CHAPTER 45: Marazon Hotel
Dumating si Bryle sa kotse nang nagtataka. Paano, hindi na kasi ako nakangiti at nasa malayo lang ang tingin ko. Ayoko rin namang ikwento pa sa kanya ang nangyari, hindi naman na niya kailangan pang malaman.
"Wife, here." Inabot niya sa'kin ang isang box ng donuts. Napangiti ako ng tipid at kinuha naman sa kanya ang box.
"Thank you," usal ko at inalis rin agad ang tingin kay Bryle, mukhang napansin niya agad ang reaksyon ko kasi kumunot noo siya habang nakatitig sa'kin.
"Do you have a problem?" Tanong niya. Napabuntong hininga tuloy ako sa tanong niya, sasabihin ko ba?
Syempre hindi!
"Ha? Wala naman, bakit mo natanong?" Patay malisya kong sagot sa tanong niya, nilingon ko siya at bahagyang tinagilid ang ulo para ipakita sa kanya na hindi ko nakuha ang tinutukoy niya.
"You look like you have a problem, wife." He said seriously, inalis nito ang tingin sa'kin at napakibit balikat na lang. "Anyway, I'll take you home now. I'll go back to CAVA Corp 'cause Vale is asking me to come, looks like we have an important thing to discuss." Agad akong napamaang sa sinabi niya.
"Ha?" Gulat kong usal, hindi pwedeng iiwanan niya ako! Mahirap na baka dumikit na naman sa kanya si floor wax! "Isama mo nalang ako!" Reklamo ko, kita ko ang bahagyang pagka gulat ni Bryle sa sinabi ko, nakanganga kasi ito ng bahagya habang nakatitig sa'kin.
"Pft. Why?" Hindi niya napigilang mapangisi matapos n'yang makabawi mula sa pagka gulat. "Hmm. Alright, it's better to bring you along, who knows what you might think while I'm not by your side, right?" biglang pang aasar niya dahilan para mapataas ng isang kilay ko sa sinabi niya.
"Inaasar mo ba ako, Bryle?" Seryosong tanong ko sa kanya. Napakagat ito sa ibabang labi niya na parang pinipigilan ang matawa. Inirapan ko na lang tuloy siya, nakakainis!
"Hindi po. Hahaha" hindi ko na lang siya pinansin nang tuluyan na s'yang matawa, hinayaan ko na lang s'yang tumawa at tinuon na lang ang atensyon sa kulay orange na donut na binili niya.
----------
Pagkarating namin sa CAVA Corp ay agad namang nag usap sina Vale at Bryle, hindi ako iniwan ni Bryle. Sinama niya ako kung saan man sila pumunta ni Vale kaya kahit paano ay napanatag ang loob ko. Mukhang wala naman si Fleur dito. Tingin ko ay nasa mall parin 'yon, h'wag na sana s'yang pumasok.
Napasandal ako sa swivel chair ni Bryle. Nandito kasi ako sa office table ni Bryle habang si Bryle naman at Vale ay nasa sofa, may pinag uusapan habang nakatuon ang atensyon nila sa mga folder at laptop na nasa center table.
Pinapanood ko lang sila nang biglang tumunog ang phone ko, si Jacob. Agad ko namang binuksan ko ang mensahe niya;
Jacob: Are you free later? Let's have a chill at Il Posto Notturno.
Napaisip ako sa sinabi niya, dalawa na naman ba kaming iinom? Minsan napapaisip ako kung may kaibigan ba 'to si Mr. Riego eh? Para kasing wala s'yang kasama palagi.
Me: Okay, I'll go there later at 8:00 pm.
Hindi naman ako nag hintay ng matagal dahil mabilis naman s'yang nag reply sa message ko,
Jacob: Nice. See you later, then.
Napabuntong hininga ako at binulsa ang phone ko, muli akong napatingin sa direksyon nila Bryle at Vale at halos mapatalon ako sa gulat nang mapansin kong matalim na nakatitig sa'kin si Bryle.
Eh!? Ano na namang kasalanan ko!?
Matapos nilang mag meeting ni Vale ay tumayo na si Bryle at mabilis na lumapit sa'kin, napakurap lang ako nang yumuko ito ng bahagya upang mag pantay ang mukha naming dalawa.
BINABASA MO ANG
DESTINED VOWS
Lãng mạnKUWEI SERIES 2 | HOT GENTLEMEN SERIES 1 ••READ AT YOUR OWN RISK•• Felicity Rose is the pampered daughter of one of the Lee family members. She is the youngest and has been selected to inherit a resort due to her exceptional business acumen within th...