CHAPTER 47: The Reason

18 5 0
                                    

CHAPTER 47: The Reason

Nakarating kami sa Chengdu at dumiretso naman agad kami sa mansion ng Lee. Hindi kami nag uusap ni Bryle at hindi na muling nakipag usap sila Mom at Dad kay Bryle dahil busy sila sa pakikipag usap kay Zhuxi tungkol sa business.

Nahinto ang sasakyan sa tapat ng main door ng mansion at isa isa na rin kaming lumabas.

"This is the mansion of the Lee's. It is the oldest mansion of the Lee's here in Chengdu. Welcome to our country and to our beloved home, son." Sambit ni Mom at bahagyang nginitian si Bryle. Napatingin ako kay Bryle na para bang hindi alam ang sasabihin niya dahil napakurap na lang ito at bahagyang naka awang ang kanyang bibig. Napangisi ako at siniko siya, mukha naman natauhan ito dahil mabilis na tumikhim at napa'ayos ng pag kakatayo.

"Thanks, M-Mom." Halatang naiilang na sabi ni Bryle at nginitian si Mommy napangiti ako nang lumapit si Dad sa kanya at bahagyang tinapik ang balikat ni Bryle.

"Felicity, take him to his room." Utos ni Dad sa'kin na agad ko namang tinanguan.

"Yes Dad." I said, saka tiningnan si Bryle. "Let's go, Love." Malambing na sabi ko at tumango naman ito sa'kin.

Nagsimula na kaming pumasok sa loob ng mansion at nang makapasok ay mabilis kaming humiwalay kila Mom at Dad. Pansin ko pang sumulyap si Zhuxi sa direksyon namin bago siya maglakad papunta sa direksyon ng office room niya.

"What are you thinking, hmm?" Tanong ni Bryle nang mag simula na kaming maglakad papunta sa kwarto ko. Napatingin ako sa kanya at binigyan siya ng nagtatakang tingin.

"Ha? Wala naman bakit mo natanong?" Sagot ko na napakamot pa sa chin ko.

"It looks like you're thinking about something." Napangiti ako ng tipid nang sabihin ni Bryle yun, palagi s'yang ganyan. Inoobserbahan ang reaksyon ko.

"Pasensya ka na kila Zhuxi kung dinala ka pa dito." Nahihiya tuloy ako kay Bryle, para kasing abala itong ginawa ni Zhuxi sa mga schedule ni Bryle sa Italy.

Pero sabi niya hindi daw abala 'to di ba?

Kaya ano pang iniisip mo dyan?

Ayos lang naman yan kay Bryle, siya mismo ang nag sabi na ayos lang sa kanya 'yon kaya di ka na dapat pa nag iisip ng kung ano ano.

Argh!

Kinakabahan ako, pakiramdam ko hindi okay si Zhuxi sa pagpapakilala ko kay Bryle.

Nakarating na kami sa tapat ng kwarto ko, nilingon ko si Bryle at nginitian.

"Hindi kita dadalhin sa guestroom, sa kwarto ko na lang." Ngumisi ako nang mapansin ko ang pag taas ng kilay ni Bryle. "Tara na?"

"Won't Chairman Lee reprimand you for what you're doing? He instructed me to use the guestroom, right?" He seriously said. "We need to respect them." he then added. Napabuntong hininga ako at napailing ng marahan.

Hay masyado naman s'yang mabait.

"Bryle, hindi na tayo mga teenager. Kasal tayo di ba? Kaya bakit pa tayo mag tatago sa kanila? Okay lang yan na dito ka sa kwarto ko. Hindi naman sila mag rereklamo." Nakangiting paliwanag ko. Tinitigan lang ako ni Bryle na para bang pinipilit n'yang basahin kung anong iniisip ko ngayon.

Pero hindi na siya nakipag talo pa at pumasok na lang sa kwarto kasama ko. Binaba namin ang mga dala naming maleta at dumiretso naman agad ako sa banyo para maligo, si Bryle naman ay mukhang uupo sa sofa at mag papahinga.

Isang oras din ang nakalipas nang matapos akong maligo. Nakapag bihis na rin ako at nakapag ayos ng mukha. Paglabas ko ng banyo ay napansin ko agad si Bryle na natutulog sa sofa habang nakaupo, naka crossarms at nakahilig ang ulo sa sandalan. Tulog na tulog siya na para bang napagod sa byahe. Kung sabagay, napaka tagal ng byahe namin papunta dito. Nakakapagod nga ang byahe.

DESTINED VOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon