CHAPTER 5: Step
Buong gabi kong iniisip kung paano ko maitatago kay lolo ang nangyaring problema sa kompanya.
Kahit pa naayos ko na ang gusot ay hindi parin siya matutuwa kapag nalaman niya ang nangyari na 'yon, lalo na kapag nalaman niya rin ang kondisyon sa'kin ng taong tumulong sa'kin.
Isang araw na ang nakalipas matapos kong makausap ang aking lolo, pero heto parin ako. Iniisip ang problemang ikakasira ng aking pangalan sa mata niya.
Ayoko talagang napapahiya sa kanya..
Kaya palagi akong natatakot kapag may mga mali akong nagawa, ayokong mag bago ang trato sa'kin ni lolo kapag nalaman n'yang nag kamali ako.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Aeun sa'kin matapos niya akong masalubong sa daan. Papunta ako sa elevator at siya naman ay mukhang papunta HR department.
"Sa clubhouse, kakausapin ko lang si Haze." Sandali akong tinitigan ni Aeun na parang binabasa nito ang iniisip ko. Pagkatapos ay tumango at sumenyas,
"Mag iingat ka. H'wag kang uminom." Pagbabanta niya sa'kin.
"Hindi ako iinom," depensa ko. "Sandali lang naman ako. Babalik rin ako agad."
"Mmm, sige."
Pinanood ko muna na maglakad palayo sa'kin si Aeun bago ako pumasok sa elevator.
----------
Nang makarating ako sa clubhouse ay agad na bumungad sa'kin ang hindi maingay na paligid, walang katao tao dahil malamang maaga pa naman para mag party party.
Ang clubhouse ni Haze ay 24/7 na bukas, hindi lang kasi ito basta bar, isa itong resto-bar.
"Babe!?" Gulat na usal ni Haze nang makita niya ako. Agad s'yang lumapit sa'kin at bumeso, "What brings you here? Did you missed me?" Ngumiti siya nang itanong niya 'yon sa'kin.
"Of course, Haze." Nakangiting sagot ko. Iginiya niya ako para makaupo kami sa isang table set,
"Anong problema, Babe?" Takang tanong niya nang makaupo na kami. Sandali akong natahimik hindi alam kung anong sasabihin.
"Z-Zhuxi will be here soon." Mahinang sabi ko dahilan para mapangiwi siya. "Hey! That's a major problem for me!" Reklamo ko pa nang mapansin kong parang na'disappoint siya kasi 'yon lang naman pala ang problema ko.
"Ahuh? Major problem you say? Why you say so? Hindi ba't palagi mong hinihintay ang chairman na dalawin ka para mapakita mo sa kanya kung gaano ka kagaling? Why sudden change?" Takang tanong nito sa'kin.
Sandali akong napatitig sa kanya. Hindi naman kasi alam ni Haze ang nangyari kaya malamang ganyan ang sasabihin niya. Malamang talagang mag tataka siya kung bakit ganito ako ngayon.
Sasabihin ko ba?
Bakit? Para saan? Tapos na rin naman 'yon!
Share ko lang kay Haze?
Baka gusto niya ng tsismis eh!?
Napangiwi ako sa sarili kong naiisip..
"Nung nakaraan biglang bumagsak ang kompanya ng Lee's Corp na hawak ko." Panimula ko, hindi naman sumagot si Haze dahil mukhang gusto muna niya marinig lahat ng dahilan bago siya mag react kaya tinuloy ko ang pag kukwento. "Hindi lang 'yon simpleng bagsak. 20% na lang ang tinira sa'kin at nawala ang 80% sales at funds sa hindi ko malamang dahilan.. Sobrang nag panic ako dahil first time kong makaharap ng ganong problema," I sigh at napahilot sa sentido.
BINABASA MO ANG
DESTINED VOWS
RomanceKUWEI SERIES 2 | HOT GENTLEMEN SERIES 1 ••READ AT YOUR OWN RISK•• Felicity Rose is the pampered daughter of one of the Lee family members. She is the youngest and has been selected to inherit a resort due to her exceptional business acumen within th...