CHAPTER 43: Punishment

15 7 0
                                    

WARNING!

THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR VERY YOUNG AUDIENCES. PARENTAL GUIDANCE IS ADVICED. (2) Expect 'GRAMMATICAL ERRORS' and 'TYPOS' because this has NOT BEEN EDITED BY THE WRITER. (3) The TIMING of UPDATES DEPENDS on the WRITER'S MOOD, so BE PATIENT. And lastly; (4) If this story feels CLICHÉ to you, feel FREE to LEAVE. Your presence is not necessary here.

----------

CHAPTER 43: Punishment

Natapos na ang lahat ng ginagawa ko at ngayon naman ay nakatulala lang ako sa kisame. Iniisip kung pupuntahan ko ba si Bryle. Three o'clock na ng hapon, pero hanggang ngayon ay hindi parin ako kumakain. Wala talaga akong gana, siguro dahil sa sama ng loob ko kaya ako ganito ngayon.

Bakit ba kasi hindi ko magawang kausapin si Bryle para matigil na ako kakaisip ng kung ano anong mali tungkol sa kanya?

Siguro nga tingin ko sa kanya ay nag sisinungaling siya kaya ako ganito.

Impluwensya ba 'to ng ibang tao, o sadyang sarili ko lang talaga itong magulo?

Napabuntong hininga ako at napailing ng marahan. Wala pang isang b'wan mula nang umamin ako na mahal ko siya, wala pang isang b'wan nang maging official kaming dalawa, pero ganito na ako kung mag duda kay Bryle.

Pakiramdam ko hindi ko na kayang mag tiwala sa kanya dahil lang nandyan si Fleur sa paligid niya.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito, agad na bumungad ang mukha ni Aeun na may bored na tingin sa'kin. May dala itong mga pagkain na mukhang binili niya lang sa kalapit fast food ng kompanya.

"Eli," panimula niya, "Mukhang hindi ka pa kumakain kaya samahan mo kong kumain." Parang walang ganang sabi pa niya kaya napangiwi naman ako.

Para kasing napipilitan lang s'yang alukin ako.

"Bakit? Hindi ka parin ba kumakain?" Takang tanong ko, pinanood ko lang siya na maglakad papunta sa sofa.

"Oo, marami akong ginagawa kanina kaya hindi na ako nakakain nung lunch hour. Samahan mo ako, mukhang parehas tayong nag skip ng lunch." Sinabi niya 'yon nang hindi ako tinatapunan ng tingin.

"Salamat, pero busog pa ako." Wala akong gana.

"Huh, kahit kaonti lang ang kainin mo. Mag kalaman lang ang t'yan mo," madiing usal niya na nakakunot noo na, napabuntong hininga lang ako sa sinabi niya. "Alam mong ayokong mag alaga ng pasyente kaya kumain ka at sabayan mo ako rito. Baka bigla ka na lang mag pass out d'yan, sisihin pa ako ng asawa mo dahil sa hindi ka nabantayan ng maayos."

Huh?

"Bakit kailangan ka n'yang sisihin? Hindi ka niya pwedeng awayin, hindi ka naman basta empleyado lang----" hindi ko natapos ang sinasabi ko nang bigla na lang s'yang nag salita.

"Alam mo ang dami mong sinasabi, kumain na kaya tayo 'no? Halika na dito!" Wala na nga akong nagawa kun'di ang mapabuntong hininga na lang. Tumayo sa swivel chair ko at lumapit sa kanya na nakaupo ngayon sa sofa. Nilagay niya ang mga pagkain sa center table at nag simula na s'yang kumain, saglit ko pa s'yang tinitigan bago sabayan na kumain.

Nag simula na nga kaming kumain at medyo naging komportable na akong kumain dahil si Aeun naman ang kasabay ko. Payapa ang isip ko habang nginunguya ng marahan ang fries nang biglang agawin ni Aeun ang atensyon ko.

"Nag usap kami ni Haze kanina, nalaman kong may problema ka sa asawa mo." Napatingin ako sa kanya at binigyan siya ng tipid na ngiti. "Alam mo Eli, kung ayaw mo na sa sitwasyon mo itigil mo na agad habang maaga pa lang. Hindi mo kailangang mag stay sa sitwasyon na yan kung hindi ka naman sigurado sa nararamdaman mo sa kanya. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo, kung mahal mo siya papakinggan mo siya sa paliwanag niya at papatawarin mo. Kung hindi naman itigil mo na lang ang ginagawa n'yong dalawa. Parehas lang kayong mahihirapan kung hindi niyo ititigil ang sinimulan niyo. Kaibigan kita Eli, kaya ayokong nalulungkot ka."

DESTINED VOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon