CHAPTER 26: The Reason
I let out a sigh as I stared at the ceiling. I am now in my room, trying to sleep even though my mind is fully awake.
Hanggang ngayon ay hindi parin maalis sa isip ko ang kaninang sinabi ng Zhuxi. Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ang lungkot noong nalaman ko na ka'fixed marriage ko si Haze. Siguro dahil hindi ako malaya ngayon, may asawa ako sa papel, sa mata ng batas, kaya hindi ko magawang mag diwang dahil doon. Sa dami ng taong pipiliin ng Zhuxi para sa'kin 'yon pang pinaka gusto kong lalaki ang pinili niya.
I should be happy by now..
Napayakap na lang ako sa'king unan dahil sa nararamdaman kong lungkot.
Paano ko magagawang mag saya ngayon?
Paano ang contract na pinirmahan ko kay Bryle?
Kailangan ko na bang sabihin kay Zhuxi ang mga nangyari para malaman niya na hindi pwede ang fixed marriage na yan?
Hindi mo pwedeng sabihin Felicity Rose Lee! Tandaan mo! Kasalanan mo ang lahat kaya ka napadpad sa ganyang sitwasyon!
Kapag sinabi mo kay Zhuxi ang totoo siguradong mapapahiya ka lang!
Hindi sagot ang pag papakasal sa kahit na sino para lang makalusot ka sa problema ng kompanya!
Napaka kitid ng utak mo dahil pumayag ka pa sa ganong set up!
Masyado ka kasing desperada!
Kita mo na! Sabi sa'yo, hindi ka nag iisip ng tama kaya ka napapahamak!
Napasabunot na lang ako sa'king ulo dahil sa mga pinag iisip ko. Hindi ko na alam kung ano nang gagawin ko ngayong nag patong patong na ang mga problema ko. Paano na 'to!?
Isa na lang talaga ang solusyon..
Napabuntong hininga ako at tumayo mula sa pagkakahiga, naglakad ako palabas ng kwarto ko at tinungo ang guest room kung nasaan naka room si Haze.
Kailangan kong sabihin ang totoo kay Haze..
Kailangan kong aminin sa kanya ang mga katangahan na nagawa ko bago ako mag isip ng panibagong paraan.
Baka matulungan rin ako ni Haze..
I took a deep breath before knocking on Haze's room door. I waited for a moment, and he quickly opened it. Nagliwanag ang mga mata niya nang makita niya ako,
"H-Hi." Bati ko na may bahagya pang pag kaway sa kanya, napahagod siya sa kanyang batok na para bang nahihiya.
"H-hi, B-Babe.." mahinang bati niya sa'kin,
Ito ata ang unang pagkakataon na parang nahihiya kaming dalawa sa isa't isa. Pakiramdam ko ay parang ito ang unang beses naming pagkikita.
"P-pwede ka bang makausap?" Nag aalangan na tanong ko, mabilis naman s'yang tumango at niluwagan ang pag buka ng pinto. "Salamat."
"M-may kailangan ka, Babe?" Tanong niya, naupo ako sa kama niya kaya sumunod naman ito sa'kin at naupo rin sa tabi ko. "May problema ka ba?" Ngayon ay bumalik na siya sa dati n'yang aura, nag aalala na ang reaksyon nito kaya napatitig ako sa kanya.
Hay nako Haze..
"M-may aaminin ako sa'yo.." mahinang usal ko at napayuko.
Parang bigla akong nahiya sakanya..
Iniisip ko pa lang na inamin ko na sa kanya yung tungkol kay Bryle pakiramdam ko mababawasan ang pride ko.
Kaya ko ba talagang sabihin ang tungkol doon?
BINABASA MO ANG
DESTINED VOWS
RomanceKUWEI SERIES 2 | HOT GENTLEMEN SERIES 1 ••READ AT YOUR OWN RISK•• Felicity Rose is the pampered daughter of one of the Lee family members. She is the youngest and has been selected to inherit a resort due to her exceptional business acumen within th...