CHAPTER 50: Deja Vu

21 4 0
                                    

CHAPTER 50: Deja Vu

"Cheers!" Sabay sabay nilang sambit matapos itaas ang mga wine glass na kanilang hawak hawak.

Nakangiting tumingin si Zeke sa mga kaibigan, "I am delighted to inform you that our project in Poland was successful. Their President wanted to thank us, but I declined to have contact with them." Huminto ito sandali upang huminga ng malalim, "Good job to all of us, more projects to come."

"Basta mga plano mo, hindi pumapalpak." Nakangising komento naman ni Kurt, sumandal ito sa inuupuan n'yang sofa at napabuntong hininga. "Kapag kasi kami ang nag plano, palagi na lang palpak."

"Tanga ka kasi mag plano, 'yon lang 'yon!" Mabilis na pambabra naman ni Kaizer sa kanya. Nag tawanan sila maliban na lang kila Zeke at Claude na nanatiling nakikinig lang sa usapan.

"Kaya nga sobrang thankful ako dahil hindi ako leader sa grupo na'tin! Kung ako yan? Siguradong stress na stress na ako. Lalo na at araw araw kong nadidinig at nakikita yang mukha mo!" Singhal naman ni Kurt kay Kaizer mas lalo lang umingay ang paligid nang muli silang mag tawanan.

"Grabe ka naman mag salita, hindi naman mukhang nakaka stress ang mukha ni Kaizer ah? Cute nga niya eh, mukhang dumi na tinubuan ng mukha." Kantyaw naman ni Levi at muli na naman silang nag tawanan.

Nasa pinaka tuktok sila ng penthouse ng hotel kung saan palagi nilang pinag tatambayan. Narito sila ngayon sa Las Vegas at penthouse ito ni Zeke. Dito rin nila naisipang mag palipas ng oras at mag celebrate na rin sa isa na naman nilang tagumpay sa kanilang proyekto.

Napapadalas ang kanilang mga proyekto at nakakatuwang isipin na sa tuwing nag kakaroon sila ng malalaking proyekto ay hindi ito nagkakaroon ng problema. Tumatakbo ito ng maayos at nagtatagumpay gaya ng palagi nilang inaasahan.

"Magkakaroon na naman tayo ng meeting bukas, kailan ba sasama sa'tin si Calix? Hindi na siya nakikisali sa mga meeting ah? Masyado bang hectic ang schedule niya, Vale?" Takang tanong ni Kaizer napatingin naman si Vale sa binata at awkward na natawa.

"Hindi ko hawak ang schedule niya, pero tingin ko nga masyado s'yang busy ngayong buwan. May hinahabol s'yang project sa bago n'yang company na kailangan n'yang matapos agad." Sandaling huminto sa pagsasalita si Vale at sumimsim ng wine. "Pwede naman natin s'yang dalawin, ano? Game ba kayo?"

"Oo naman, nakakamiss na rin ah? Mula  nung huling beses s'yang nakipag usap sa'tin," Si Kurt.

"Yeah right, it's been what? Two years since the last meeting na sumama siya. Mula nang mag tayo siya ng bagong company ay naging mas madalang na s'yang sumama satin. Pakiramdam ko tuloy umiiwas na siya sa'tin," Buntong hiningang sambit ni Kaizer. "Kayo kasi masyado kayong bad influence kaya ayaw niya sumama baka mahawa siya sa mga masasamang gawain niyo."

"Ay wow? Sayo pa talaga nang galing yung salitang bad influence, Kaizer? Talaga ba?" Pang-iinis naman ni Levi.

"Syempre ililigtas ko yung sarili ko, alangan sisihin ko din. Mukha naman akong tanga non." Ngiwing asik ni Kaizer at nagtawanan naman ang mga kaibigan nila na nakikinig sa usapan nila.

"Alam niyo kayong dalawa, kaya siguro kayo hindi pa nag kaka'girlfriend kasi baka para talaga kayo sa isa't isa-----" pang aasar ni Kurt na mabilis namang pinutol ni Kaizer.

"Nako! Tigil tigilan mo ang kakaganyan mo! Walang para sa isa't isa!" Ismid na singhal ni Kaizer, "H'wag mong sabihing fan ka na ngayon ng Bl," dagdag pa niya na ikinatawa na naman nila. Napangiwi si Kurt sa sinabi ni Kaizer.

"Hindi ako mahilig sa dalawang tite na nag e'espadahan, gago ka ba?" Kasabay ng sagot ni Kurt kay Kaizer ay ang muli na namang pagtawa nilang mag kakaibigan. Napailing na lang si Vale sa mga naririnig niya sa mga ito. Ibang klase talaga ang mga linyahan ng mga kaibigan niya, napaka dumi.

DESTINED VOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon