CHAPTER 31: Feelings

100 19 0
                                    

CHAPTER 31: Feelings

Sa dami ata ng ininom kong alak ay damang dama ko na ang pag ikot ng mundo. Hindi ko naman gustong mag pakalasing, sadyang inis na inis lang ako kaya hindi ko rin pinipigilan ang sarili kong uminom ng uminom ng alak. Gusto ko munang kumalma, kahit na alam kong hindi naman ako kakalma sa ganitong paraan.

Ilang oras na akong nandito sa clubhouse at patuloy lang sa pag inom. Umaalis alis si Haze dahil tinatawag siya paminsan minsan ng kanyang mga kasama dito sa clubhouse, si Aeun naman gumagawa ng kung ano sa laptop niya. Siguradong trabaho 'yon at ginagawa niya 'yon habang umiinom ng alak, ako naman ito tahimik lang na umiinom habang nakatitig sa movie na pinapanood ko sa flat screen TV.

Ang dami ko na sigurong nainom, hindi na maalis sa'kin ang pagkahilo, kahit nakaupo lang naman ako ay ramdam na ramdam ko parin na nahihilo ako. Sumandal ako sa upuan at tiningnan ang kisame, gusto ko pang uminom..

"Eli, ayos ka lang ba dito? Kailangan ko ulit lumabas. Tumatawag na naman sa'kin ang pinsan ko, kanina pa 'to na kinukulit ako eh. Tanong ng tanong sa'kin tungkol sa project niya."

"Sige lang." Tipid na sagot ko, kinuha ni Aeun ang kanyang phone na tumutunog at naglakad ito palabas. Naiwan akong mag isa kaya mabilis akong napapikit,

"Are you okay?" Mayamaya ay may narinig akong nagsalita. Napatingin ako rito, si Bryle ba 'to? Ah.. "Tigilan mo na pag inom mo Babe, para ka nang naka drugs sa hitsura mo." Nag aalalang sambit ni Bryle. Napasmirk ako, bakit naman ako tinatawag na Babe ni Bryle? Tsk! Akala ba niya mapapalitan niya si Haze sa buhay ko?

Sino ba siya!? Ha! Akala niya mapapasunod pa niya ako!? Ha! Asa!

Baka si Felicity Rose Lee ako!

Kaya ko ang sarili ko dahil strong independent woman ang mga magagandang katulad ko!

Ha! Anong tumigil sa pag inom?

Ikaw ang tumigil! Ha..

"Babe?" Lumapit na siya sa'kin at hinawakan ang bote na hawak ko, napatingin ako ng masama sa kanya. Nakakainis na 'to si Bryle! Lahat na lang gustong siya nasusunod! Saka bakit ba Babe siya ng Babe!? Wife ang tawag niya sa'kin ah!?

Gusto ko s'yang sapakin, pero mas gusto kong uminom..

Akmang kukuhain ko ulit ang bote na inagaw niya nang mabilis niya akong hinawakan sa mga pisngi at iniharap sa kanya, napatitig tuloy ako sa mukha niya.

"Babe? Back to your senses. Stop drinking, lasing ka na." Nag aalalang sabi niya, "Come on, let's go. I'll take you home." Dagdag pa niya.

Oh..

Si Haze pala ito..

Ang best friend ko na gusto ko ng matagal na panahon na..

Ang lalaking ka fixed marriage ko..

Ah..

Si Haze Trevor Duke..

Wala sa sariling hinigit ko ang kwelyo niya at inilapit siya sa'kin dahilan upang biglang lumapat ang labi niya sa'kin, kakaiba ang pakiramdam nang maramdaman kong nag dikit ang mga labi naming dalawa.

Ito ang pakiramdam na mahalikan ng isang Haze Trevor Duke..

Kumilos ako para siilin siya ng halik, hindi kumikilos si Haze dahil para s'yang nagulat at natulala sa nangyari. Hindi ko pinansin ang pagkatitig niya sa'kin, mabilis kong hinawakan ang mga pisngi niya at ginabayan ang mga labi niya upang sumabay sa'king mga halik. Mayamaya lang ay unti unti na rin s'yang kumilos.

DESTINED VOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon