Yugi's POV
Walang imik ang tiktik na nasa likod ko habang humahawak sa balikat ko. Natatakot nga ako na ano mang oras ay babaon sa balikat ko ang kuko niya at sasabihin niyang nauuhaw na siya kaya ang dugo ko na ang pagdiskitahan niya! My God! Gusto ko pa talaga mabuhay! Gusto ko pa makita ang lahi ko. Hindi p ako pwedeng mamatay, virgin pa nga ako eh!
(Author: Wee?)
OO, totoo 'yon... kung good boy kaya ako!
Hayaan na natin ang ating praning na author dahil mukhang wala siya sa mood magsulat ngayon. Depress kasi siya!
By the way, balik tayo dito sa mapait, malupit , at kaawa-awa kong sitwasyon. Dahil sa nagmamadali akong mahatid ko na itong tiktik na bampirang ito sa bahay nila at makauwi naman na ko sa bahay namin at maramdaman ko naman ang katiwasayan ng aking pamumuhay, binibilisan ko talaga ang pagpatakbo ng motor ko!
"Gusto mo 'atang tumilapon ang laman ng utak ko sa bilis ng pagpatakbo mo?"
Sigaw niya sa tenga ko at dahil napalapit ng bunganga niya, ramdam ko ang init! Nyay! Kung mga chicks sana 'to kikiligin ako eh, kaso isa kasing bampira ang angkas ko! Baka nga mabaho pa ang hininga nito dahil sa atay at dugo ang kunsumo sa araw-araw!
"Kung hindi mo pa babagalan, sipsipin ko ang kalahati ng dugo mo!"- siya
Waahhhh... Ano ba ang buhay ko na 'to! Binagalan ko na nga! Ayong mabagal na mabagal. Parang pumaparada sa patay! Ayan na!
Hindi nalang kasi lumipad eh! Di ba ang mga tiktik naman ay nkakalipad? Sinayang lang ang gas ko! Pero hindi naman ako makareklamo dahil baka hindi lang kalahati ng dugo ko ang sisipsipin niya, baka ubusin niya!
Dumaan kami maraming kabahayan. Maraming aso!
Tinahol kami ng tinahol!
At...at... Waaaahhhhh....
Bigla lang naman ako niyakap ng wakwak! Ah, nang tiktik pala...ah hindi, ng bampira pala!
Nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa kili-kili dahil sa takot! Walang kasing lamig naman niya! Bakit pa niya ako kailangan na yakapin?
"Ah...eh..."-ako
"Wag ka magreklamo! At kung hindi mo pa bilisan ang takbo ng motor mo, talagang kakainin na kita!"-siya
Grrrr.... Kakaasar naman! Waaahhhh...iiyak na ako eh! Ito na nga ang manyayakap, ito pa ang may ganang magalit! Ako kaya ang namolestiya!
Binilisan ko na nga lang. Bawal galitin ang aswang na ito, at baka nga hindi ko na makita si haring araw sa kinabukasan!
Waaa... author, please ibahin niyo na ang istorya ko...maawa na kayo..ayaw ko na nito!
Kahit ano pa ata ang pakiusap ko dito sa author natin, malupit talaga siya, ayaw niyang palitan ang kwento ko, sadyang wala siyang awa sa isang katulad ko na gwapo at mabait at masunurin at isang yaman ng bayan!
(Author: Oh di wow !)
Dumating kami sa bahay nila. Hindi pa siya bumaba at patuloy pa rin nakayakap sa akin.
"Hoy, bumaba ka na."-ako
Nagpakandasarap siya sa yakap sa akin ha! Mahal kaya ang yakap ko! Tapos, siya free lang? aba, swerti ito ah!
Bumaba siya.
Hinarap niya ako. Nyay! Katakot naman..bakit kasi hindi nito pinapakita ang mukha? Parang si Sadako na natakot sa kapwa Sadako kaya nawalan ng mukha!
"Akin na ang number mo"- parang robot niyang utos
"Bakit?'- ako
"Bakit? Sundin mo nalang."- walang kabuhay-buhay pa rin niyang sabi
"Aba, syempre number ko kaya 'yon kaya may karapatan akong tanungin."- ako
"ba't nagsusuplado ka?"-siya
"Ah, eh...'wag ka na magalit...ang sa akin lang naman ay—"
"Akin na ang number mo para matawagan kita kung kailangan ko ang serbisyo mo."- flat niyang sabi
"Ano????" My god, Author naman! Hindi pa tapos ang impyerno na ito? Waaaahhhhh...
"Bakit? May reklamo?"
"W-wala..hehehe... 09875821931284y24895, yan ang number ko."-ako
"Siguradohin mong tama dahil kung hindi, pupuntahan kita mamaya...at mula sa bubong niyo, iwagayway ko lang ang dila ko at mahahanap na ng dila ko ang atay mo! Bwhahahaha"- siya
Nyay!!! Ayaw ko na....Tama na...
"T-tama naman ah..."-ako
"Mabuti. Isa pa pala...puntahan mo ako dito sa tuwing wala lang ang kuya ko. Intsindis?"
Mabilis naman ang tango ko.
"Humayo ka na isang nilalang."-siya
Lunok ako ng lunok habang tango-tango ako.
"K-kabisado mo na ba ang number ko?"-ako
"What do you think of me? My mind's sharp!"
"Wow! English? Sa'n ka natuto?"
Tumalikod na siya.
Psh... langya na bampirang ito. Pagkatapos akong gamitin...pagkatapos akong pagsamantalahan, wala man lang thank you?
"Thank you ha!"-sigaw ko sa kanya.
Aish..buhay! Kung hindi ko lang masyadong mahalsarili ko...ayaw ko na sa bampirang ito! Pero paano kung pupunthan nga niya akoat kakainin ang atay ko? Paano kung sugu-in niya ang kanyang mga kampon nakalabira na takutin ako? Paano na...Paano na Author???Maawa ka!!!
BINABASA MO ANG
My weird girlfriend
RomanceUwaaaahhhhhhhhhh.... Ayaw ko sa kanya...kakatakot siya! pagkain niya atay, iniinom niya dugo. Tiinutulugan niya kabaong, laruan niya mga bungo! Ayaw ko sa kanya... Grabi ang kaba ng puso pag nakikita ko siya. Ta's nakita ko mukha niya, nakita ko m...
