CHAPTER 52: Hidden Motive (Part 2)
Ngayong araw ay mag kakaroon ng event patungkol sa Charity foundation dito sa Rome sa pangunguna ng HGS Clan at ng iba pang mga official ng gobyerno. Ang lahat ay nasasabik sa pag sisimula nito dahil na rin sa napaka laking tulong nito sa mamamayan, lalong lalo na sa mga taong mahihirap na talaga namang nangangailangan ng tulong financial.
"Maayos na ba ang lahat?" Tanong ni Elijah sa mga kaibigan n'yang nag kukumpulan at nag kukwentuhan ng wala namang katuturan.
Napatingin ito sa kanya at tila nag isip muna bago sumagot sa tanong niya.
"Oo maayos naman na daw! Wala nang problema, hinihintay na lang mag simula lahat." Si Kurt na lumingon pa sa dalawang kasama na sina Levi at Kaizer.
"Oy Levi, sinabi mo ba kay Calix na pumunta dito?" Tanong ni Kaizer na agad namang ikinangiwi ni Levi.
"Oo naman! Tatlong beses ko pa nga inulit sa kanya! Ewan ko na lang kung makalimutan niya pa yun." Ismid ni Leviathan sa kaibigan.
"Sa dami ng ginagawa niya posible talagang makalimutan niya. Si Felicity nga nakalimutan niya eh, yung event pa kaya ngayon." Muling salita ni Kaizer.
"Hindi ko na kasalanan yun, 'no! H'wag mo nga akong pag-initan! Hayaan mo si Calix kung ayaw n'yang pumunta!"
"Bakit nag tatalo na naman kayo?" Kamot ulong tanong ni Elijah sa dalawa. Napalingon naman sila Kaizer at Levi dahil sa tanong ni Elijah sa kanila.
"Si Kaizer kasi sinisisi ako!" Mabilis na singhal ni Leviathan.
"Ang sumbongero mo naman." Ismid ni Kaizer. Natawa na lang si Elijah sa inaakto ng dalawa n'yang kaibigan.
"Tingin ko pupunta naman si Calix ngayon. Hintayin na lang natin siya." Sumingit sa usapan si Kurt na mabilis tinapik ang balikat ni Kaizer. "Kumalma ka dude. Mayamaya lang nandito na 'yon."
Napansin nila ang paglapit ni Zeke kasama si Claude na may hawak na chips at kumakain. Huminto ito nang makarating na sila sa pwesto nila Kaizer.
"The program starts in an hour. How's everything? Is everything alright? No more problems?" Tanong ni Zeke sa mga kaibigan niya. Nagkatinginan naman ang mga ito at halos sabay sabay na napatango. "Good to hear that. Why are you reacting like that? Is there a problem?"
"Ah, wala namang problema Zeke, sadyang nagtatalo lang ang mga ito kung pupunta ngayon si Calix." Si Elijah ang sumagot sa tanong ni Zeke. Hindi naman sumagot si Zeke at nanatili lang na nakatitig sa mga kaibigan. "H'wag mo na lang silang intindihin, bumalik na tayo sa pwesto natin." Pag-aaya ni Elijah. Sumunod naman sina Zeke at Claude sa kanya, samantala nag katinginan lang sila Levi, Kaizer at Kurt na para bang sinusubukang mag usap gamit ang kanilang senyasan sa isa't isa.
"Hey! Vale!" Tawag ng isang lalaki sa kanya. "You're here too? I didn't know you were interested in these kinds of events." Napakamot sa sentido si Vale sa sinabi ng lalaki sa kanya awkward itong ngumiti bago magsalita.
"Ah, yes, I was invited to come here." Pag sisinungaling nito sa kausap, "What about you? What are you doing here?"
"Me? I'm part of the team who signed off on this program, so I'm here to watch the event. I just wanted to see how it was going to be." Sagot naman ng lalaki sa kanya. "Oh, anyway I'll go ahead. I might lose my spot in the VIP seats." Pag bibiro niya, bahagyang natawa naman si Vale sa sinabi ng lalaki sa kanya. Pinanood niya itong maglakad palayo saka ito bumalik sa mga kaibigan niya na nasa ibang direksyon.
----------
Napahinto sa paglalakad si Bryle nang mapansin niya ang isang painting na nakapaskil sa pader ng pasilyo. Napatitig siya rito at mabilis na napakunot noo, isang magandang tanawin ng karagatan ang makikita sa larawan at may isang babaeng nakatayo sa gilid habang hawak nito ang isang bouquet ng green roses. Nakatitig ang babae sa dagat na para bang nag hihintay ito ng kung ano sa kawalan.
BINABASA MO ANG
DESTINED VOWS
RomanceKUWEI SERIES 2 | HOT GENTLEMEN SERIES 1 ••READ AT YOUR OWN RISK•• Felicity Rose is the pampered daughter of one of the Lee family members. She is the youngest and has been selected to inherit a resort due to her exceptional business acumen within th...