Si Yugi...duwag :)

906 34 1
                                    

Yugi's POV

Hay, salamat...sa wakas napunta na sa akin ulit ang POV. Ako kaya ang bida sa istorya na ito, tas umipal ang langyang Paolo na 'yon.

A/N: Pa'no duwag ka kaya wala sayo ang POV!

Eh, sa ginawa mong duwag ang character ko...

A/N: Hehe..peace!

Sege na..OO na.

Balik tayo sa kwento. Masaki tang ulo ko, hindi ko alam kong sa'n tumama, pero masakit lang talaga...pati katawan ko. Ta's takot na takot ako, aywan ko kung bakit. Pakiramdam ko kasi may mga matang tumitingin sa akin. Wait, nasaan ba ako? Oh my God! Sa gitna ako ng gubat, tas madilim! Pusang walang ulo! Iniwan ako dito ni Paolo? Patayin ko ang hinayupak na iyon at walang-walang pag-asa iyon kay ate, I swear! Pero sa mga panahong ito..hindi ko dapat binibigyan ng pansin ang galit ko kay Paolo dahil andito ako sa gitna ng gubat at wala akong kasama pagkatapos nag-so-smoke-smoke pa ang paligid. Langya, nasa horror movie ba ako? Na kahit minsan man lang, di ko pinangarap na maging bida sa horror movies, at bakit ba ito ang istorya ng buhay ko, bakit horror ata imbis na love story, kaasar naman ang author.

Author: Sa totoong buhay, si God ang may hawak ng pangyayari, makakareklamo ka ba? Hindi naman ah..,kaya tumahimik ka dahil sa author ako kaya may karapatan akong kontrolin ang buhay ng mga characters ko...okey?

N.C. Okey lang sana kng biglang lumabas ang isang diwata na mag-sasave sa buhay ko, pero sadyang malupit ang tadhana dahil ang lumabas ay hindi diwata kundi isang Dracula, Dracula na walang mukha pero sa isip ko, nakikita ko ang kanyang nanliliksik na mata..nakatingin sa akin na para akong kakainin! Uwaaaaaahhhhhh!

"Ate Yumaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!"

"YUGi!!!!!"

Ate? Ate Yuma? Andito siya? Pero dito ko siya makita!

Slap!

"Aray!" sigaw ko sabay bangon mula sa sofa!

My God, panaginip lang pala! At si ate Yuma, andito sa harap ko!

"Ate,,,Ate..." sabay yakap ko sa kanya. Oh sege na, ako na bata pero takot talaga ako at si ate Yuma lang ang taong nakakaintindi kung bakit.

"Ate...ate..may Dracula ate...nakita ko si Sadako ate,, para siyang isang white lady, hindi ko nakita ang mukha...p-pero si..."

"Si Dracula, si Sadako, White lady, ano ba talaga?" sabat ni...ni Paolo? Andito si Paolo? Mula sa pagkayakap ko kay ate Yuma, kumawala ako at, tipaklong...andito nga ang Paolo na ito? At si Copper.

"Pwede ba, Paolo!"

Saway ni ate Yuma ko. Di tumahimik siya. Bleh, takot kay ate...hahaha.

"Common babe, tell me what happened"

Babe ang tawag ni ate sa akin.Short for baby brother. Bahala kayo maghusga basta gusto ko ang tawag sa akin ni ate Yuma. Kesa naman na itawag niya 'yan kay Paolo, Nunca! At alam ko, inggit na inggit na 'yang Paolo nay an..Bleh..akin lang ang ate Yuma ko..bleh.

"Kasi, ate.."

"Kasi..pakialamero ka..sinabi naman ni Mat na..." sabat na naman ng epal na Paolo pero natigil dahil tinignan siya ng masama ni ate Yuma. See, author? Kung sila ang magkakatuluyan ni ate Yuma, lagi sila...kami mag-aaway kaya kahit na sila pa bida sa book 3, di naman sila magkakatuluyan diba? (author: Hmmm..let's see! J) Psh,,basta, ako ang kontrabida sa love story nila!

"tapos?" tanong ni ate.

"Paolo, bakit ka ba nandito? Psh.." tanong ko.

" Wow, your welcome ha...ako lang naman kaya ang nagkarga sayo...mag-gym ka nga...bigat-bigat mo, tabatsoy ka kasi!" -Paolo

Tumayo ako, ouch..sakit ng katawan ko! " Hoy, anong tabatsoy? Excuse me, kung ang idea mo ng pag-gy-gym ay makipag-gang fight, mabuti pang matulog nalang ako." Sabi ko ta's nakita kong tumingin siya kay ate Yuma..di mas lalong sira image niya..ayaw pa naman ni ate sa mga barumbado.

"Hoy, Yugi, ayos-ayosin mo ang pananalita mo ha...kung magsalita ka para mong sinasabi na gangster ako..."

"Oh, bakit hindi ba?, totoo naman ah..."

"Hoy, minsan lang 'yon no"

"Anong minsan? Lagi kaya dahil pogi points mo 'yon sa mga chicks, no wonder ikaw ang number one playboy sa grupo.."

"Ano? H-hoy..." . nagraratle siya...hahaha, di niya alam kung pa'no niya idefend ang sarili kay ate..hahaha.

" Hoy, hindi 'yan totoo..wala akong mga babae at isa pa..."

"AT ISA PA, ANG INGAY NIYO!!!!!!" si ate Yuma! Nagalit na ang tigress at pag si ate ang magalit, matatakot pati si Zeus kaya nag-isang upo kaming tatlo pati si Copper sa gilid ng sofa.

"Yugi, di mo na kailangan siraan pa si Paolo sa harap ko dahil wala na siyang sisirain pa..sira na eh!"

Talaga? Hehe. Nice. Bleh, nakaisa ako kay Paolo.

"At ikaw, Paolo..di mo kailangan idefend ang sarili mo sa mga banat ni Yugi..dahil kahit ano pa kasama ang tao, once na gusto ko..gusto ko!"

Ano??? Ta's ang punyeta na Paolo, ngingiti-ngiti...kinilig ang langya. Hindi pwede.

"Ate, so gusto mo si Paolo?"

" Alam mo Yugi, ang kwento ay lovelife mo kaya stop asking about my lovelife. Just read book 3. Okey?

Para-paraan....ngiti naman ang Paolo na to. Banatan ko eh.

" Pwede ba, umuwi nalang kayo Copper?" Ako.

"Yup, actually, it's getting late naman eh. Ito kasing si Paolo, ayaw pa umuwi." Si Copper na ngingiti-ngiti.

"Umuwi ka na Paolo, dahil kahit ano pang pa-charming mo diyan, malabong maging tayo." Si Ate. Hahahah. Bleh. Buti nga kay Paolo. Nakita kong sumimangot lang ito at saka tumayo.

"Yuma," Hirit pa ni Paolo ng nasa harap na sila ng pinto. " remember, someday, Your destiny and my destiny will become one!"

Sa inis ko, bigla akong tumayo at makatikim naman ng high kick ang pagmumukha nito! Pero ang hinayupak, pagkakita na tumayo ako, mabilis pa sa hangin na biglang nawala sa harap ko.

"Hahahahahahahaha" si ate Yuma? Hu?? Anong nakakatawa.

"Hahaha, ang badoy talaga ni Paolo..hahaha"

"kaya nga..may destiny-destiny pang nalalaman. Destinyhin ko mukha niya eh." Ako.

"Pero sweet..."

Ano????? Nabingi ako. Na-sweetan siya sa kabaduyan na iyon??? Masama ito.

"Bukas na tayo mag-usap, babe...kumain ka na't matulog."

Tumayo na siya.

"Ate, tabi tayo..." paglalambing ko. Ngumiti siya.

"Sure,baby brother."

My weird girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon