CHAPTER 18: Venice

98 21 2
                                    

CHAPTER 18: Venice

Matapos akong isama ni Bryle sa CAVA Corp. Matapos namin mag usap sa loob ng conference room sa opisina nila ng best friend niya, naging madalang lalo ang pagkikita naming dalawa. Palagi s'yang nahuhuli umuwi at nauunang umalis. Naabutan ko na lang palagi yung note niya sa kusina at sinasabi n'yang kumain na lang daw ako.

I sighed, I know how much work he has, he handles many companies so I really understand that situation. I just can't help but feel sad, maybe because I feel the loneliness in this home.

On the other hand, maybe I just really miss the times when I was always with him, maybe I just got used to having him by my side.

Ganon nga siguro 'yon, Felicity..

H'wag mo na lang siguro masyadong isipin ang mga ganitong bagay..

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa opisina, sakto namang pumasok rin si Aeun nang makaupo na ako sa'king swivel chair.

"Eli, I have received the new report regarding the upcoming budget for the new project. Could you please review it to confirm if it aligns with your preferences?" Ibinaba ni Aeun ang folder na kanyang hawak sa aking mesa at mabilis ko naman 'yon kinuha. Napabuntong hininga ako matapos kong mabasa ang nilalaman,

"Sige pwede na yan," walang ganang usal ko. Napakunot noo naman si Aeun dahil sa sinabi ko.

"I can't accept 'pwede na yan' because I need a definite answer from you, Eli. What's wrong with you, huh? You've been sluggish for two days since you were absent." Naiinis na asik ni Aeun sa'kin. Napabuntong hininga ako at napahalumbaba sa'king mesa.

Bakit nga ba ako ganito?

Gutom lang siguro ako..

Sa atensyon ni Bryle..

Hay kainis!

Ano bang problema ko!?

Bakit nga ba ako matamlay!?

Ano naman kung busy si Bryle!?

Busy rin naman ako!

Oo nga!

Busy ako kaya bakit ako nag iisip ng kung ano ano!?

H'wag mo ngang isipin si Bryle Calixus Caje, Felicity Rose Lee-Caje!

Kaya niya na ang sarili niya!

Malaki na siya!

Tama? Right!

Malaki din yung..

Argh! Ano bang iniisip ko!?

Bwisit! Bwisit! Bwisit!

Napasabunot ako sa'king buhok dahil sa pagka asar sa mga naiisip ko. Tumikhim si Aeun kaya mabilis akong napa ayos at umakto na parang hindi ko sinabunutan ang buhok ko sa harap niya.

Hay naman!

"Fix yourself, if you had a disagreement with Mr. Caje, resolve your issues. Your mood can affect the company. Remember that, Eli. Personal matters and work are different, so you should separate your mood." She said, firmly. Pagkatapos ay tinalikuran na ako, "Be professional, Eli." Huling sinabi nito bago lumabas ng opisina ko. I sigh, alam ko na yan..

Hindi ko lang talaga alam kung bakit hindi ko kaya isantabi 'tong nararamdaman ko.

Argh! Kainis!

Matapos ang mag hapong trabaho ay nakapag pasya ako na pumunta sa clubhouse, alam ko namang wala na naman si Bryle sa bahay kaya pupuntahan ko na lang si Haze.

DESTINED VOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon