CHAPTER 7: Oaths of Fate

119 22 2
                                    

CHAPTER 7: Oaths of Fate

Nakarating kami sa isang restaurant dito lang rin sa loob ng hotel. Tahimik parin ako na nag lalakad at hindi na sinubukan pang mag salita dahil sabi ni Bryle kanina tumahimik daw ako. Kaya 'yon ang ginagawa ko ngayon..

Mukhang naka order na si Bryle bago pa kami makarating dito. Dahil may reservation siya, isa itong fancy restaurant, malamang kami na lang ang hinihintay ng mga in'order niya.

"Hey, woman." Tawag sa'kin ni Bryle dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon ko. Kasalukuyan na kaming kumakain at dahil katatapos ko lang kumain kanina ay hindi ko gaanong nae'enjoy ang pagkain.

Dapat pala hindi ako kumain, para nilalantakan ko 'tong mga pagkain ngayon na nasa harapan ko. Puro masasarap pa naman..

"Ayaw mo ba sa lasa ng pagkain?" Takang tanong niya sa'kin.

Anong ayaw ang sinasabi niya?

Busog lang ako 'no!

Kung hindi naman ako busog siguradong ubos yang mga pagkaing nasa mesa na'tin! Hay nakakainis dapat talaga tiniis ko yung gutom kanina at inantay na lang s'yang dumating sa opisina!

"Busog pa ko," sagot ko at inismiran siya, tumango lang ito at hindi na nagsalita pa.

Napaisip ako..

Yung kaninang pag sukat sa'kin ng singsing at pag pili niya ng design sa singsing..

Hindi ba ako assuming?

Sa'kin ba niya 'yon ibibigay?

Pero kung tama nga ako ng naiisip, bakit naman siya bibili ng ganon kamahal na singsing kung hindi naman kami nag mamahalan? Wedding ring na 'yon, di ba?

Napailing ako sa naiisip ko at minabuti na lang na kumain na lang at h'wag na lang isipin ang mga ganong bagay.

Baka ganon lang talaga gumastos ni Bryle dahil big time rin siya tulad ni Haze..

Nang matapos kaming kumain sa restaurant ay inaya naman niya akong pumunta sa garden ng hotel sabi niya doon daw kami mag palipas ng oras habang umiinom ng tea.

"Ms. Lee, hindi pa kita masyadong kilala, why don't you introduce yourself to me?" Sabi niya na hindi naman nakatingin sa'kin, diretso lang ang tingin niya sa direksyon ng magagandang bulaklak na pulang rosas.

"I don't even know you very well, we're just the same." Tugon ko sakanya.

"Why don't we share information instead? Married couples need that," sabi niya sabay tingin sa'kin. Napakibit balikat naman ako at inalis ang tingin sakanya.

"Mmm, paano ko ba sisimulan?" Panimula ko, "Hindi talaga ako sa Italy lumaki-----" he cut my words.

"I can sense that," ngumiti siya ng tipid at tinagilid ng bahagya ang ulo. "Me too."

Napangiti ako sa sinabi niya..

"Sa Pilipinas ako lumaki," patuloy ko pa. "Sa Pilipinas rin ako nag aral mula Kinder, hanggang High School."

"I see,"

"Ikaw ba?" Tanong ko na ikinataas ng kilay niya, "Saan ka nag aral mula bata ka hanggang nag High School ka?"

"Philippines," mabilis n'yang sagot. "But I went to college in the US." Patuloy niya,

"Ah.. Ako naman dito sa Italy nag aral ng college," napangisi ako nang maalala ko kung paano ako nahirapang mamuhay noon rito. "Sobrang hirap mag aral sa lugar na wala kang masyadong naiintindihan, lahat sila parang alien sa pandinig mo. Mabuti na lang talaga kasama ko si Aeun, parehas kaming nag aral rito dahil taga dito talaga ang parents niya.."

DESTINED VOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon