CHAPTER 39: Phone
Nagpaalam ako kay Bryle na makikipag kita muna ako kay Aeun kaya pinayagan naman niya akong umalis sa tabi niya.
Nakipagkita ako kay Haze sa mismong bahay niya kasama si Aeun, wala kasi akong ibang choice kun'di ang isama si Aeun. Ayoko namang isipin ni Bryle na pumupunta ako sa bahay ng boy best friend ko ng ako lang ang mag-isa. Kaya sinama ko na lang si Aeun para wala s'yang masabing masama.
"Let's eat," anunsyo ni Haze sa'min ni Aeun nang mailapag niya ang pizza sa mesa at pati na rin ang juice na kakabukas niya lang. "Sorry Ae, nadamay ka pa." Baling ni Haze, alam n'yang sinama ko rito si Aeun para hindi magalit si Bryle.
"It's fine. Wala rin naman akong ginagawa kaya okay lang na sumama ako sainyo." Walang interes na sabi ni Aeun at nagsimula na s'yang kumain.
Napabuntong hininga si Haze at bumaling na sa'kin, napalunok tuloy ako. Ano bang sasabihin niya?
"Babe, Chairman Lee called me and said he wants to introduce me to your other relatives." Panimula ni Haze habang bahagyang nakangiti, "Habang maaga pa lang... Kailangan mo nang umamin sakanya, Babe. Para hindi na mas maging komplikado ang sitwasyon." Napabuntong hininga si Haze matapos niya 'yon sabihin.
"May point si Haze, Eli. Kailangan mo nang sabihin ang totoo sa Chairman Lee, dahil kapag pinatagal mo pa mas lalong magagalit ang Chairman sa'yo." Napanguso ako sa sinabi ni Aeun. Alam ko naman 'yon..
"Tingin ko, hindi naman magagalit si Chairman Lee na pinili mo si Bryle kaysa sa'kin," napatingin ako kay Haze nang sabihin niya 'yon, "The Caje Clan has been a long-time business partner of the Lee businesses. That's why he will accept Bryle for you. Plus, I already mentioned to you before that Bryle is one of the members of the HGS Clan. Once Chairman Lee finds out that Bryle is part of that Clan, siguradong approve na approve na ang relasyon n'yong dalawa." Mahabang paliwanag ni Haze, natawa naman si Aeun kaya sakanya naman ako napatingin.
"May point si Haze, isa pa mahal mo naman na si Bryle kaya bakit ka pa hahadlangan ng Chairman Lee di ba? Hindi naman siya mahigpit sa'yo, sinusunod mo lahat ng gusto niya mula bata ka pa, kaya tingin ko hahayaan ka rin n'yang mamili ng mamahalin mo." Aeun casually explained. Napayuko na lang ako at tinitigan ang pizza na nasa mesa.
Ang daming sinabi ng dalawang 'to, akala naman nila madali lang mag paliwanag kay Zhuxi...
Saka hindi ba nagseselos si Haze? Bakit ang kalmado niya sa usaping 'to? Di ba sinabi ko sa kanya nung nakaraan na gusto ko siya? Bakit parang okay lang ngayon sa kanya na may iba na akong mahal ngayon?
Napabuntong hininga na lang ako sa'king mga naiisip. Hindi ko na siguro dapat pang isipin ang bagay na 'to, parang hindi ko na dapat pang alamin ang rason niya.
Matapos naming mag-usap ay nag paalam na rin kami ni Aeun kay Haze bumalik kami sa Lee Corp at doon ko na lang tinuloy ang trabaho ko. Sabi kasi ni Bryle susunduin na lang niya ako mamayang six o'clock ng hapon sa Lee Corp at nag sasabi nga siya ng totoo dahil pagpatak pa lang ng alasais ay dumating na siya sa opisina ko. May dala s'yang box ng donut at isang mango juice. Napangiti ako nang lumapit siya sa'kin at bigyan ako ng isang halik sa noo.
"Are you done with your work? Shall we go home?" Tanong niya sa'kin, tumango naman ako at tiningnan ang dala n'yang pagkain, "Just eat that in the car while we're on our way home." Sabi niya saka kinuha ang bag ko at sinenyasan ako. Tumango naman ako at dinampot ang mango juice na binili niya bago ako sumunod sa kanya palabas ng opisina.
"Wife, Brianna will come to the house tomorrow. I will introduce you to her." Nakangiting sabi ni Bryle, napatingin naman ako sa kanya at kumunot noo.
"Sino naman si Brianna?" Takang tanong ko. Sinulyapan niya ako saglit pagkatapos ay binalik ang tingin sa daan.
BINABASA MO ANG
DESTINED VOWS
عاطفيةKUWEI SERIES 2 | HOT GENTLEMEN SERIES 1 ••READ AT YOUR OWN RISK•• Felicity Rose is the pampered daughter of one of the Lee family members. She is the youngest and has been selected to inherit a resort due to her exceptional business acumen within th...