KUWEI SERIES 2 | HOT GENTLEMEN SERIES 1
••READ AT YOUR OWN RISK••
Felicity Rose is the pampered daughter of one of the Lee family members. She is the youngest and has been selected to inherit a resort due to her exceptional business acumen within th...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CHAPTER 19: Dress
Pagkatapos kong mag ayos ng gamit at ilagay lahat ng kailangan ko sa isang maleta na binili ni Bryle ay kumuha naman ako ng art materials sa kabilang kwarto kung saan ako nag pinta nung isang araw.
Hindi parin ako maka move on sa ganda ng room na ito, ang sarap sa mata tingnan. Mas lalo akong napangiti nang maalala kong light green rin ang maleta ko, hehehe...
Nag paalam na rin ako kay Aeun at Mngr Fort na hindi ako pupunta sa opisina ng ilang araw dahil may pupuntahan ako, sinabi ko rin sa kanila na kapag may trabahong kailangan ng approval ko ay i'send na lang nila sa'kin via email. Ang mga dapat ko namang aprobahan na kailangan pa ng pirma ko ay mananatiling pending muna dahil hindi naman ako makakapunta sa opisina, sinabi ni Aeun na siya na daw ang bahala basta mag relax lang daw ako. Kaya mas lalo akong napanatag dahil sinabi yun ng best friend ko.
Hay freedom...
Kapag nasa meeting na si Bryle, mag pipinta ako sa room habang nag hihintay ako sakanya. Tama? Right!
Napaka talino ko talaga!
Lumabas ako ng kwarto at dinala na ang mga gamit ko sa first floor, nakita naman agad ako ni Bryle kaya mabilis n'yang kinuha ang maleta sa'kin.
"Hindi mo dapat binuhat mag isa 'to, tinawag mo na lang sana ako." He said, napangisi na lang ako dahil sa sinabi niya. Ewan ko ba parang nakakatuwa kasi yun sa pandinig.
"Hindi naman mabigat eh,"syempre joke lang yun! Sino may sabing hindi mabigat ang maleta ko? Ang dami kayang laman non!
Nang makasakay na kami sa kotse ni Bryle, sakto naman na tumunog ang phone niya kaya napatingin ako sakanya.
"Vale," panimula niya nang sagutin niya ang tawag sa kanyang phone. "Yeah, okay, thank you." Saka niya inalis ang atensyon sa kanyang phone at nilingon ako, "Are you ready?" He asked. Napangiti naman ako at sunod sunod na nag nod sa tanong niya, of course I'm ready na! Super ready! Hehehe..
Nag simula na kaming bumyahe, ako naman ay nanonood sa tanawin habang nag mamaneho si Bryle. Binubusog ko na lang ang mga mata ko sa mga nakikita ko, narinig kong nag yawn si Bryle kaya napalingon ako sa kanya.
Mukhang inaantok pa si Bryle..
"Mag music kaya tayo?" Tanong ko sa kanya, napatingin siya sa'kin saglit pagkatapos ay ngumiti.
"Sure wife," tinuro niya ang CD player sa kanyang kotse. Wow! Napangisi ako dahil pwedeng makapasok sa mga site ang CD player niya, para itong maliit na ipod na pwede kang mag socmed. Nag swipe ako at nag search ng site na may maraming music. Saka ko ito in'open at doon ako nag browse ng gusto kong pakinggan naming dalawa. Napangiti ako nang makakita na ako ng gusto kong pakinggan ngayon habang nasa byahe kaming dalawa ni Bryle.