CHAPTER 54: Message Of The Painting

25 4 0
                                    

CHAPTER 54: Message Of The Painting

"Here's all the paperwork you need to finish today. It looks like the board won't be adding any more problems, mukhang makakauwi ka ng maaga." Sambit ni Aeun matapos n'yang ilapag ang mga folders sa mesa ni Felicity. Napabuntong hininga naman si Felicity at sinimulan nang tingnan isa isa ang mga folder na nasa mesa niya.

"Does this include the paperwork for the new project that Mr. Clark offered me?"

"Yes, nandyan na rin. That blue folder." Sagot naman ni Aeun at napahalukipkip, "Maiba nga ako, Eli. How was your date with your FM? Didn't you get bored?"

"Not really." tipid na ngumiti si Felicity bago muling nagsalita, "He's a good guy, I guess? Uh, not boring. He actually rekindled my interest in a guy."

"That's great." Parang walang ganang sagot naman ni Aeun. "Who is this Fiancé of yours?"

"Hmm. He's one of the billionaire men. Guess who it is." Ngisi ni Felicity.

"Eli, napaka daming billionaire na lalaki sa mundo. Hindi ko kilala lahat ng lalaking kabilang don. Bakit hindi mo na lang ako diretsohin?" Pagtataray ni Aeun, mahinang natawa si Felicity dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan. Napabuntong hininga siya at tumingin sa ibang direksyon na tila inaalala ang imahe ng mukha ng binatang nasa kanyang isipan.

"Alright. He's Bryle Calixus Caje... My fixed marriage partner that Zhuxi chose for me."

"Ano!? Si Bryle!? Talaga!?" Hindi makapaniwalang tanong ni Aeun. Agad namang kumunot noo si Felicity sa kanyang narinig.

"Why? Do you know him?"

"Ah! Oo naman! I mean— medyo, kasi nababasa ko siya sa news minsan. Magaling daw s'yang.... Mag luto." Napakamot sa sentido si Aeun nang sabihin niya 'yon. Napangiti si Felicity sa sinabi ni Aeun at muling tumingin sa ibang direksyon.

"Hmm? Really? Hindi ko pa natitikman." Nakangising komento niya sa kawalan. Napabuntong hininga naman si Aeun nang marinig niya ang sinabing 'yon ni Felicity.

"Ah.." usal ni Aeun at napa kamot sa sentido. 'Gaga! Ikaw pa nga ang nag sabi sakin noon! Natikman mo na ang mga luto niya! Masyado mo lang talaga kinarir ang amnesia mo kaya di mo parin siya maalala!' agad na dugtong ni Aeun sa kanyang isipan na hindi na niya inabalang isatinig pa, "Mag paluto ka sa kanya kapag nag date ulit kayo." Kunwari na lang ay suwestyon niya. Agad namang napangisi si Felicity na para bang isang magandang ideya ang narinig niya mula sa kaibigan.

"Yeah, maybe that's what I'll do." Tumatangong sambit ni Felicity. "Oh well, I'll finish all this, we'll talk later."

"Sige alis na ko."

"See you later, Ae."

"Sure, Eli." Pinanood lang ni Felicity na lumabas ng opisina si Aeun. Nang mawala na ito ay agad s'yang napangisi.

"Magaling magluto huh.. We'll see.." ang nasabi na lang nito sa kawalan habang patuloy na iniisip ang kaninang nalaman niya...

----------

"Pagkatapos ng computation, marami pa rin sobra sa stocks. Tingin ko magiging less talaga yung funds natin ngayon dito sa project na to kaya mas okay tong bagong project na pinirmahan ni Zeke." Nakangiting sambit ni Elijah. "Ang kailangan na lang natin gawin, pumili tayo ng dalawang sponsor para mas mapadali ang proseso ng proyekto."

"Si Kaizer na ang pipili. Mabilis s'yang maghanap ng tao." Sambit ni Kurt na tinapunan pa ng tingin ang direksyon ni Kaizer na mabilis napangiwi sa narinig niya mula sa mga kaibigan.

"Sige ikaw na ang bahala d'yan, dre. Si Kurt at Levi naman ang bahala sa pag aayos ng iba pang papeles at si Claude naman sasama sakin sa meeting kasama ang ibang investors." Sambit ni Elijah at ipinakita ang isang papel na kanyang hawak. "Si Zeke na ang bahalang maglakad nito."

DESTINED VOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon