malas na buhay

774 29 5
                                    

Lei's POV

Nakakatawa ang lalaking iyon! Pero dapat lang na matakot siya sa akin para sumunod siya sa akin kagustuhan. Nagyon na alam ko na ang kanyang kahinaan, madali ko na siyang mapasunod sa gusto kong mangyari! Bwahahahaha!

"Leah?" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si kuya.

"Gutom ka ba?" umiling ako. Si kuya ay iisa lamang sa mga iilang taong nagmamahal sa akin. OO nga naman, sino ba ang magmamahal sa akin? Ang pangit-pangit ko kaya at nakakatakot pa. Pero si kuya, kung ano man ang gusto ko, sinusunod niya. Kahit na nga gusto nina mommy't daddy na sa Canada kami pero dahil ayaw ko, sinamahan ako ni kuya.

"how's your day?" sabay akbay niya sa akin.

Napa-smile ako.

"something must be amusing, care to tell me?" malambing na sabi niya. Si kuya lang ang nakakakita ng mukha ko at si teacher dahil sila lang naman ang di natatakot sa akin.

"your friend's funny"

Nag-isang linya kaagad ang kilay niya.

"who's friend?"

"'yong may-ari kay Elizabeth"

"Elizabeth?"

"'yong motor."

"Ha? Hahahahaha! Elizabeth ang pangalan ng motor ni Yugi, may pangalan pala ang motor niya! Hahaha"

"hmmm... so his name is Yugi?"

"yup, you seem interested with him"

"hindi ah.."

"dapat hindi lang talaga! Ang daming girlfriend non!"

"wag ka mag-alala kuya, isang tingin niya lang sa akin, nanginginig na 'yon eh, walang kasing duwag"

"duwag talaga 'yon, why is he funny pala?"

"dahil nakakatawa siya"

"nice answer dear. Just call me if you're hungry"

"okay"

"by the way, napunta na ba dito si teacher?"

"hindi pa...Im actually waiting for him"

"okay, just tell me kung may gusto kang ipaturo, okey?"

Tumango lang ako. He kissed on my forehead then went away. Actually gusto ko talaga sana magpaturo sa kanya pero alam kong marami ginagawa si kuya. Bakit naman kasi napakaperfect ng kuya ko? Napakatalino na, gwapo pa at saka mabait kaya dapat di siya lolokohin ng babaeng mamahalin niya! Dahil kung mangyayari 'yon, kakainin ko atay niya! Bwahahahaha.

Yugi's POV

Kainis naman si ate Yuma, sabi ko sa kanya sasamahan niya ako mamaya na kukunin ang motor ko, sabi busy daw. Kaasar!

"Yugi!" tawag sa akin ni Copper.

Nakita ko sila na andon na sa tambayan namin. Pati si Mat. Hay aywan, makita ko pa lang si Mat, naalala ko na ang kapatid niyang white lady. Katakot!

"oh, ba't kay aga, nakasimangot ka"- Alex

"wala"-ako

"nanaginip yan ng bampira! Hahaha"- Paolo . Ta's nag- acting-acting pa siya na takot na takot. "I'm scared I'm scared!" sabi pa nito. Sarap piktusan eh.

"para ka talagang bata Paolo!" ta's sinipa ni Alex

"psh, ba't ka naninipa? Ayyy.. kung di ka lang babae eh"- sabay kunwaring suntok kay Alex

My weird girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon