WARNING!
THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR VERY YOUNG AUDIENCES. PARENTAL GUIDANCE IS ADVICED. (2) Expect 'GRAMMATICAL ERRORS' and 'TYPOS' because this has NOT BEEN EDITED BY THE WRITER. (3) The TIMING of UPDATES DEPENDS on the WRITER'S MOOD, so BE PATIENT. And lastly; (4) If this story feels CLICHÉ to you, feel FREE to LEAVE. Your presence is not necessary here.
----------
CHAPTER 58: Only The Two Of Us (Part 1)
"Saan tayo pupunta?" Takang tanong ni Felicity nang sabihin ni Bryle sa kanya na kailangan na n'yang mag ayos ng sarili. "Seryoso ka ba? 3 o'clock pa lang ng umaga Bryle!" Mabilis na umikot ang mga mata ni Felicity, matapos n'yang inis na sinabi ang linyang iyon. Akmang isasara ng dalaga ang pinto ng kwarto nang mabilis namang hinawakan ni Bryle ang pinto. Napangiwi ang dalaga at hindi na nag tangka na makipag talo pa rito.
"Didn't you tell Chairman Lee to give us time to plan our wedding? I think it's better if we go to another place while we're thinking about the decisions we need to make, right? So get dressed and pack your things, we're going to Palawan."
"What?!" Tumaas ang kilay ni Felicity sa kanyang narinig mula kay Bryle. "Hindi mo ko sinabihan sa plano mo---"
"Ngayon sinabi ko na, kaya mag bihis ka na." Ngumiti ang binata at bahagyang ginulo ang buhok ng dalaga, "Hihintayin kita sa labas. Nakapag paalam na rin ako sa mga magulang mo, kaya alam nilang aalis tayo."
"T-teka----" hindi na natuloy ni Felicity ang kanyang sasabihin nang umalis na sa kanyang harapan si Bryle. Napakamot na lamang ito sa kanyang sentido at napabuntong hininga. Kahit pa wala ito sa kondisyon na gumala ay hindi naman niya gustong pag hintayin ang binata. Sa huli ay nag ayos rin ito ng kanyang sarili pati na rin ng kanyang mga dadalhin.
Matapos ang isang oras na pag hahanda ay bumaba na rin si Felicity at dumiretso sa labas. Doon ay agad n'yang nakita ang kanyang Mom at Dad na kausap ni Bryle sa labas napabuntong hininga ang dalaga bago tuluyang lumapit sa direksyon ng mga ito.
"Mag iingat kayo." Sambit ng ina ni Felicity, napatingin ito sa kanyang anak at matamis na ngumiti rito. "Mas lalo kang gumanda dahil sa suot mo anak."
"Thanks mom." Mabilis na sagot ni Felicity. Nakipag beso ito sa kanyang mga magulang saka tipid na ngumiti, "Aalis na muna kami ni Bryle,"
"Mag pakasaya kayo." Nakangiting sagot naman ng kanyang ama at bahagyang tinapik ang balikat ni Bryle, "Ingatan mo ang anak ko, Bryle."
"I will." Bahagyang yumuko ang binata bilang pag galang. Saglit pa silang nag usap bago tuluyang mag paalam ang mga ito at sumakay sa gagamitin nilang sasakyan.
Napasandal si Felicity sa kanyang inuupuan at bahagyang sumilip kay Bryle na nag uumpisa nang mag maneho. Hanggang ngayon ay nag tataka parin ang dalaga ngunit minabuti na lamang niya na h'wag na lang mag tanong.
----------
Nang makarating sila sa lugar na kanilang pupuntahan ay agad na namangha si Felicity. Inilibot ng tingin ang paligid, hindi napigilang mapatingin kay Bryle at nagtanong,
"Kaninong bahay 'to?" Curious n'yang tanong sa binata. Narinig nito ang bahagyang pag tikhim nito bago sumagot sa tanong niya.
"This is one of the Caje’s vacation houses. Walang ibang tao dito, tayong dalawa lang." Napakurap si Felicity nang marinig niya ang sinabi ng binata. Para namang wala lang ito sa binata, naglakad ito ng diretso papunta sa isang pinto. "This will be your room, and this is mine. Now, prepare yourself. May pupuntahan tayo after an hour."
"W-wait, gagala na agad tayo?" gulat na tanong ni Felicity sa binata.
"No. We just need to eat."
"Ah.."
BINABASA MO ANG
DESTINED VOWS
RomanceKUWEI SERIES 2 | HOT GENTLEMEN SERIES 1 ••READ AT YOUR OWN RISK•• Felicity Rose is the pampered daughter of one of the Lee family members. She is the youngest and has been selected to inherit a resort due to her exceptional business acumen within th...