Kayla's POV
'I like someone else'
naibungat ko ng wala sa oras.
Bahala na si Batman. Ang hirap-hirap na ng buhay ko. ayaw ko na maging cupid ni Yugi at Lei. Ayaw ko na makipag-bangayan sa sungit na ito na napaka-conceited na akala mo hari na siya msusunod sa lahat.
I looked at him. I waited for him to react to it.
'Matt?'- boses ng isang babae yong pumutol sa kung anomang awkwardness ng sitwasyon namin.
'Ann!'- sabay tayo ni Matteo
Ann? sino siya?
Matteo smiled at her.Genuinely. and with fondness.
Isang beses ko lang nakita maging soft si Matteo- yong mula sa pagiging heneral na masungit na beast sa palasyo kung saan nakakulong si Belle (Beauty and the Beast), ay naging isang maamong prinsipe. Isang beses lang, noong kausap niya si Lei doon sa garden noong ininterview ko siya.
I saw in his eyes how much he cared for his sister. Ang sarap siguro pag may kuya na nag-aalaga sayo.
At kahit ayaw ko aminin, I sure admired Matteo for that.
Only for that. At isa pa kapatid niya yon. Natural sa mga tao na maging mabait sa kanilang mga mahal sa buhay.
But his true color comes out kung nasa labas siya, kung kausap niya ang mga tao, at syempre kasama ako don. tapos sabihin niya na gusto niya ako? ganon ba siya magkagusto sa isang babae? sinusungitan niya?
At sino itong babaeng ito na napakaganda naman ng sobra..syempre iba yong ganda ng anghel sa bahay ni Matteo-si Lei, pero ang ganda din ng babaeng ito. Copper ang buhok niya, natural ba yan? Ang tangkad pa, halos kukunti lang yong tangkad ni Matteo sa babae. Model ba ito?
And to my surprised, Matteo hugged her.
And they hugged. Bakit medyo matagal yong hug nila ha.
left brain- bothered ka gurl?
Hindi. oh di, mag-hug sila forever.
pagkatapos nila mag-hug, the girl held Matteo's hands on hers.
Natural ba yon?
left brain- mukhang bothered ka nga.
Di ah, curios lang.
They talked and all smiled ang sungit ah. himala.
mukhang nakalimutan na ako ng hinayupak. aalis na ba ako?
tas napalingon sa akin yong babae, siguro na awkward na kanina pa sila nag-uusap ni Matteo at nandon lang ako nakaupo. feeling niya siguro inagawan niya ako ng kausap. tse, seo na yang Matteo na yan. ang buti nga dumating ka eh.
'Ahm, Kayla.'- simpling pagpapakilala sa akin ni Matteo
'girlfriend mo?'- excited na tanong ng babae
at...namula si Matteo. wait, what? nag-blush for the first time si Matteo. Gusto ko matawa, pero na-awkward din ako.
'h-hindi'- tanging nasabi ko
'but we're dating'- Matteo
uminit naman ang mukha ko. shit kapeng mainit. feeling ko pulang-pula yong mukha ko.
'really!'- sabi ng babae 'Hi, Ann pala. pasensiya ka na kay Matteo, medyo rude yan kaya di marunong magpakilala sa atin sa isa't -isa.'- sabi niya sabay tawa
Aywan, natawa din ako. kasi totoo.
'Diba?'- sabi pa ni Anne. ' Naku, pasensiya ka na, di kasi expert tong isang to sa panliligaw eh, but I'm here so pede ko na siyang ma-coach'- sabi pa
Wait, what?? ligaw?
ang bilis ha!!
Matteo chuckled. 'Does Copper know you've arrived yet?'
Copper? kapatid ba ito ni copper? kaya copper din ang buhok?
'di pa nga eh. gusto ko kasi i- surprise '- sabi niya
'Ahm'- agaw pansin ko sa kanila
'do you wanna go now?'- tanong ni Matteo.
so i guess, sa susunod ko nalang sasabihin sa kanya ang about sa totoong feelings ko. Bahala na talaga, hahanap ako ng tyempo para masabi sa kanya at kay Yugi ang totoo.
'oy, sege lang usap lang kayo, alis na rin ako'- sabi ni Ann
'ah, hindi, may klase na rin kasi ako. kaya I gotta go.'- sabi ko
tumango si Matteo.
'I'll call you later'- sabi pa
tumango nalang ako. 'see ya'- sabi ko kay Ann
pero di ako lumingon kay Matteo.
I'll call you later? ngeekkk.. ang feeling niya, nagdadate na kami?
bago ako bumaba ng hagdan, di ko mapigilan yong sarili ko na lumingon.
Ayon nakangiti siya na nakatunghay kay Ann.
Baka di na ako kailangan ni Matteo to fool around. diba yon ang sabi niya, gusto niya ma-experience magfool around bago daw siya mag-graduate?
Oh, mukhang di ko na kailangan makipag-fool around sa kanya. Bakit pa nga naman, ang ganda naman ng Ann na yon.
At hindi ako bothered.
left brain- sure?
yeah. salamat pa nga dahil andiyan si Ann at mabawasan na siguro ang pangbubwesit sa akin ng sungit na yon.
If that's the case, then I don't have to tell him about my feelings for Yugi. ang tanging popo-problemahin ko ay paano ko masabi kay Yugi ang totoo kong feelings.
OO, yon lang ang dapat problema ko. At wala akong pakiaalam kung ano man ang relasyon ni Matteo kay Ann.
Speaking of that, diba sabi ni MAtteo, in-arrange marriage daw siya ng mga magulang niya? baka si Ann yong babae! Naku kawawa naman ang mga kabaklaan sa campus dahil mukhang ma-bobroken hearted ang mga ito,ngayon na nandito na si Ann kung saan mang sulok ng mundo galing.
Pero bakit di makuha sa isip ko yong image ni Matteo na naka-smile kay Ann. girlfriend niya ba yon? kaya ang bait niya kay Ann? bakit parang kilalang-kilala ni Ann si Matteo?
bakit curios akong masyado?
may isa pang nagbobother sa akin- the thought of knowing the other side of Matteo. Yong side na nakita ko while he's with his sister and Ann.
Paano kaya maging kaibigan si Matteo? paano kaya siya mag-protect sa mga taong mahal niya? Paano kaya siya magmahal?
Why am I suddenly curious about these? shit, kulang ata ako sa tulog at pahinga.
BINABASA MO ANG
My weird girlfriend
Roman d'amourUwaaaahhhhhhhhhh.... Ayaw ko sa kanya...kakatakot siya! pagkain niya atay, iniinom niya dugo. Tiinutulugan niya kabaong, laruan niya mga bungo! Ayaw ko sa kanya... Grabi ang kaba ng puso pag nakikita ko siya. Ta's nakita ko mukha niya, nakita ko m...