CHAPTER 48: Acceptance
Maaga akong nagising at nag handa ng almusal para sa'min ni Bryle. Nag luto ako ng tinolang manok kahit na hindi naman uso ang tinolang manok sa Chengdu. Nagtaka pa sa'kin sila CJ at KC dahil ako ang nagluluto sa kusina at hindi ang mga taga luto rito sa mansion. Matapos kong maluto ang ulam na gusto ko ay mabilis akong bumalik sa'king kwarto para gisingin si Bryle na mahimbing parin na natutulog hanggang ngayon. Mukhang napuyat siya dahil sa mga nangyari ka'gabi, binigyan ko kasi siya ng libro patungkol sa history ng mga Lee. Mukhang pinag-aralan niya ang libro kaya late na s'yang nakatulog.
"Bryle, gising na kain na tayo." Mahinang tapik ko sa kanya habang ginigising siya. Marahan naman s'yang tumingin sa'kin at nginitian ako bago ako hilain palapit sa kanya at mabilis na kinulong sa mga bisig niya.
"Good morning, wife." Malambing na usal niya, napangiti ako at yumakap pabalik sa kanya.
"Good morning, Love. Tara na mag breakfast na tayo. May pupuntahan tayo ngayon." Agad na kumunot noo si Bryle sa sinabi ko. Mukhang hindi niya inaasahan na aalis kami ngayong araw.
"Are we going somewhere again with Chairman Lee?" Tanong ni Bryle. Umayos na rin ito ng pag kakaupo at hinawi ng bahagya ang aking buhok.
"Nothing much. I just want to take you around here in Chengdu, don't you want it, Love?" nakangising tanong ko. Napailing naman si Bryle at mabilis na lumapit sa'kin at hinalikan ako sa pisngi.
"Who said I don't want that? Of course, I would love that, especially if I'm with you." He hugged me quickly, "So, where are you going to take me? Hmm?" napangisi ako at kunwaring nag isip bago magsalita.
"Sa bathroom," Napasmirk si Bryle at mabilis akong binuhat (Bridal style) napahiyaw ako sa gulat at natawa nalang ng uli dahil sa ginawa niya sa'kin.
Hay! Magkaroon ka nga naman ng asawa na palagi na lang manyakis!
----------
Gusto kong humagalpak sa tawa nang makita kong napataas ang kilay ni CJ nang pasadahan niya kami ng tingin ni Bryle mula ulo hanggang paa. Mukhang napansin niya agad ang nakabusangot na mukha ni Bryle.
Paanong hindi sisimangot si Bryle? Hindi ko kasi siya sinamahang maligo. Kaya ayan ang hitsura niya ngayon, nakabusangot ang kanyang mukha at parang hindi mo maintindihan kung naiinis o nag tatampo sa'kin.
Hindi ko maiwasang mapabungisngis, napatingin naman si Bryle sa'kin at mabilis na umirap. Yan ganyan na siya simula pa nung lumabas kami sa kwarto. Hihi!
"Why are you frowning so early? Did your company in Italy lose money, that's why you're frowning? Poor you if that's the case." pang aasar ni CJ at nilayasan kami, mabilis na naglakad patungo sa isang silya, mukhang mag aalmusal na rin ito tulad namin ni Bryle. Napatingin ako kay Bryle at ngumisi nang makitang mas lalo itong napanguso. Hahaha ang cute talaga ng asawa ko.
"Pst! Love? Galit ka ba?" Bulong ko, gaya ng inaasahan ay naiinis na naman ito sa'kin, umirap na naman ito at nag lakad na lang papunta sa isa na namang bakanteng silya upang maupo at mag simulang mag almusal.
"Where are you planning to go now?" Napatingin ako kay CJ nang muli s'yang mag salita. "Jīntiān zhūxī yào dài nǐ qù shénme dìfāng ma?" ("Will Zhuxi be taking you somewhere today?")
"Ah, no.." napakamot ulong sagot ko kay CJ, "Just outside. You know? Spending time together as a couple."
"Hmm. You mean mag d'date kayo?" Pagtatama ni CJ sa sinabi ko, napanguso naman ako at napapahiyang ngumiti sa kanya.
"G-ganon na nga..."
"Hmm. Good luck. Italy's place is better than here in Chengdu, but, still have a great time sightseeing, couple." Tinapik ni CJ ang balikat ko bago siya tumingin sa phone niya na ngayon ay tumutunog na, "Excuse me, I'll take this call."
BINABASA MO ANG
DESTINED VOWS
RomanceKUWEI SERIES 2 | HOT GENTLEMEN SERIES 1 ••READ AT YOUR OWN RISK•• Felicity Rose is the pampered daughter of one of the Lee family members. She is the youngest and has been selected to inherit a resort due to her exceptional business acumen within th...