CHAPTER 41: Her Doubt
Nakarating kami sa clubhouse ni Haze at dinala naman ako ni Jacob sa second floor kung nasaan ang VIP customers. Doon niya naisipang mag table, dalawa lang kami kaya medyo awkward sa'kin nung una.
Nag order si Jacob ng mga light drinks na hindi mataas ang alcohol kaya naman napangiti ako dahil sabi niya, hindi daw kami pwedeng mag lasing dahil may trabaho pa kami bukas.
Nag kwentuhan rin kaming dalawa tungkol sa trabaho, lalo na sa Lee Corp kung saan kasosyo ko siya sa isang project. Nakwento niya na madami paring nag protesta sa budget na gusto ng founder sa aming project, natatawa tuloy ako dahil ginagawa niya lang rin biro ang issue kahit na alam naman naming dalawa na kapag ayaw ng founder mahirap 'yon lusutan. So far, hindi pa naman pinapatawag ang dumalo sa meeting na yun para mapag usapan ulit ang tungkol sa complaints ng founder.
"Eli," mayamaya ay usal ni Jacob na sumisimsim ng wine. Nakatingin siya sa malayo na para bang may pinapanood sa direksyon na yun.
"Hmm?" Usal ko na bahagya pang ngumiti sa kanya. Ibinaba ni Jacob ang hawak n'yang wine glass saka ito napahalukipkip at tiningnan ako.
"I think I noticed Bryle at your resort earlier. I'm just not sure if it was him," casual na sabi niya dahilan nang pagtikom ng bibig ko sa mariin na paraan, "He was with his ex-girlfriend." Dagdag niya.
"Huh? Do you know Fleur?" Bahagyang gulat ang reaksyon ko dahil sa sinabi niya.
"Of course," ngiting sagot ni Jacob, "She's a model in the US. Don't you know?" Parang nagtataka pa na tanong niya sa'kin. "I used to work with Bryle on projects before so I can say that I somehow know him." Pagbibigay impormasyon niya na agad na ikinaawang ng bibig ko.
Ah.. So model pala ang ex-girlfriend ni Bryle? Hindi na nakakapag taka dahil napaka ganda niya at unang kita ko pa lang sa kanya nasabi ko rin sa sarili ko na para s'yang model.
Parang nanliliit tuloy ako dahil sa naalala ko na naman kung gaano kaganda si Fleur kesa sa'kin.
Hay! Nakakainis..
Bakit ba kasi ang ganda ng ex-girlfriend ni Bryle? Gusto ko na tuloy mag palamon sa lupa, pakiramdam ko deserve kong matawag na contractor dahil mukha naman akong construction worker------
Wait! What!?
Talaga ba? Iniinsulto ko ang sarili ko?
Argh! Tigil!
Hindi mo yan kailangang gawin!
"How did you know that Fleur is his ex-girlfriend?" Wala sa sariling tanong ko kay Jacob. Hindi ko kasi mapigilan na hindi magtanong sa kanya dahil curious ako kung bakit niya kilala si Fleur..
Hindi kaya.. Pinakilala rin ni Bryle dati si Fleur sa mga kasosyo niya gaya ng ginawa ni Bryle sa'kin?
Pakiramdam ko sumisikip ang dibdib ko sa naiisip ko..
"They once announced an engagement party, I was one of the invited guests. However, it didn't push through because Fleur was going to study abroad, Bryle couldn't wait and cheated. He quickly replaced Fleur." Napakunot noo ako sa narinig kong kwento ni Jacob tungkol sa nakaraan nila Bryle at Fleur.
Nakwento sa'kin ni Bryle at Brianna ang ibang detalye ng nakaraan ni Bryle at Fleur, pero wala sa kwento nila na nag cheat si Bryle.
Posible bang itinago ni Bryle ang totoong dahilan kung bakit sila nag hiwalay ni Fleur? O mali lang ng pagkakaintindi si Jacob sa nangyari noon?
Saang kwento ba ang dapat kong paniwalaan?
Kailangan ko pa sigurong mag tanong..
"Cheated?" Muling usal ko. Kita ko ang pagiging inosente sa reaksyon ni Jacob.
BINABASA MO ANG
DESTINED VOWS
RomanceKUWEI SERIES 2 | HOT GENTLEMEN SERIES 1 ••READ AT YOUR OWN RISK•• Felicity Rose is the pampered daughter of one of the Lee family members. She is the youngest and has been selected to inherit a resort due to her exceptional business acumen within th...