Unofficially yours :)

643 26 0
                                    

Yugi's POV

"Walang hiya ka!"

Pagkalabas na pagkalabas ko ng Cr ay yan kaagad ang salubong ni Grace sa akin, ang girlfriend ko simula lang kahapon. Ang totoo, nakalimutan ko na nililigawan ko daw siya at sinasagot na daw niya ako kaya naging kami na kahapon.

"Bakit?" Nakakunot pa ang noo ko na tanong sa kanya. Mabuti nalang maganda ang modo ko dahil nailabas ko sa CR ang dapat na nilalabas.

"Niloloko mo lang pala ako! May girlfriend kang iba!"

"Ha?????" gulat na gulat ako habang nakatingin sa kamay niya na may hawak ng cellphone ko. May girlfriend ba ako? Itong mga babae na mga ito, talagang pampakumplikado ng buhay!

(Author: Hmp!)

Totoo naman eh! Mga clingy kasi, dapat ayong no string attached lang!

"Yugi!!!" sigaw pa ni Grace sa akin. "Hindi ka naman nakikinig!"

"Bakit ba?"

"May tumawag, sabi layuan daw kita!"

"Asus, naniwala ka naman doon, ikaw kaya ang love ko." Sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Talaga? Poprotektahan mo sa kanya?" sabi pa.

"Syempre, ako pa! Hinding-hinding kita pababayaan at hinding-hindi kita iiwan!" Ang sweet ko no? Nakaismid na naman ang author natin. Hehehe

"Talaga? Sabi niya kasi kung hindi kita lalayuan, matitikman ko ang lupit niya."

Ha??? Bigla ko siyang nilayo. My God!!! Parang alam ko na kung sino ang tumawag! May ideya na ako. At ang kaninang malinaw na pag-iisip ko ay biglang natuliro. Oh...hindi..nag-uumpisa na naman ang bampira!!!!

"Yugi?? Okay ka lang?"

Tumango ako ng pilit.

"Yugi, sabi niya tawagan mo daw siya per---"

"Anooo???" Inagaw ko kaagad sa kanya ang cellphone. "Bakit hindi mo sinabi kaagad?"

Nagulat naman siya. "Kasi sabi mo mahal mo---"

"Sinabi ko ba iyon? Baka ang ibig ko sabihin mahal ko ang sarili ko!"

"I hate you!" sabi niya na nag-stomp pa ng paa niya.

"Bahala ka, basta ako mahal ko sarili ko! Kaya sundin nalang natin siya ha!"

"Whaaaaatt???"

Dali-dali akong umalis kahit na galit na galit pa si Grace.

"Tandaan mo Yugi, matitikman mo ang ganti ng isang api!!!!"

Ngek... Amor Power, ikaw ba iyan?

Magplano ka diyan ng ganti mo kasi ang mas higit na importante sa panahon na ito ay ang haharapin ko muna ang isang malas sa buhay ko. Isang malas na may pangalang Leah!

Yugi's POV

Pinaharorot ko ang motor ko papunta sa haunted house nila ni Matteo at Leah. Nasa School si Mat kaya may pagkakataon akong katayin g buhay ang babaeng weirdo na iyon. Sumosobra na talaga siya! Ngayong araw na ito, haharapin ko ang takot sa buhay, at iyon ay ang bampira na iyon. Maghaharap kaming dalawa at makikita niya na hindi na niya ako matatakot kahit kailan man!!!!

Pumarada ako sa harap ng bahay nila. Papasok nalang ako ng gate ng pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko.

Lumunok ako. Ng sunod-sunod. Waaaaahhhh. Babalik nalang kaya ako? Paano kung sabihin ko nalang kay ate Yuma na ipadala nalang kaya ako sa Japan at doon nalang mag-aral? Hindi na ako siguro mahahanap ng bampirang sadako na kapatid ni Matteo!

My weird girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon