CHAPTER 17: Bracelet

89 21 1
                                    

CHAPTER 17: Bracelet

Inis kong pinag patuloy ang aking trabaho at pilit na inalis ang ginawang kalokohan ni Bryle sa'kin dito mismo sa opisina ko. Naging normal ang maghapong pagtatrabaho at ngayon ay pauwi na ako sa'ming bahay.

Pagkarating ko ay wala si Bryle sa bahay, may luto nang kanin at ulam sa kitchen at may note s'yang iniwan sa ibabaw ng mesa. Binasa ko 'yon,

Eat up wife, I'm going to an urgent meeting. Stay safe and have a good night.

-your husband.

Napangiwi ako sa sulat niya.

Gabi na may meeting pa siya!?

Ha! Dapat sinama niya ako!

Teka? Bakit ka naman niya isasama?

Ah basta! Naiinis parin ako!

Bakit ako naiinis!?

Dahil sa ginawa niya kanina sa office o dahil umalis siya at pinapakain niya ako ng dinner mag isa?

Ah basta naiinis ako!

Argh!

Hindi manlang magawang tumawag, kailangan talaga sulat!?

Nakakainis ka talaga Bryle Calixus Caje!

Humanda ka sa'kin pag uwi mo!

Inis kong binaba ang bag ko sa mesa at sumandok na lang ng makakain. Kakain ako mag isa dahil 'yon ang sinabi ni Bryle. Kahit naiinis ako ay nakakaramdam parin ako ng tuwa dahil kahit na umalis siya at inuna ang trabaho niya ay hindi parin niya ako nakalimutan, nag handa pa siya ng makakain ko at nag iwan pa siya ng letter. Hay naman! Ito na ba ang tinatawag nilang marupok!?

Marupok ako pag dating kay Bryle!?

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na rin ang mga pinag kainan ko. Matapos ko mag linis ng kusina ay umakyat na rin ako sa second floor at tinungo ang kwarto. Nag linis ng katawan at nang magawa na lahat ng routine ko sa gabi ay nahiga na ako sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame, lumulutang ang isipan.

Bakit parang ang lungkot kapag wala si Bryle sa paligid?

O dahil wala lang akong kasama sa bahay kaya ganito ang nararamdaman ko?

Napailing ako sa mga naiisip ko at umupo sa kama. Hindi ako makakatulog nito! Kailangan kong may gawin!

Bigla ko na lang naalala yung kwarto na tinuro ni Bryle nung unang beses kong makatapak sa bahay niya. Sinabi niya na kapag hindi pa ako handa na tabihan siya sa pag tulog ay doon daw ako matulog sa kabilang kwarto. Na'curious tuloy ako kung anong nasa loob ng kwarto na 'yon,

Wala sa sariling tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto. Napatitig ako sa pintuan na tinuro ni Bryle, katapat lang ito ng kwarto namin. Lumapit ako doon at marahang binuksan ang pinto, doon tumambad sa'kin ang napaka gandang silid. May master's bedroom rin, carpeted pa, may malaking kurtina sa bawat gilid ng kama may malaking sofa sa gilid, may office table, swivel chair, flat screen TV. May dalawang pinto sa kaliwa na mukhang CR at walk-in closet, at ang nakakamangha pa rito ay ang kulay ng paligid halos lahat ng makita ko sa loob ng kwartong ito ay nag lalaro lang sa kulay na light green at white. Napangiti ako ng tipid, bakit hindi niya ito pinakita sa'kin?

Naglakad ako papasok ng kwarto at sinimulang busugin ang sarili ko sa pag tanaw sa kabuohan nito. Lalo akong napangiti nang makita kong may art materials sa sulok,

Napatingin ako sa mga kamay ko..

Ilang linggo na kong hindi nag pipinta..

Siguro dapat ko ulit subukang gumawa ngayon?

DESTINED VOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon