CHAPTER 25: Fixed Marriage
Maaga akong nagising dahil gusto kong pumunta park, doon ko balak mag pinta. Lumabas ako ng kwarto matapos kong gawin ang morning routine ko. Nakita ko si CJ na nag kakape sa kusina, binati ko siya pero as usual hindi ito namansin. Napakibit balikat na lang ako at nag handa na sa pag alis.
Nang makarating ako sa park ay agad kong inihanda ang mga art materials ko saka ko sinimulan ang pag pipinta, dahil wala na naman akong maisip na ipinta ay kung ano na lang ang maiguhit ko ay yun na lang ang bubuohin ko.
Unti unti akong napahinto sa pag pipinta nang mapagtanto ko kung anong sinisimulan kong iguhit.
Bulto ng dalawang tao na nakatayo ngunit hawak ng lalaki ang baywang ng babae na para bang sinalo niya ito mula sa pag kakadulas. Magkatitigan silang dalawa at para bang nasa isang mall sila..
Teka..
Kumunot noo ako nang mapansin kong pamilyar ang ipininta ko, parang kusang gumalaw ang mga kamay ko at iginuhit pa nito ang tila isang signage sa gilid ng dalawang tao.
Napatitig ako doon, at may biglang naalalang pagtatalo sa'king isipan..
"Hey, are you okay?"
"Hey, Miss? I'm asking you.. Are you okay?"
"Tsk."
"Aray ko naman! Galit!?"
"Kanina ka pa nakatitig sa'kin. Ano bang iniisip mo? Feeling mo ba 'Disney Princess' ka?" asik niya at pinagpag ang kanyang suot.
Napanganga ako sa inakto niya.
"H-hoy! Maka'pagpag ka naman sa suot mo, virus ba ako!?"
"Mukha nga."
"Kapal naman ng panga mo!?"
"Oh, one thing," Napalingon ako nang muli s'yang nagsalita.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"I dislike anyone who feigns a misstep just to have an opportunity to touch me."
A-anong!?
"Get lost, Pervert."
Did he just insult me!? Tinawag niya akong PERVERT!?
"HOY! Hindi mo ba ako kilala!? Ako lang naman ang sikat na Painter na si Felicity Rose Lee! Ang pinaka maganda-----" singhal ko na mabilis naputol dahil sa bigla n'yang tanong.
"Saan?" Kumunot bigla ang noo ko dahil sa tanong niya..
"A-anong saan!?"
"Saan ang paki ko?" Walang emosyong sambit niya saka ako nilayasan. Napanganga naman ako dahil don.
Walkout-an ba naman ako!?
Nakakainis!!
"HOY! BUMALIK KA DITO! HINDI PA TAYO TAPOS!" Mabilis na sigaw ko. Hindi naman niya ako nilingon kaya mas lalo lang akong naasar.
"MAY ARAW KA RIN SA'KING ANTIPATIKO KA!" Sigaw ko sa kanya na para bang maririnig pa niya ako dahil malayo na siya sa gawi ko..
Yung lalaki sa mall two years ago.
Hindi ko na matandaan ang eksaktong mukha niya, siguro dahil hindi na mahalaga sa'kin ang pangyayari na 'yon.
Pero bakit pakiramdam ko parang narinig ko na ang boses niya?
Hindi ko lang matandaan kung sino siya..
"There you are!" Napalingon ako sa biglang nag salita. Si Haze na naglalakad palapit sa pwesto ko. "Sabi ni CJ lumabas ka daw para mag pinta. Actually hindi ko alam kung saan kita hahanapin, pero tingin ko hindi ka naman lalayo, so.." napa-crossarms ito at nginitian ako bago yumuko ng bahagya at halikan ako sa noo. "Good morning, Babe."
BINABASA MO ANG
DESTINED VOWS
RomantizmKUWEI SERIES 2 | HOT GENTLEMEN SERIES 1 ••READ AT YOUR OWN RISK•• Felicity Rose is the pampered daughter of one of the Lee family members. She is the youngest and has been selected to inherit a resort due to her exceptional business acumen within th...