CHAPTER 20: Green bouquet of Roses

88 20 0
                                    

CHAPTER 20: Green bouquet of Roses

Napangisi ako nang wala nang magawa si Bryle kun'di ang pumayag na lang sa gusto ko. After we did that thing, pinilit niya akong mag change outfit. At dahil gusto kong maging aware siya na lahat ng dress ko ay puro sexy at kitang kita talaga ang kagandahan ng aking katawan ay ipinakita ko sa kanya lahat ng damit ko sa aking maleta. Sa huli napahilamos na lang ito sa kanyang mukha at sumuko na rin sa kanyang pag rereklamo, sabi niya bibili daw kami ng mga dress pagkatapos ng meeting dahil hindi parin daw siya sang ayon sa mga dinala kong dress. Napanguso na lang ako, pero ang mahalaga hindi na niya ako kinulit na mag palit ng outfit ngayon.

Nakarating kami sa isang eleganteng restaurant ng hotel. Kaonti lang ang tao na nandidito halatang pumapasok lang ang mga tao rito kapag may reservation sila dahil mahigpit ang receptionist, bago ka pumasok sa loob ng restaurant tatanungin ka muna kung nag pa'book ka ng reservation online.

Nang makaupo na kami sa table set kung saan magaganap ang meeting ay kaonti pa lang ang mga nandoon, yung ibang nakaupo ay kilala ko dahil sa mga nababasa kong article patungkol sa business world. Kinakabisado ko ang mga mukha at pangalan ng mga taong kasama namin ngayon sa mesa habang pinapanood ko rin ang kanilang mga reaksyon.

Sinimulan akong ipakilala ni Bryle sa ilang mga taong nakaupo dumadating na rin ang ilang mga tao at sa bawat kamustahan nila ay isinisingit ni Bryle ang salitang 'I would like you to meet me wife, Felicity Rose Caje.' Hindi ko maintindihan ang sarili ko sa tuwing naririnig ko ang linyang yun ay kinikilig talaga ako ng sobra.

Nag simula na rin ang meeting nila, nakikinig lang ako habang nag uusap usap sila. Kung minsan ay nililibot ko na lang ng tingin ang paligid kapag may mga topic akong hindi naiintindihan sa kanila halos dalawang oras din ang tinagal ng meeting pagkatapos ay unti unti na rin umalis ang iba.

"Let's go, wife" sambit ni Bryle at tumayo na ito sa kinauupuan niya, wala na rin akong nagawa kun'di ang tumayo na lang rin at sumunod sa kanya.

Nang makarating kami sa labas ng restaurant ay agad niya naman akong nilingon.

"We're going to buy a dress," he said at mabilis na hinawakan ang aking kamay. Napangisi ako dahil doon, akala ko makakalimutan niya ang tungkol sa mga dress ko.

Hindi naman kami lumayo sa hotel dahil may mall sa hotel na ito, kaya doon na lang rin naisipan ni Bryle na pumunta. Gaya ng gusto ni Bryle ay bumili nga kami ng mga dress, napangiwi na lang ako nang lahat ng pinili n'yang dress ay parang conservative tingnan. Maganda naman ang desenyo ng mga ito dahil napaka galing naman pumili ni Bryle ng design, problema ko lang sa kanya ay lahat ng binili niya halatang ayaw niyang nakikita ang cleavage ko at likuran ko.

"I'm curious," nilingon ko si Bryle habang hinihintay namin ilagay sa mga paper bags ang mga binili n'yang dress para sa'kin. "Ganon ba talaga ang mga taste mo sa pag pili ng mga damit?" Tumingin ito sa'kin, halatang hinihintay ang sagot ko.

"Hindi naman, yung mga dala ko kasi mga niregalo lang sa'kin ng pinsan ko. Model kasi siya sa Pilipinas" napangiti ako nang makita ko na parang natuwa si Bryle sa pag open sa topic na 'yon,

"Is your cousin from Infinite Magazine?" Tanong niya na ikinatango ko naman, mukhang kilala niya na ang tinutukoy kong pinsan. "Ohh. So, obviously you're talking about CJ Lee." Ngumisi ako, sino nga ba kasi ang hindi makakakilala sa pinsan ko? Napaka sexy at ganda kaya non, malamang mayroon rin s'yang kopya ng Infinite Magazine.

"Yup, she's my cousin."

"No wonder why your dress looks good on you," kinuha ni Bryle ang mga paper bags at muling nagsalita, "Let's go back to our hotel room." Napakibit balikat naman ako at sumunod na lang sa kanya. Hindi niya ako hinayaang buhatin ang ibang paper bags, siya mismo ang nag dala non hanggang sa makabalik kami sa aming hotel room.

DESTINED VOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon