi at tinapik ang balikat ni Haze.

Lumabas na kami sa opisina at tumungo sa elevator, hinintay na makapunta sa ground floor bago lumabas.

"Parang masarap kumain ng carbonara ngayon," si Aeun habang naglalakad kami papunta sa kotse ni Haze.

"Mmm, what do you want to eat ba Babe?" Baling naman sa'kin ni Haze, "Si Ae kasi gusto niya ng carbonara, ikaw ba?" Ngiting tanong nito sa'kin. Napangisi ako at umaktong nag iisip ng kakainin.

"Maybe carbonara rin tapos samahan na'tin ng chicken!" Napangisi si Haze sa pag sabi ko ng chicken. He knows that I really like chicken.

"Okay! Punta tayo sa restaurant na may carbonara at chicken." Sabi niya sa'min ni Aeun at dumiretso na sa kotse niya. Sumakay naman kami sa kotse nito. Ako sa shotgun seat habang si Aeun naman ang nasa backseat.

Nag simula na mag maneho si Haze habang ako naman ay pinakialaman ang CD player sa kotse nito at sinimulan kong mag patugtog. Si Aeun naman ay malamang nag c'check na naman ng emails tungkol syempre sa trabaho.

🎶Now playing: Love at first fight
By: Lany🎶

"So, how's the business? Is Lee Corp not causing you any headaches?" Natatawang tanong ni Haze sa'min ni Aeun. Nag katinginan kami ni Aeun na para bang nag uusap gamit ang aming mga tinginan sa isa't isa.

DESTINED VOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon