CHAPTER 13: Nothing
Nagising ako sa isang sunod sunod na pag tapik sa'king balikat. Unti unti kong binuksan ang aking mga mata at tiningnan ang kanina pa gumigising sa'kin, si Bryle..
"Wake up, you need to prepare for the meeting at Blu Arte's." Sambit nito na agad ikinabangon ko.
Oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan, may magaganap pala na meeting sa Blu Arte's para sa launching ng museum! Bakit ba hindi ako nag alarm!? Yan tuloy hindi ako nagising agad!
"Teka? Paano mo pala nalaman na may meeting ako?" Bumaling ako kay Bryle na papalabas na ng kwarto. Nilingon niya ako at nag kibit balikat,
"I asked your best friend about your schedule, so I found out." Tumalikod na ito at muling naglakad, "Hurry up, we still need to eat breakfast." Doon ko lang rin napansin na naka ayos na si Bryle, wala lang s'yang polo at suit. Tanging apron lang ang suot nito kaya naman kitang kita ang kanyang mga muscle sa kanyang likuran.
Hay napaka sexy talaga!
Ano ba kakagising mo lang Felicity! Umayos ka nga!
Halos gusto kong mapangiwi dahil sa sinabi sa'kin ni Bryle, hindi ko alam. Bakit naman pati schedule ko kailangan pa n'yang malaman? Hay kainis naman!
Napailing ako at nag pasya na lang na mag ayos ng sarili, tama si Bryle kailangan ko na kumilos dahil baka ma'late pa ako sa meeting ko.
Ilang minuto ang lumipas ay tapos na agad akong mag ayos, napangisi ako nang maisuot ko ang biniling dress ni Bryle. Walang duda magaling talaga siya pumili ng mga design, kahit sa damit ay talaga namang nakakamangha ang tastes nito.
Halos takbuhin ko ang dining area para lang makarating agad. Napaka laki kasi ng bahay ni Bryle kaya kung maglalakad ako ng normal siguradong ilang minuto rin ang masasayang ko.
Hehe talino ko talaga..
"Pft. Why are you running?" Takang tanong ni Bryle nang mapatingin siya sa'kin, huminto ako sa tapat niya habol habol ang hiningang nakahawak ako sa mga tuhod ko. Umayos ako ng pagkakatayo at pa'sexy'ng nag lakad papunta sa isang silya. Tumaas ang kilay ni Bryle habang pinapanood ang kilos ko.
"Wala lang, masama ba? Exercise din 'to 'no!" Depensa ko at kumuha na agad ng ham saka ipinalaman sa tinapay. Gumawa ako ng sandwich dahil may mga ingredients sa mesa, ham, egg, mayonnaise, hotdogs. Ah, ang saya! Hindi ako ganito kumain sa bahay ko sadyang nakaka'tempt lang kumain dahil si Bryle ang nag luto nito.
Wait, what?
Napailing ako sa'king naiisip, ano ba naman 'tong utak ko puro na lang Bryle ang sinasabi. Hindi na talaga healthy 'to!
"Felicity," nilingon ko si Bryle nang tawagin niya ang pangalan ko, "Do you have any idea who's Mr. Riego is?" Tanong niya, sandali naman akong mapaisip sa tanong niya bago magsalita.
"Mmm, kilala ko lang siya sa pangalan. Magaling na businessman, may dalawang hotel na kilala dito sa Italy, 'yon lang. Bakit?" Takang tanong ko. Sandaling nakatitig si Bryle sa'kin bago ito mapabuntong hininga at inalis ang tingin sa'kin.
"Don't get closer to him." He said firmly, nagtaka ako sa tono ng pananalita niya pero hindi ko na lang 'yon pinansin, mukhang hindi niya gusto ang ugali ni Mr. Riego na naka meeting namin.
Matapos namin mag breakfast nag ayos na si Bryle ng kanyang sarili, ako naman ay nag check ng emails ko habang hinihintay si Bryle dito sa sala.
Nakauwi na pala sa Pilipinas si Floryn, so ilang buwan ko rin ata siya hindi makikita..
![](https://img.wattpad.com/cover/368761967-288-k819168.jpg)
BINABASA MO ANG
DESTINED VOWS
RomanceKUWEI SERIES 2 | HOT GENTLEMEN SERIES 1 ••READ AT YOUR OWN RISK•• Felicity Rose is the pampered daughter of one of the Lee family members. She is the youngest and has been selected to inherit a resort due to her exceptional business acumen within th...