CHAPTER 28: Paradise Island Resort
Sobrang hiyang hiya ako nang makapasok kami sa bahay ni Bryle. Andon ang ilang mga katulong na sinalubong kami at agad na binati ako. Hindi ko magawang tumingin sa kanila at batiin rin sila pabalik dahil ayokong makita nila ang hitsura ko. Nakakahiya talaga!
Nang makarating kami sa kwarto namin ay doon niya lang ako binaba sa sofa at naglakad siya papunta sa office table niya para kuhain ang telepono niya.
Nilibot ko naman ng tingin ang paligid. Ang pamilyar na desenyo ng kwarto naming dalawa, wala sa sariling napangiti ako.
"What do you want to have? Are you hungry?" Bryle asked me nang makalapit siya sa'kin, umupo ito sa tabi ko at sumandal sa sofa. "Mag papaluto ako kung anong gusto mong kainin-----"
"Hindi naman ako nagugutom," mabilis na putol ko sa pag sasalita ni Bryle. Napatango naman siya at ibinaba ang kanyang phone. "Pumunta lang ako dito dahil sabi mo gusto mo akong makita."
"Oh.. So, you didn't come here because you miss me too? How sad." Parang walang ganang komento nito kaya napangiwi ako. Ano bang problema niya? Akala ko ba miss niya ako? Bakit parang gusto niya pa makipag away sa'kin!?
"How sad your ass," inismiran ko siya at inalis ang tingin sa kanya. "Hindi naman tunog nalulungkot yan, Bryle" dagdag ko pa, narinig ko ang sarkastikong tawa ni Bryle dahil sa sinabi ko.
"Silly, you don't get when I sound sarcastic. Do you?" Tiningnan ko siya at nakasandal na ang leeg niya sa sandalan ng sofa. Nakatitig ito sa kisame. "You still didn't answer me the last time I gave you the most expensive ring," saka ako nito nilingon na may seryosong tingin. "I know it's too early to say you like someone in a short period of time, but can you at least answer my goddamn question? I want to hear from you that you at least like me, even if it's just a fucking 5%."
Napatitig lang ako kay Bryle nang sabihin niya 'yon, hindi ko kasi alam ang isasagot ko sa sinabi niya. Oo nag papasalamat ako dahil naudlot ang usapan namin noong nasa Venice kami, nakaligtas ako sa mga dapat kong sabihin noong oras na 'yon, pero ngayon ba? Alam ko na ba ang sasabihin ko? Mukhang hindi parin naman?
"At least give me an answer, wife." Muli n'yang salita, pero sa mahinang tono na at pansin kong nakapikit na siya, mukhang nakakaramdam na ito ng antok.
Ano bang sasabihin ko?
Gusto ko siya?
Isipin mong mabuti ang sasabihin mo, Felicity Rose Lee-Caje!
Basahin mo ng maayos yung nararamdaman mo!
Intindihin mo!
H'wag kang tatanga tanga! Dapat alam mo ang mga sagot sa simpleng tanong niya!
Gusto mo ba siya!?
Palagi mo s'yang naiisip!
Gusto mo ba siya!?
Palagi mong gustong maamoy ang pabango niya!
Gusto mo ba siya!?
Palagi mong gustong nakukulong ka sa mga bisig niya!
Gusto mo ba siya!?
Palagi mong hinahanap hanap ang presensya niya!
Gusto mo ba siya!?
Bakit hindi mo magawang sumagot!?
Umayos ka!
Ayusin mo ang sarili mo!
BINABASA MO ANG
DESTINED VOWS
RomanceKUWEI SERIES 2 | HOT GENTLEMEN SERIES 1 ••READ AT YOUR OWN RISK•• Felicity Rose is the pampered daughter of one of the Lee family members. She is the youngest and has been selected to inherit a resort due to her exceptional business acumen within th...