CHAPTER 22: La Luna Di Smeraldo

92 20 1
                                    

CHAPTER 22: La Luna Di Smeraldo

Nagising ako sa tunog ng phone ko. Napatingin ako sa side table, three o'clock na ng hapon. Nilibot ko ng tingin ang paligid, wala si Bryle. Mukhang may binili sa labas o kaya naman ay naliligo.

Napahawak ako sa'king katawan, wala akong suot na damit. Tanging kumot lang ang nakatakip sa'kin. Napabuntong hininga ako at umalis ng kama, naglakad ako palapit sa roba na nakasampay sa gilid ng kama at isinuot ko ito. Sinimulan kong hanapin si Bryle sa kabuohan ng kwarto, pero wala siya. Mukhang nasa labas nga siya.

Nakapag pasya na lang akong maligo at mag babad sa bathub. Ipinikit ang mga mata at huminga ng malalim.

Ibang klase ang response ng katawan ko pag dating kay Bryle..

Hindi ko makontrol ang sarili ko sa twing gumagawa kami ng mga bagay na hindi namin dapat ginagawa.

Hindi ko maintindihan, bakit ganon na lang niya ako kadaling napapasunod?

Hindi naman ito dahil wala lang..

Siguradong may mga rason kung bakit kusa akong napapasunod ng gwapong nilalang na 'yon..

Bryle Calixus Caje..

Ano bang gayuma ang ginamit mo sa'kin?

Bakit ganito ang epekto mo sa pagkatao ko?

Napahilamos ako at hinilig ang sarili sa gilid ng bathtub iniisip ang mga rason kung ano ba talagang nararamdaman ko sa taong 'yon.

Sa pag kakaalam ko si Haze ang gusto ko mula noong high school pa lang ako..

Siya yung naging crush ko ng almost 9 years..

Sinikreto ko ang nararamdaman ko sa kanya, tipong pati si Aeun hindi yun nalaman..

Nag bago na ba ang nararamdaman ko? O sadyang nadi'distract lang ako sa presensya ni Bryle kaya tingin ko ay parang nalilito na ako?

Hindi ko na maintindihan..

Hindi ko alam ang sagot sa sarili kong mga tanong..

Napailing na lang ako, hindi ko dapat iniisip ang mga ganitong bagay. Hindi dapat nakakagulo sa'king isipan ang mga lalaki, mas kailangan kong mag focus sa trabaho ko kesa ang isipin ang mga ganitong bagay. Ayokong ma-disappoint ko si Zhuxi.

Matapos kong maligo ay muli akong nag suot ng roba, nakalimutan ko kasi kumuha ng damit sa maleta ko kaya kailangan ko pa munang lumabas sa banyo para lang kumuha ng maisusuot.

Paglabas ko ay agad nag tama ang tingin naming dalawa ni Bryle. Nakaupo na ito sa sofa at may mga pagkain sa center table, siguro ay yun ang dahilan kung bakit siya nawala pag gising ko. Dumiretso na lang ako sa maleta ko para kumuha ng maisusuot.

"Hey wife, let's eat." Pag aaya ni Bryle, hindi ko siya nilingon at nag tuloy lang ako sa pag hahanap ng maisusuot ko.

Mmm.. let's see..

Ano kaya ang gagamitin ko ngayon?

"I actually went to the hotel's security system to pay them; I took a copy of the CCTV footage from the elevator." Parang gusto kong mag palamon sa lupa dahil sa sinabi niya.

Oh my gosh!

May CCTV camera nga pala sa elevator!

Ibig bang sabihin nito..

"You heard me, wife?" Napalingon ako sa kanya nang muli s'yang mag salita. "I paid them just to keep silent." Casual na sabi niya na para bang hindi big deal ang issue na 'yon.

DESTINED VOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon