CHAPTER 30: HGS Clan
Hindi nawala ang inis na naramdaman ko hanggang sa makarating kami sa clubhouse. Pasado alas dos pa lang ng hapon kaya malamang wala pang gaanong tao. May ilang tao ang kumakain dahil resto bar naman ang clubhouse na 'to, pag pasok namin ay agad akong naglakad papunta sa second floor. 'Yon kasi ang sinabi ni Haze sa'min, dumiretso na lang kami sa second floor dahil nandoon daw siya.
Pag akyat namin ay agad namin s'yang nakita na nag aayos ng kung ano sa mesa. Mukhang trabaho ang kanyang ginagawa. Napabuntong hininga ako nang makita ko si Haze na nag liwanag ang mga mata dahil nakita kami at naglakad agad ito palapit sa'min.
"Hey, Babe, Ae" bati niya sa'min napatango naman si Aeun bilang pag bati kay Haze, samantalang hindi naman ako sumagot at nanatili lang na tahimik. "Doon tayo sa isang VIP room, let's go." Dugtong pa ni Haze kaya sumunod naman kami sa kanya.
Nang makarating kami sa room ay agad nag order si Haze ng makakain naming tatlo. Dala dala nito ang mga papel na tinatrabaho niya kanina, nilagay niya 'yon sa isang tabi at tiningnan ako.
"What's the problem Babe? You look upset, may nangyari ba?" He asked, I shook my head. Nilingon ko si Aeun at sinenyasan na h'wag mag ku'kwento.
"Maaga kasi natapos ang mga trabaho namin, wala rin kaming magawa kaya dito na lang kami tatambay." Walang ganang sabi ko. Natawa naman si Haze at napatango nang huli.
"Oh! Sure, Babe. Kahit anong oras ay pwede kayong tumambay rito." Nakangiting sabi ni Haze. "Wanna drink alcohol?" Inalok niya kami, mabilis namang pumayag si Aeun dahil malamang 'yon talaga ang gusto niya pag nandito kami. Ang malibre ng alak.
Samantalang ako? Ito, masama ang tingin sa kawalan. Naka kunot noo dahil hanggang ngayon ay naiinis parin ako sa mga nangyari kanina. Kitang kita ko ba naman kung paano hinalikan sa pisngi ang asawa ko, sinong hindi mabubwiset doon?
Ano ka ba naman Felicity Rose Lee-Caje!?
Akala ko ba strong tayo!?
Bakit ka nag papaapekto sa ganong eksena!?
Saka ano naman kung hinalikan siya!?
Tama namang kinontrata ka lang ni Bryle!
Teka nga!
Paano niya ba nalaman na contract lang ang kasal namin ni Bryle!?
Sinabi ba ni Bryle 'yon sa kanya!?
Argh!
Kapag naiisip ko pa lang na sinabi ni Bryle 'yon sa babaeng 'yon, feeling ko pinag kaisahan nila ako!
O kaya naman ay ayaw ni Bryle na isipin ng babaeng 'yon na totoo kaming mag asawa!?
Hindi ko maintindihan!
Naguguluhan na ako!
Lahat nalang ba kailangan kong problemahin!?
Argh!
"Nag usap na kami ng Chairman Lee." Napaangat ang tingin ko kay Haze nang sabihin niya 'yon, "Pumayag siya na hindi muna tayo mag papakasal."
"What?" Napatingin kami kay Aeun nang bigla itong mag komento. "Anong kasal?" Taas kilay n'yang tanong, "May hindi ba ako nalalaman dito?"
Oo nga pala. Hindi namin nasabi kay Aeun ang tungkol dito..
"Ah.. Hindi mo pa pala nasabi kay Ae?" Takang tanong ni Haze at bumaling muli kay Aeun, "Pinag kasundo kami ni Chairman Lee at ng Lolo ko. Ako ang ka fixed marriage ni Eli."
BINABASA MO ANG
DESTINED VOWS
DragosteKUWEI SERIES 2 | HOT GENTLEMEN SERIES 1 ••READ AT YOUR OWN RISK•• Felicity Rose is the pampered daughter of one of the Lee family members. She is the youngest and has been selected to inherit a resort due to her exceptional business acumen within th...