CHAPTER 6: Ring

134 43 24
                                    

CHAPTER 6: Ring

I leaned back in my swivel chair as I felt tired. With the amount of work that Aeun piled on me, I think I deserve to take a break now.

Napanguso ako at tiningnan ang oras sa wristwatch ko. Malapit na mag lunch break, mukhang hindi ako sasamahan ng best friend ko dahil marami itong inaasikaso para mapadali ang trabaho ko.

Napa halumbaba na lang ako at pinagmasdan ang kisame habang nag iisip ng gagawin.

Ano kayang masarap na kainin?

Aha! Alam ko na! Ang unang pumasok sa isipan ko, yun ang kakainin ko!

What a brilliant idea, tama? Right!

Tumunog ang phone ko, doon napunta ang atensyon ko. Unregistered number ang bumungad sa ID Caller, napakunot noo ako at mabilis namang sinagot ito.

"Hello?"

["I'm on my way to pick you up, we're going out."] Pamilyar na boses, hindi kaya..

Si Bryle!?

Paano niya nakuha ang number ko!?

"Teka? Saan naman tayo pupunta?" Takang tanong ko.

["Hintayin mo ako d'yan."] Yun lang ang isinagot niya sa'kin, pagkatapos ay binabaan na ako.

Napangiwi na lang ako nang mawala na siya sa screen ng phone ko.

Hmm.. Save ko nga ang number niya,

Typing...

"Sungit," basa ko sa inilagay kong pangalan ni Bryle sa'king phone.

Walang basagan ng trip, gandang tawag 'to sakanya, tama? Right!

Biglang pumasok si Aeun sa aking opisina kaya sakanya naman ako napatingin.

"Eli, kumain na tayo." Napangiti ako nang alukin niya ako na mag lunch kasama niya. Akala ko talaga mag papaka'busy lang siya maghapon at hindi na ako sasamahang kumain.

"Sure, Ae! Tara!" Masiglang sagot ko at naglakad ako pasunod kay Aeun. Nag punta na kami sa elevator at bumaba ng first floor, dumiretso kami sa labas para kumain sa katapat lang na fast-food. Nag order kami ng pancit at pizza.

"Madaming nawalan ng gamit sa HR kanina, mukhang may mga nag nanakaw sa department nila.." panimula ni Aeun sa pag kukwento.

"Ano namang nawala?" Tanong ko, halata ang pagka walang gana ko sa aking reaksyon. Napakunot noo ako nang hindi agad sumagot si Aeun.

"The papers they are working on," napabuntong hininga si Aeun at tinuon ang atensyon sa kanyang pagkain. "May mga nagsasabi na baka napag kakaisahan lang sila ng kung sino para mapagalitan sa opisina. Ang ilan naman ay yung mga nawalan pa ang sinisisi nila dahil nawala ang mga gamit nila."

"Kung ano man ang dahilan ng nangyari hindi na yun mahalaga," napatingin si Aeun sa'kin nang sabihin ko ang linyang 'yon. "Dahil ang point lang naman dito ay nawawalan sila ng gamit, kaya dapat na managot ang kung sino mang gumagawa ng bagay na yun sa mga tao dun."

"Yeah right," sang ayon ni Aeun.

"Ang mabuti pa ay gumawa na tayo agad ng aksyon, review the CCTV, pagkatapos hanapin kung sino ang may sala sa nangyayari doon. Ipadala sa opisina ko ang taong 'yon, kakausapin ko siya kung bakit niya 'yon ginagawa." Napangiti si Aeun sa sinabi ko. Alam kong natutuwa siya sa narinig niya mula sa'kin.

Well, Aeun is not the only reason why I am one of the best businesswomen. I can also come up with impromptu solutions, although sometimes I cannot do it because my panic comes before my thinking.

DESTINED VOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon