CHAPTER 11: Our Home

115 21 5
                                    

CHAPTER 11: Our Home

Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Napabuntong hininga ako, inaantok parin ako. Mabuti na lang at naisipan ko talagang mag alarm dahil kung hindi, siguradong tulog parin ako hanggang ngayon.

Antok na antok pa naman ako dahil late na rin ako nakauwi, hay nakakainis kasi yung gwapong nilalang na 'yon! Hindi manlang pinag pabukas ang pag papakasal!

Napapikit ako sa inis, tumayo ako sa kama at naglakad papunta sa banyo para mag hilamos. Matapos kong gawin 'yon ay pumunta ako sa kusina para mag request sa katulong ng gusto kong kainin,

"Thanks," pasasalamat ko nang abutan ako ng kape ng isang katulong. Naglakad ako papunta sa sala at halos mabitawan ko ang tasa na hawak ko nang bigla ko na lang makita ang lalaking naka upo sa sofa habang pinapanood ang kilos ko.

Oh my f*cking gracious!

Kanina pa ba siya nandyan!?

"Good morning, Wife." Casual na bati niya at nilipat ang tingin sa'king kasuotan. Doon ko lang naalala na naka nighties ako,

F*cking gracious!

Nakakahiy----teka!?

Bakit ako mahihiya!?

Sexy naman ako!

Isa pa! Si Lor----okay nevermind!

Napapikit ako sa inis at mabilis na tinawag ang isang katulong para ibigay ang hawak kong tasa.

"Ano bang ginagawa mo dito!? Ang aga aga mo namang mang asar!?" Inis na singhal ko sakanya at padabog na naglakad palapit sa direksyon niya, umupo ako sa couch sa tabi ng sofa na inuupuan niya.

"Ihahatid ko lang ang asawa ko sa trabaho niya, may masama ba don?" Parang clueless pa n'yang sagot. "Anyway, nice outfit, huh. But it would look even better kung sitro yan." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya agad ko s'yang binato ng maliit na unan na nasa couch.

"Manyakis!" Singhal ko.

Kainis!

Napaka aga n'yang mang asar!

Kita ko kung paano siya tumawa kaya naman imbis na maasar ako sa kanya ay nawala ang inis ko at pinanood ko na lang ang pagtawa niya.

Bakit pati pag tawa niya ang gwapo parin tingnan?

Hay naman!

Nakakainis talaga!

Lahat nalang ng kilos niya distraction!

Kalma Felicity! Kailangan mong pag tiisan yan ng dalawang taon!

"Ayusin mo na ang sarili mo sa labas na tayo mag breakfast." Sabi niya kaya mabilis naman akong umalis sa harap niya at naglakad na lang paakyat sa second floor.

Tama! Maliligo na lang ako para sabay na kaming kumain ng breakfast nitong asawa ko..

Wait, what!?

Pagkatapos kong maligo ay agad rin naman kaming umalis sa bahay at pumunta sa fast-food sa tapat lang rin ng Lee Corp. Nag order ng pancakes for breakfast at syempre coffee. Tapos nag order pa siya ng palabok.

Pagkatapos namin kumain ay hinatid niya ako hanggang sa opisina ko. Napabuntong hininga ako nang makapasok na kami sa loob ng office ko,

"I'll be back at six o'clock in the evening. Let's have dinner together." Huling sinabi niya bago siya lumabas ng opisina. Napabuntong hininga na lang ako at umupo sa swivel chair ko,

DESTINED VOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon