CHAPTER 32: A Night With You

90 19 2
                                    

CHAPTER 32: A Night With You

Isang oras ang nakalipas, matapos naming mag morning routine ay bumaba na rin kami para kumain sa dining. May mga niluto na ang mga katulong ni Bryle kaya hindi ko naiwasang mapanguso, mas gusto ko yung mga araw na siya yung nag luluto ng kakainin naming dalawa. Pero syempre hindi naman niya pwedeng gawin 'yon palagi, paano naman ang trabaho ng mga ito? Di ba?

"We need to prepare for the event later," Bryle said, nakatuon ang atensyon niya sa hinahalo n'yang kape. Ako naman ay napatingin sa kanya at binigyan siya ng nag tatakang tingin.

"What event?" Takang tanong ko, kumunot noo naman ito.

"I've already told you this, right?" Taas kilay n'yang tanong sa'kin, hindi ko naman maalala na sinabi niya sa'kin ang event? "I told you we're going to an event and you'll be my date." He informed me.

Sandali akong natahimik, iniisip ang mga past convos naming dalawa. Mayamaya lang ay bigla na lang pumasok sa isipan ko ang pag aaya niya sa'kin tungkol sa event na tinutukoy niya, doon ay agad akong napatingin sa phone ko para tingnan kung weekend nga ngayon. Sakto, Sunday ngayon.

"Do you remember now, wife?" Tanong niya, napabuntong hininga ito at ininom ang kape niya, "Let's go shopping, bili tayo ng maisusuot para sa party mamaya."

"Ang dami dami na nating damit, Bryle." Pag papaalala ko sakanya na hindi manlang niya pinansin.

"Ayaw mo bang makipag date sa'kin, asawa ko?" Para naman akong kiniliti nang tawagin niya ako ng ganon. Oh my gosh! Sanay na kong wife ang tawag niya sa'kin, pero iba yung dating kapag asawa ko na ang tinawag niya. My gosh! Pakiramdam ko pinapamukha niya sa lahat ng tao na asawa niya ako.

Ahhh!!

Kalma Felicity Rose Lee-Caje!

Si Bryle Calixus Caje lang yan!

Tumikhim ako at iniwas ang tingin sa kanya, "Okay sige na! Bibili na!" Pag suko ko sa usapan. Kita ko ang pag ngisi niya malamang natutuwa na naman siya sa reaksyon ko.

At syempre natutuwa siya dahil nasunod na naman ang gusto niya! Tsk!

Pagkatapos naming kumain ng almusal ay dumiretso na rin kami sa parking para sumakay sa kotse. Pagkarating namin sa mall ay tinungo agad namin ang boutique.

Marami akong pinili na gown na pasok sa taste ko, pero lahat naman 'yon ay ayaw ni Bryle. Sa huli dahil sa inis ko ay siya na lang ang pinapili ko, gaya ng inaasahan conservative na naman ang pipiliin n'yang outfit. Hindi ko na lang inireklamo sa kanya 'yon para walang away.

"Wife how do I look?" Napatingin ako sa kanya nang itanong niya 'yon. "Am I look handsome in this outfit?"

"Bryle kahit anong isuot mo, gwapo ka na. Hindi mo na kailangang mag papogi pa." Ngiwing sagot ko, kita ko na naman ang mapang asar n'yang ngisi saka muling bumaling sa salamin.

"I want to look better at our first exposure as husband and wife at this business event." He said, firmly. "I need to look fine so that Chairman Lee will approve of our relationship."

"Ha, OA." Ismid ko sa kanya at napabuntong hininga, "Hindi natin makukuha ang approval ng Zhuxi dahil may pinili na siya sa'kin," bulong ko pa. Hindi naman narinig ni Bryle 'yon, busy na ito sa pag hahanap ng kanyang masusuot.

Ilang saglit pa ay natapos na rin kami sa pag hahanap ng aming isusuot para sa event mamaya. Matapos naming bumili ay agad rin naman kaming nag punta sa restaurant para kumain ng tanghalian. Pasado one o'clock na kaya medyo late na para sa lunch time.

DESTINED VOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon