CHAPTER 29: Contractor
Bagsak ang balikat kong nagpunta sa Lee's Corp matapos kong ihatid sa airport ang Zhuxi. Agad naman akong sinalubong ni Aeun at sinamahan akong pumunta sa'king opisina, doon lang siya nag tanong nang makaupo na ako sa swivel chair ko.
"Anong mukha yan?" Tanong niya, "kakabalik mo lang galing sa Chengdu tapos dinala mo pa yung pagka bad mood mo." Komento pa ni Aeun na naka crossarms na, "Anong problema mo?"
"May bagong binigay si Zhuxi sa'kin, yung Paradise Island Resort dito sa Italy." Nanlulumong sabi ko, kita ko na tumaas ang isang kilay ni Aeun nang marinig niya 'yon.
"Huh? Di ba kay Marcus 'yon?" Takang tanong niya, napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya.
"Oo, kaso pinaalis ni Zhuxi dahil siguro napaka dami na n'yang kapalpakan." Napahilot ako sa sentido habang iniisip ang mga pinag usapan kanina.
"Nasan na si Marcus ngayon?" Patuloy ni Aeun sa pag tatamong.
"Nasa Pilipinas daw."
"Oh? Mukhang wala ka na talagang kawala, ikaw na talaga ang mag ma'manage ng resort." Napabuntong hininga si Aeun at ngumisi, "Nakaka excite naman kung ano na naman kayang bago mong katangahan na gagawin."
"Pwede ba Ae!" Ngusong reklamo ko, nag kibit balikat lang siya at hindi na nag salita.
"Sige na maiiwan na muna kita, mag luksa ka muna dyan. Mag kakaroon pala ng meeting ang CAVA Corp pagkatapos ng dalawang oras. Pupunta ka ba?"
"Hindi ko alam." Napayuko ako at tinungo ang ulo sa mesa. "Kailangan ba pumunta pa ako? Andon naman si Bryle eh. Pwede naman niya sabihin sa'kin ang nangyari sa meeting mamaya"
"You'll be the representative of the Lee Corp, Eli. Ano bang iniisip mo?" Tiningnan ko lang siya at hindi na sumagot pa, "Sige na, alis na ko. Kung pupunta ka sasamahan kita."
"Really?"
"Of course. I'm the Secretary, remember?" Ismid niya sa'kin at tinalikuran ako. "Sige na, mamaya na lang ulit. Babalikan kita, may kukuhain lang akong papel na kailangan mong trabahuin ngayong araw." Mas lalo ata akong nanlumo,
Hay! Wala na naman akong pahinga!
Imbis na mag reklamo ako ng paulit ulit ay hindi ko na lang ginawa. Mayamaya ay dumating na ulit si Aeun sa'king opisina at binigay sa'kin ang sandamakmak na papel na kailangan kong asikasuhin. Sinama niya na rin ang mga pinadala ni Mngr Fort sa'kin. Napapahilot na lang ako sa sentido nang mag simula na akong mag focus doon.
Paano pa bukas? Kailangan ko nang asikasuhin ang resort na ibinigay sa'kin ng Zhuxi. Hay nakakainis!
Napanguso ako nang ma'realize kong tatlo lang ang magiging negosyo na hawak ko, samantalang si Bryle lima. Bakit ako nag rereklamo? Si Bryle nga nakakaya niya yung lima na hawak niya ngayon. Napanguso na lang ako sa mga naiisip ko, sa huli ay isinantabi ko na lang lahat ng reklamo ko.
Isa't kalahating oras ang nakalipas nang mapatingin ako sa wristwatch ko. Tapos ko na ang kalahati sa tinatrabaho ko kaya tipid akong napangiti.
Kinuha ko ang telepono sa mesa at tinawagan si Aeun para papuntahin sa'king opisina. Nang makapasok siya ay ibinigay ko na sa kanya ang mga natapos kong trabaho, tumingin ulit ako sa oras bago muling mag salita.
"Aabot pa naman siguro tayo sa meeting, right?" I asked Aeun and she immediately nodded.
"Of course, Eli. Hindi naman malayo ang CAVA Corp sa opisina ng Lee's Corp." Sagot niya kaya napatango ako, kinuha ko ang bag ko at nag simula nang maglakad palabas ng opisina.
BINABASA MO ANG
DESTINED VOWS
RomanceKUWEI SERIES 2 | HOT GENTLEMEN SERIES 1 ••READ AT YOUR OWN RISK•• Felicity Rose is the pampered daughter of one of the Lee family members. She is the youngest and has been selected to inherit a resort due to her exceptional business acumen within th...