CHAPTER 12: Pajamas

88 21 1
                                    

CHAPTER 12: Pajamas

Napahalumbaba ako habang pinapanood na mag luto si Bryle.

Nandito ako ngayon sa may dining table nakaupo sa silya at pinapanood si Bryle na nag luluto. Nakatalikod ito sa'kin, naka semi formal attire na lang siya, tinanggal na niya ang suit niya at tanging long sleeve polo na lang ang suot niya, kulay puti ito na plain lang at medyo hapit sa kanyang katawan. Kitang kita mo talaga ang hubog ng kanyang katawan.

Napanguso ako habang nakatitig sa likod niya napaka sexy naman kasi ng lalaking ito, malaki ang build ng mga balikat at medyo slim pababa sa may balakang, maumbok ang pwetan kaya mapapa sana all ka na lang talaga. Hay! Sana all sexy!

Teka! Sexy rin naman ako ah?

Napangiwi ako sa naiisip ko at winaksi na lang ito.

"Maiba nga ako, bakit ikaw lang ang tao dito?" Takang tanong ko. Saglit naman akong nilingon ni Bryle at binigyan ako ng bored na tingin.

"Pinaalis ko." Binalik niya ang tingin sa niluluto niya bago ituloy ang sasabihin. "Pinag bakasyon ko muna, only the two of us will be here the whole week."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Bryle, seryoso ba!? Sa laki ng bahay na 'to kaming dalawa lang ang tao!?

Oh my gosh!

"Don't worry, I won't do anything to you, unless you beg for it." Nilingon niya ako at nakita ko na naman na nag smirk siya bago ibalik ang tingin sa niluluto niya.

Asa ka naman na hihilingin ko 'yon!

Napangiwi na lang ako at inalis ang tingin sa kanya, inilibot ko ang tingin sa paligid. Napaka ganda talaga ng design ng bahay, ang galing pumili ni Bryle ng mga design..

"I'm done, let's eat." Nabalik ang tingin ko sa kanya nang mapansin kong nag sasandok na siya ng ulam. Agad akong tumayo para kumuha naman ng dalawang plato at mga spoon at fork.

"Wow.." komento ko nang ilapag na ni Bryle ang ulam na ginawa niya, sinigang na baboy! Yes! Isa na namang ulam na pang Pinas!

Nag simula na kaming kumain at napansin kong nakatitig si Bryle sa'kin, mukhang pinapanood niya ang reaksyon ko sa niluto niya.

"How was it?" Tanong niya sa'kin, napatigil ako sa pag nguya at tinitigan rin siya, "What?"

"Ang sarap.." usal ko, nakita ko kung paano siya ngumiti ng tipid. Umaliwalas rin ang kanyang reaksyon na para bang nakahinga ng maluwag.

Nag patuloy kami sa pagkain hanggang sa muli na naman s'yang nagsalita.

"Did Chairman Lee knows about us?" Mabilis na umangat ang tingin ko papunta sa sakanya nang bigla niya 'yon maitanong, umiling ako ng marahan kaya napatango siya. "Do you want me to tell him?" Napabuntong hininga ako sa tanong ni Bryle.

Hindi ko maintindihan, kailangan pa ba? Maghihiwalay rin naman kami kaya bakit kailangan pang sabihin sa pamilya ko? Saka hindi naman kami nag mamahalan kaya bakit pa kailangan ipaalam?

"Hindi naman na kailangan," sagot ko.

"Why?"

"Kasi mag hihiwalay rin naman tayo." Hindi na ako nakarinig ng sagot mula sa kanya, kaya tiningnan ko siya. Tahimik lang itong kumakain at hindi na nag abalang tingnan ako.

Matapos naming kumain nag presinta akong maghugas ng pinag kainan namin, pinapanood naman ako ni Bryle habang naka crossarms siya sa gilid ko at nakasandal sa sink.

DESTINED VOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon