Love is blind

511 19 0
                                    

Alex's POV

Sa tuwing lunch, magkakasasama kami lahat na kumakain sa canteen kaya na kami lagi ang pinakamaingay eh. Lagi pa nga reserved ni manang taga-canteen ang mahabang table sa amin dahil ayaw naming maghiwalay na walo.

Ngayon, ala si Paolo dahil sigurado kung saang kandungan naman 'yon nagising. Si Mat naman, ayon mula nong pumasok lagi nakasimagot at hindi pa nambabati. Si Cupid naman kahit nga nandito, busy naman sa camera niya. Si Yugi, ayon absent at kahit siguro pumasok pa siya siguro hindi na muna siya sasabay. Ang mangyayari nito, ang malapit kay Yugi, sasama sa kanya, ang malapit naman kay Mat, sasama naman sa kanya. Mahahati na ang grupo dahil sa pesteng pag-ibig na 'yan. Dagdag pa ang hinayupak na Apollong ito, wala nang ginawa kundi ang kalikutin ang facebook sa kakatingin ng pictures ni Kayla! Haiiiizzzt! Pag-ibig, kaylupit mo!

Mabuti pa si Enoch, easy easy lang dahil nasa Paris pa si Gael, pero kung darating na ang bruhang yan, ay naka! Halos gawing yaya ang kaibigan namin.. aywan ba diyan kay Enoch, kay gwapo-gwapo nagtiis sa clingy niyang girlfriend. Ito naman si Copper, undenial to the highest level! Basta para daw maintindihan niyo basahin niyo ang story ni Copper dahil nagsisimula na si author sa pagsusulat ng lahat ng story at naka-upload na siya ng story ni Copper.

Dahil tapos na si author maka-promote, balik tayo sa sitwasyon.

Ano kaya ang pumasok sa kukute ni Yugi na dinate niya ang kapatid na weird ni Mat?

Hay... magkaka-ayos pa kaya si Mat at Yugi?

Ano kaya ang gagawin naming? Eh sa alam naman namin na ang sungit niyang si Mateo.

Hayyyy....

At isa pang hayyyyy...

Yugi's POV.

"The number you have dialed is unattended, please try your call later."

Napabuntong-hininga nalang ako ng malalim. Kanina ko pa siya tinatwagan, kanina ko pa rin siya tinitext pero walang reply sa text, hindi naman sinasagot ang phone.

Kailangan ko makausap si Lei!

Kailangan kong humingi ng sorry sa kanya. Kailangan, malinaw na ang lahat-lahat, at kung ayaw pa rin niyang tanggapin ang sorry ko,.... Ano ba nag gagawin ko? No... kailangan niyang tanggapin ang sorry ko! Dahil di ko kayang isipin na galit siya. Kahit pa na suntukin lang ako ulit ni Mat!

Tinext ko siya ulit.

'Lei, sorry na.'

No reply.

'Lei, hahaba naman 'yang buhok mo eh.'

No reply.

'Lei, bibilhan kita ng wig'

No reply.

'seryoso, sorry talaga.'

Wala pa rin siyang reply!!!

'lei, sagutin mo phone mo, plz?'

Tumawag ako. Pero pinatay niya lang.

Hay...

'Lei, may sasabhin ako seo.'

'Lei, no scars can alter ur beauty. U'r still beautiful.'

'Lei, punta ako jan, dalhan kita atay.'

No reply.

'Sege Lei, kung ayaw mo tlaga, okay. But remember, Im still ur friend. I'll tell you stories. I'll listen to yours. And if one day, you'll find time to forgive me, I'm willing to be part your past and present.'

Ta's inantay ko na magreply siya.

Pero alam ko naman eh, nag-aantay lang ako saw ala. Ang sabi nga nila, don't poke the fresh wound, it's still tender and still hurting.

Sana lang, ang sugat na dulot ko kay Lei ay mabilis humilom.

Yugi's POV

Pumasok ako the next day, pero iniwasan ko na ang mga daan na alam kong magkakasalubong kami ni Matteo, baka mapatay niya lang ako. Kawawa naman ang mundo, kunti nalang kasi ang gwapo, mamatay pa ako, di lalong kumunti.

"Musta 'yang panga mo?"- si Copper na tumabi sa akin sa pag-upo.

Ngumiti ako ng kay-naman-walang-kaso smile sa kanya. Saka nagkibit balikat.

Tumahimik siya pero alam ko gusto na niya akong bombahin ng mga tanong niya.

Dumating naman si Alex at Apollo.

"Oh, Yugi, okay ka na?"

Kinunotan ko lang sila ng noo. Minsan ang mga kaibigan ko ay di marunong makiramdam.

"Wait lang, text ko si Paolo na wag na muna dito pumunta sa tambayan. Magkasama sila ni Matteo eh."

Napabuntong-hininga ako. Siguro nga, wasak na talaga ang friendship namin ni Matt, at din a maibabalik pa iyon.

"Ah... pede magtanong, Yugi?"- si Apollo na tsismoso, katulad na katulad kay Paolo. "Nagdadate ba kayo ni...sino yong weirdo na kapatid ni Mat?"

"Leah"- ako

"OO, si Leah...nagdadate ba kayo?"- Apollo

Ta's silang tatlo ay nakatunghay sa akin at nag-aantay ng sagot ko.

Bahala sila mabitin, mga tsismoso.

After a minute na wala silang sagot, nasipagsimangutan.

"What do you like about her?"- sabi ni Copper.

Dumating naman si Cupid na naki-usyoso rin.

"So you're not afraid of scary things anymore?"- Cupid

"Ta's... ta's... paano nagsimula ang love story niyo?" – Alex

"Kaya nga? Bakit di mo naman sinabi sa amin?"- si Apollo

Tinignan ko sila isa-isa. Masigawan ko nga nag mga ito!

Pero bago ko mgawa iyon, may tumawag ng pangalan ko.

"Yugi!"

Napalingon kami lahat.

Si Kayla.

Hindi naman magkandatuto si Apollo sa pagsalubong kay Kayla.

Pero dire-diretso si Kayla sa akin.

"Are you okay?" sabay hipo niya ng pisngi ko para matignan mabuti ang pasa ko at cut sa labi.

"Okay lang," sabay kuha ko ng kamay niya.

"ang shweet naman ni chief"- si Cupid. Editor-in-chief kasi nila si Kayla sa pub.

Tsaka lang parang narealize ni Kayla na may mga tao pala maliban sa amin. Ngumiti siya.

"Miss singer, ako hindi okay."- Apollo

Napkunot kami ng noo.

"Kasi.... Naghyperventilate ang puso ko ng makita kita..."

Nasipa ko dis-oras si Apollo. Nakutungan naman siya ni Alex.

Napa- Aish nalang si Cupid at Copper.

Natawa naman si Kayla.

"Susunduin mo ako mamaya?"- si Kayla ulit.

Tumango nalang ako.

Ta's umalis na siya.

"lam mo, mukhang love ka talaga ni chief, Yugs"- Cupid.

"Aray ah! Andito ako oh.."- si Apollo

Ako, tahimik lang.

Ang utak ko kasi nasa kay Lei.


My weird girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon